Tambuling Batangas Publication August 15-21, 2018 Issue | Page 4

OPINYON August 15-21, 2018 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Ni Teo S. Marasigan In shambles MAJORITY of Filipinos likely rejoiced over the news that authorities seized last week around 500 kilograms of shabu, with an estimated street value of P4.3 billion. It was the product of a joint effort of the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Philippine National Police (PNP) and the Bureau of Customs (BoC). The huge amount of shabu was ingeniously concealed in four magnetic scrap lifters but the ploy to smuggle the drug was foiled because of a tip the authorities received prior to the shipment, enabling the anti-drug operatives to track the shipment. That was the good news. The bad news was that an even bigger amount of shabu slipped past through the authorities. On Friday, the PDEA found four more similar magnetic lifters inside a warehouse in General Mariano Alvarez in Cavite and trained dogs sniffed traces of illegal drugs in the already empty lifters. According to PDEA director general Aaron Aquino, an estimated P6.8 billion worth of shabu can be packed inside the lifters and could now be on the way to major drug distributors in the country. Aquino expressed frustration over the seeming Sisyphean ordeal of PDEA and the PNP. “Sisyphean” pertains to the story in Greek mythology about King Sisyphus of Corinth who was punished in Hades by having to repeatedly roll a huge stone up a hill only to see it roll down again as soon it reached the top. “We used to seize drugs by grams, but the drugs kept coming into the country by tons. If this goes on, all our efforts in the PDEA and PNP are useless,” Aquino lamented. The PDEA chief believes the incident indicates there are still corrupt BoC people helping international crime ring smuggle illegal drugs in to the country. By all indications, Aquino’s hunch may be correct. The two shabu-smuggling incidents bear disturbing similarities to the seizure of a P6.4 billion worth of shabu last year in Valenzuela City. The methods of smuggling were practically the same; the shabu seized in Valenzuela were concealed inside metal cylinders. There was a previous tip about the shipment that allowed authorities to track the whereabouts of the smuggled drugs. Likewise, the authorities found identical empty metal cylinders in Sampaloc, Manila that could contain as much as 120 kilos each of shabu. As a consequence of the brouhaha generated by the shabu smuggling, the BoC underwent a major revamp. Now, the BoC has some explaining to do again after the discovery of the empty magnetic lifters with traces of shabu. How did the items manage to pass BoC without arousing suspicions when there was a previous tip about an impending huge shipment of illegal drugs, which were found in similar magnetic lifters? Likewise, who gave the greenlight to allow the shipment out? With such a huge value of contraband at stake it is logical to assume that whoever is behind the shipment would take pains to ensure it would not end up being confiscated by authorities. The obvious ploy would be to get someone in BoC to make sure the illegal shipment would get official imprimatur to enter the country. And based on the previous catch, the possibility emerges that the drug syndicates are actually leaking information on a huge shipment as a red herring to draw away attention from an even bigger bulk of contraband. Come to think of it, the drug syndicates can afford to lose P4.3 billion if they can successfully smuggle P6.8 billion worth of shabu. They can make an even bigger profit by raising their selling price on the ground that it is getting more difficult to bring the illegal drugs into the country. An in-depth investigation is in order to pinpoint the protectors of international drug syndicates who are lurking in the BoC and possibly in other concerned agencies. Unless corrupt officials