Tambuling Batangas Publication April 25-May 01, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
No money, No Problem! #ReadyForSummer ... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Pagpila ng mga pasahero sa
loading at unloading areas
ipapatupad
p. 2
Cavite joins 2018
Philippine Veterans
Week, 76th anniversary
of the Araw ng
Kagitingan celebrations
p. 5
Batangas Athletics makes
history as the first MPBL
champ p . 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 18
Abril 25-Mayo 01, 2018
P6.00
Krimen sa Batangas City bumaba sa first quarter ng 2018
“AYON po sa datos na
ating nakalap, isa ang ating
lungsod sa may lowest crime
rate sa Calabarzon. Ito ay
kahanga-hanga considering
its population at dahil na rin
sa lokasyon nito, iba’t-ibang
uri na ng tao ang naninirahan
at dumadaan dito,” - P/Supt.
Sancho Celedio
Iniulat ng bagong
Batangas City PNP OIC na
si P/Supt. Sancho Celedio
sa
regular
session
ng
Sangguniang
Panlungsod
noong April 24 na bumaba ang
crime volume sa lungsod mula
176 sa unang quarter ng 2017
hanggang sa 124 ng kagayang
panahon ngayong 2018 o
bumaba ng 5.16%.
Sa
124
criminal
cases ngayong first quarter ng
2018 , 48 ang index crimes
o yuong mga crimes against
persons at property kagaya
ng homicide,rape, robbery,
burglary, aggravated assault,
motor vehicle theft, arson at
iba pa. May 76 naman ang
non index crimes kagaya ng
paglabag sa mga ordinansa at
mga espesyal na batas kagaya
ng Anti-Vawc, illegal logging
at iba pa.
Mula sa halos 18%
average monthly crime rate,
bumaba ito sa 12% lamang.
“Ayon po sa datos na
ating nakalap, isa ang ating
lungsod sa may lowest crime
rate sa Calabarzon. Ito ay
kahanga-hanga considering
its population at dahil na rin
sa lokasyon nito, iba’t-ibang
uri na ng tao ang naninirahan
Sundan sa pahina 2..
AER, DepEd consultative
forum strengthens education
& industry linkages
Joy Gabrido
CALAMBA CITY, Laguna,
(PIA) -- To strengthen the
linkage between education
and industry development in
the country, a Consultative
Forum
for
Calabarzon
stakeholders
was
held
at Chipeco Hall, Jose
Rizal Memorial School in
Calamba City last April 25.
“The event focuses
on the collaboration and
greater coordination among
the government, industry
and
education
(GIE)
sectors,” explained Action
for Economic Reforms-
Industrial Policy Team
(AER-IPT)
Coordinator
Jenina Joy Chavez.
The
coordination
of these different sectors,
she pointed out, had
been front and center in
national discourse. They
then deepen the discussion
by conducting regional
and local events such as
this consultative forum to
solicit more perspectives
and inputs from local
Sundan sa pahina 2..
TUMANGGAP ng financial assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A ang may 252 beneficiaries sa
lungsod ng Batangas. Ang mga ito ang ikatlong batch ng napagkalooban ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ni Congressman
Marvey Mariño sa nasabing ahensya. Nakapaloob sa naturang financial assistance ang medical, burial at educational, kung saan ang mga beneficiaries ay
tumanggap ng halagang depende sa kanilang nagastos at assessment ng social workers na nagsagawa ng interview sa kanila.
RDRRMC Calabarzon prepares for Barangay,
SK elections
PIA 4A
CALAMBA CITY, Laguna, May
2 (PIA) -- The Regional Disaster
Risk Reduction and Management
Council
(RDRRMC)
CALABARZON
discussed
its emergency preparedness
measures for the upcoming
Barangay and Sangguniang
Kabataan Elections 2018 through
a Pre-disaster Risk Assessment
Meeting held on May 2 at the
OCD-RDRRMC
Operations
Center, Calamba City, Laguna.
Based on the 2016 Voter
Statistics from COMELEC, the
CALABARZON region has
the largest voting population in
the country with 7.6 million
registered voters and highest
voter turnout in 2016 with 5.9
million or 77.8%.
Given the volume
of voters expected to flock in
various precincts and the influx
of people returning to their home
towns to exercise their right to
suffrage, Office of Civil Defense
(OCD) CALABARZON, as the
RDRRMC CALABARZON’s
Chair
and
Secretariat,
highlighted the importance of
anticipating and preparing for
any possible emergencies that
may arise in relation with the
election period.
To
determine
possible hazards that the
RDRRMC response agencies
and CALABARZON Local
DRRM Councils (LDRRMC)
should prepare for, a threat and
risk assessment particularly on
human-induced hazards that
could affect the elections was
discussed by the NICA IV and
PNP CALABARZON.
The
five
CALABARZON
Provincial
DRRM Offices (PDRRMO)
and RDRRMC agencies such
as DILG IV-A, DSWD IV-A,
DOH IV-A, PCG STL, DPWH
IV-A, and PIA IV-A then
reported their respective office’s
Sundan sa pahina 3..
Barangay Caravan naghatid ng
serbisyo sa Barangay Cuta
“DAMA po nila ang
pangangailangan
natin
kung kaya’t hindi po ako
nagdadalawang
salita
sa paghiling sa kanila.
Noong nakaraang linggo
po ay sa sitio Itlugan
idinaos ang caravan at
sa Biyernes po naman
ay isasagawa muli sa
Central, ”
eytey Teodoro dropped 20 points, four assists, and three rebounds off the bench while Val Acuna contributed 14 markers, four boards, and four dimes of
his own as the Athletics used a big third quarter to break away from their challengers.
Dinala
ng
pamahalaang
Lungsod
ng Batangas ang mga
batayang serbisyo nito
sa sitio, Duluhan, Brgy.
Cuta sa pamamagitan
ng Barangay Caravan
na isinagawa kaninang
umaga. Layunin ng caravan
na higit na mapaalwan
ang pagkakaloob ng mga
serbisyo at benepisyo sa
mga mamamayan lalo’t
higit
nangangailangang
residenteng
Batangas
City.
Pangunahing
serbisyong
hatid
ng
Caravan ay ang libreng
medical check-up, bunot
ng ngipin at libreng mga
gamot sa pamamagitan
ng City Health Office
(CHO) sa tulong nina Dr.
Vallance Edlagan at Dr.
Benedict Pascual ng Jesus
of Nazareth Hospital.
Sundan sa pahina 2..