Tambuling Batangas Publication August 01-07, 2018 Issue | Page 8
Challenges to farm tourism ...
p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLI
No. 32
August 1-7, 2018
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Batangas Province PWD Federation,
nakiisa sa NDPR Week Pogram ng BatMC
SA
pagdiriwang
ng
40th
National
Disability
Prevention and Rehabilitation
(NDPR) Week, naglunsad ang
Batangas Medical Center
(BatMC) ng isang linggong
programa
na
nakatutok
sa
pagbibigay
ng
mga
pagkakataon sa mga Persons
with Disabilities (PWDs)
upang mabuhay at mamuhay
nang produktibo sa kabila ng
kanilang mga kapansanan.
Sa gabay ng temang
“Kaalaman,
Kasanayan,
Para sa Kabuhayan Tungo sa
Kaunalaran”, ang nasabing
okasyon ay pinangunahan ni
Dr. Ramoncito C. Magnaye,
Medical Center Chief II at
Ann-Rochelle D. Malleta,
Head
ng
Rehabilitation
Medicine Department, na
kapwa nagmula sa BatMC,
katuwang ang Federation of
Persons with Disabilities of
the Province of Batangas Inc.
(FPDPBI), sa pamumuno ng
pangulo nito na si Mr. Nelson
Adante na isa ring empleyado
ng Pamahalang Panlalawigan
ng Batangas.
Bilang
panimula,
naging tampok na gawain ang
pagdaraos ng Mini Parade
na ginanap noong ika -16 ng
Hulyo 2018 sa BatMC Circle.
Dito ay nakiisa ang humigit
kumulang limampung PWDs
na nagmula sa Lungsod ng
Batangas at bayan ng San
Pascual.
Kabahagi rin sa mga
nakalaang
aktibidad
ang
Display and Sale of Products,
Livelihood Seminar for the
Disabled hatid ng TESDA,
Sundan sa pahina 3..
Bukid to Bahay Farm
Product Expo, Ibibida
ang Produktong Batangas
BIBIDA ang mga produktong
Batangas sa ilulunsad na “Bukid
to Bahay” Project, kung saan
itatampok at ipakikilala ang mga
Farm Products ng Lalawigan
ng Batangas sa high end quality
markets sa Bonifacio Global City
sa Taguig City, Metro Manila sa
darating na ika-25 ng Hulyo 2018.
Ang “Bukid to Bahay”
Project ay isang programa ng
Pamahalaang
Panlalawigan
ng Batangas na inilatag sa
pagtutulungan ng Provincial
Tourism and Cultural Affairs
Office (PTCAO), Office of
the
Provincial Agriculturist
at private sector partners nito
na Human Nature ni G. Tony
Meloto, at Bukid to Bahay Inc.
na pinamumunuan ni G. Michael
Gonzales.
Ang Human Nature at
Bukid to Bahay Inc. ang tutulong
sa pagtataguyod ng network
mula sa tourism, food and
beverages sectors at suppliers na
makakabalikat ng mga malalaking
farm destinations sa pagbebenta
ng mga agricultural products.
Ayon kay PTCAO chief
Atty. Sylvia Marasigan, bukod
sa pagpapakilala ng mga world-
class products ng Batangas,
magkakaroon din ng kaakibat
na programa na maglulunsad
ng Farm Tourism sa lalawigan,
kung saan magiging pangunahing
destinasyon ng mga turista ang
mga farms na pinangagalingan ng
mga produkto.
Sa pagkakaroon ng
ganitong bagong atraksyon,
isinusulong ng Lalawigan ng
Batangas ang tourism program
na nakatuon sa 5 F’s na “ Farm,
Food, Faith, Family and Fun.”
Ang nasabing programa
ay bilang pagsunod din sa
direktiba ni Department of
Tourism Secretary Bernadette
Romulo-Puyat na hinihikayat ang
mga lalawigan sa buong Pilipinas
na magkaroon ng ganitong uri ng
programang pang turismo.
Bukod sa malaking
maitutulong sa pagpapaangat ng
kabuhayan ng mga magsasakang
Batangueño,
pagkakataon
rin umano ito na ipakita ang
potensyal ng mga produktong
Batangas na makilala sa buong
bansa at sa ibang bansa.
Ang Batangas ay may
tinatayang 15 Farm sites na
maaaring maging pangunahing
atraksyon at destinasyon kung
saan nanggagaling ang mga
produkto tulad ng honey, turmeric
products, iba’t-ibang seasonal
fruits na maaaring gawing fruit
jams, fruit Juices at iba pa. –
Edwin V. Zabarte-BatangasPIO
40th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) Week
Batangas
ProVet,
binigyang-diin
ang
kahalagaan ng Public Health and Food Safety
SA
patuloy
na
pag-unlad
ng Lalawigan ng Batangas,
binibigyang
pansin
ng
Pamahalaang Panlalawigan ng
Batangas sa pangunguna ng
Provincial
Veterinary
Office
(ProVet), sa pangunguna ni Dr.
Rommel Marasigan, ang patuloy
na pangangalaga, proteksyon at
pagkalinga sa mga alagang hayop
at farm animals.
Kaugnay nito, ipinakita
ng nasabing tanggapan ang
kahalagahan ng pampublikong
kalusugan at kaligtasan sa pagkain
kung saan sila ay nagsagawa
ng iba’t ibang aktibidad upang
matiyak ang kasiguraduhan na
dumadaan ito sa tamang proseso
gaya ng lung scouring and sample
collection for swine respiratory
surveillance
at
antimicrobial
resistance
surveillance
on
slaughter pigs.
Pagdating
naman
sa
pampublikong
pamilihan,
kabahagi
rin
sa
kanilang
isinasagawang programa ang
Meat Market and Commodity
Prices Monitoring na tumutugon
at gumagabay sa mga mamimiling
Batangueño upang mabantayan
ang pagbaba at pagtaas ng presyo
ng kanilang mga kinukunsumo.
Samantala, ilan sa mga
accomplishments and activities
ng ProVet ay ang pagdalo sa
mga Planning Workshop para
sa walang-tigil na paglinang
ng kanilang mga kaalaman,
tuloy-tuloy na paglulunsad ng
Anti-Rabies Vaccination kung
saan nakapagtala na ng humigit
kumulang na 105, 500 na aso
at pusa na nabakunahan, Spay
and Neuter na isinagawa sa 19
bayan kasama ang mga lungsod
sa lalawigan at Information
Education Campaign. – Mark
Jonathan M. Macaraig & Louise
Mangilin – Batangas Capitol PIO
Alagang totoo ng mga Beterinaryong Batangueño. (Larawan sa kanan) Farm visitation sa St. Elmo’s Farm, Brgy. Kaylaway, Nasugbu.
(Gitna) Si Provincial Veterinarian, Dr. Rommel Marasigan, sa Kahariam Farm, Brgy. Adya, Lipa City para sa Blood collection of
Native Pigs for laboratory testing. (Kanan) Calaca, Batangas Swine Management, Feeds & Feeding Training.
OPV Batangas Mark Jonathan M. Macaraig & Louise Mangilin – Batangas Capitol PIO