and government personnel who are abetting the influx of illegal drugs here in the country are exposed and punished, President Duterte’s relentless campaign against illegal drugs would turn into shambles. Ang Problema kay Conrado de Quiros BAGAMAT maraming beses na siyang nangsorpresa sa mga tindig niya sa ilang usaping kinasasangkutan ng Kaliwa, nakakagulat pa rin ang sanaysay na “Justice” ni Conrado de Quiros na lumabas noong 03 Setyembre sa kolum niyang “There’s the Rub”. Mula sa marubdob na pagtangan sa mga posisyong makabayan at progresibo sa mga usaping pambansa, sinabi ni De Quiros na “katarungan” ang ginawang pagdakip kay Prop. Jose Maria Sison. Mula sa paghihinagpis at paghihimagsik sa panulat sa masasamang balita sa bansa, nakakita siya ng magandang balita sa pag-aresto sa isang lider ng Kaliwa. Nag-uugat ang tindig niyang ito sa ngitngit at pagkondena niya sa pagpaslang ng Partido Komunista ng Pilipinas at New People’s Army kina Romulo Kintanar at Arturo Tabara, na dating mga lider ng nasabing mga organisasyon. Noon pa man, inamin na ng PKP at NPA na sila ang pumaslang sa dalawa, bilang paggawad ng “rebolusyunaryong katarungan” sa mga krimeng nagawa ng mga ito: madugong gangsterismo na makikita sa mga operasyon ng panghoholdap at pagkidnap, pagdispalko ng malaking salapi, at paksiyunalismo sa kanilang dating organisasyon. Sa paningin ni De Quiros, iniutos ni Prop. Sison ang pagpaslang sa dalawa, kaya marapat lamang na arestuhin siya ngayon. Dalawang bungkos ang problema kay De Quiros. Sa isa, nariyan ang pagtingin niyang si Prop. Sison ang pinuno ng PKP at NPA, na iniutos nito ang pagpatay sa dalawa, at pumapatay ang PKP at NPA sa bisa ng atas ni Prop. Sison. Usapin ng datos ang unang dalawa, na kailangang patunayan sa korte. May datos ba si De Quiros para patotohanan ang mga ito? Salungat naman ang ikatlo sa kolektibong pamumuno sa PKP at NPA na pinapatunayan kahit ng maraming sulating tumutuligsa sa mga ito at kay Prop. Sison. Dapat pansining ayon sa pandaigdigang mga batas sa digmaan, armadong combatant sina Kintanar at Tabara, kaya hindi saklaw ng kasong murder ang pagpatay sa kanila. Mas mabigat ang ikalawang bungkos: Tutol si De Quiros sa paggamit ng dahas, na tinawag niyang simpleng “pagpatay” – ng Kaliwa o ninuman, aniya. Halimbawa niya ang dahas ng NPA sa isang banda at ni Hen. Jovito Palparan ng Armed Forces of the Philippines sa kabila. Aniya, hindi umani ng “simpatya” ng publiko ang legal na Kaliwa sa tinatamo nitong panunupil – kasama ang pampulitikang pamamaslang – dahil sa umano’y lantarang pag-ayon nito sa pagpatay kina Kintanar at Tabara. Bagamat binawi at inalpasan niya, nasabi niyang nabigyang-katwiran ng ganitong tindig ang pandarahas ni Palparan. Sabi raw ng isang mambabasa niya, “serves them right”. Mabuti nga? Ang problema, hindi naaabot ni nasasaling ng minsan nama’y radikal na pagtuligsa ni De Quiros ang karahasan ng may monopolyo sa diumano’y lehitimong paggamit ng dahas – ang Estado. Kapag tumututol siya sa dahas, tahimik siyang sumasang-ayon sa dahas ng Estado. Ang kondenahin ang lahat ng paggamit ng dahas o “pagpatay” nang ang halimbawa lamang ay ang paggamit ng dahas ni Palparan at ng NPA ay ang ikubli sa paningin, ipagpalagay na natural, at sa gayon ay lalong pagmukhaing natural, ang karahasan ng Estado. Tila napako ang paningin niya sa Kaliwa at lantad na Kanan, kaya hindi niya nakita ang nawawalang “Sentro” – ang Estado na ang totoo’y nasa Kanan din. Ang totoo, tampok na baboy at barubal lamang na kinatawan ng karahasan ng Estado si Palparan. Sa kasaysayan at kalagayan ng Pilipinas at daigdig, nandarahas ang Estado kahit walang armadong paglaban ang mga mamamayan. Karahasan itong bahagi ng sistema, hindi pamana lang ng partikular na rehimen. Dahil nakasalalay ang Estado sa pag-iral ng pagsasamantala at pambubusabos sang-ayon sa uri, palagi itong hinaharap ng paglaban, iba’t ibang paglaban, ng mga mamamayan lalo na ng maralita. Ang paglabang ito ang tinutugunan ng pandarahas ng Estado – na sa bansa ay instrumento ng imperyalismo at naghaharing mga uri para ipagtanggol ang kanilang mga interes. Sa Pilipinas, nahinog ang paglaban ng mga mamamayan sa paggamit ng dahas para itayo sa kasalukuyan ang gobyernong bayan sa kanayunan na siyang binhi ng estado ng mga mamamayan sa hinaharap. Bukod sa kailangang sariwain ang mga argumento pabor sa paggamit ng mga mamamayan ng dahas, mahalagang balik-aralan ang dekada ’60 – panahon ng paglakas at pagbalikwas ng mga kilusang mapagpalaya sa iba’t ibang bansa sa mundo. Sentral sa kanilang pagkilos na nagdulot ng malalalim na pagbabago sa kasaysayan ang paggamit ng dahas. “Nagmumula sa dulo ng baril ang pampulitikang kapangyarihan” ang islogan para rito ni Mao Zedong, pinuno ng Tsina. Sa ganitong pag-iral ng dalawang gobyerno dapat ilugar ang pagpaslang kina Kintanar at Tabara. Ano ang dapat ginawa ng PKP at NPA sa kanila? Ihinabla sa bulok na hukuman ng Estado ng mga mayaman at makapangyarihan? Hindi kailangang maging komunista para magdalawang- isip. Higit pa rito, gayunman, dahil alam nina Kintanar at Tabara na tutugisin sila ng kaparusahan sa mga krimen nila, naglingkod sila sa Estado. Hindi pinarusahan, ni inimbestigahan, ng Estado silang lantarang inaakusahan ng iba’t ibang krimen dahil naging kaisa sila ng Estado sa pag-atake sa kalaban nitong Kilusan. Kung hindi sila paparusahan ng Estado – at ganito nga ang nangyari – sino ang kikilos? Nasaan ang katarungan kung hindi mapaparusahan ang mga may krimen sa Kilusan? Sa puntong ito lalong nailalantad na kawalang-katarungan ang pagdakip kay Prop. Sison. Hindi makatarungan ang patraydor na pag-aresto at malupit na pagpiit sa isang bulnerableng simbolo ng Kaliwa para litisin sa kasong pagpatay sa dalawang dating lider- rebolusyunaryo na hindi mapasubaliang nakagawa ng mga krimeng mas mabigat sa anumang kayang iakusa kay Prop. Sison. Tama si De Quiros: Dapat managot ang mga lider sa mga kahibangang nangyari sa panahon ng pamumuno nila. Kung gayon, dapat idiin niya sina Kintanar at Tabara na responsable sa ilan sa pinakamadugong mga pagkakamali ng Kilusan sa buong kasaysayan nito. Hindi nila kahanay si Prop. Sison – na nanguna sa pagpuna at pagwawasto sa mapaminsalang mga pagkakamaling ito. Bakit nagkamali sa usaping ito si De Quiros? Dahil lahatan ang pagbasura niya sa paggamit ng karahasan: “ang pagpatay, personal man o pulitikal ang motibo, ay hindi kailanman makatuwiran.” Dahil sa matayog na kawastuhan nito, masarap itong sabihin at madaling sang- ayunan ng marami, kundi man ng lahat, sa panimula. Pero ipinapakita sa kasong ito ni De Quiros kung paanong binubulag tayo ng ganitong paniniwala sa aktuwal na paggamit ng dahas ng Estado at ng Kaliwa, sa aktuwal na mga tunggalian at aktuwal na mga salimuot na naririyan at umiiral sa ating reyalidad. Sitwasyon ito kung saan ang bulag na pagdaklot sa ating matatayog na mga prinsipyo ay mali at imoral, humahantong sa paghanay, kung hindi man pagkampi, sa mga naghahari sa bansa. Sa puntong ito, nagiging usapin ito ng etika, kung hindi pa man ng pulitika, ng mga komentarista sa bansa. Ngayon ko lang nailulugar ang isang puntong inulit-ulit sa mga sulatin at panayam ng pilosopong Slovenian na si Slavoj Zizek. Ang kailangang gawin ngayon, aniya, ay hindi ang kumilos, kundi ang labanan ang bugso ng damdaming kagyat na kumilos. Alin, halimbawa, ang iboboto sa US, Republican o Democrat? Sa harap ng nagkakaisang koro ng pagsang- ayon ng mga kolumnista sa diyaryo sa pagdakip kay Prop. Sison, mahirap ngang manawagan sa kanila na agad kumilos. Tama si Zizek: kailangan muna nilang kuwestiyunin ang batayang mga punto (coordinates) ng pag-iisip nila – hinggil sa karahasan, tunggalian, pagbabago, at kay Prop. Sison mismo. Dahil kung hindi, katulad ng nangyari kay De Quiros, aakalain nilang katarungan ang kawalang-katarungan, at tatalikuran ang totoo pabor sa tatawagin nilang prinsipyo. 10 Setyembre 2007