Tambuling Batangas Publication April 23-30, 2019 Issue | Page 8

Election reflection... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 17 April 24-30, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com 50 lot owners tumanggap ng libreng titulo BATANGAS CITY-May 50 lot owners and tumanggap ng libreng titulo mula sa pamahalaang lungsod sa pangangasiwa ng City Environment and Natural Resources Office. Ang libreng patitulo na programa ng Department of Environment and Natural Resources ay sinimulang ipatupad ng pamahalaang lungsod noong 2014 alinsunod sa Republic Act 10023 o The Act Authorizing the Issuance of Free Patents to Residential Lands. Ito ang ika limang batch ng beneficiaries ng programang ito kung saan lahat ng mga requirements sa pagpapatitulo ng lupa ay ang City ENRO na ang gumagawa . Sinabi ni Mayor Beverley Dimacuha na “hindi daw madali ito, sa pinansiyal man o sa usaping l;egal kaya maganda talaga na nailunsad ang ganitong klase ng programa kaya ito ay pagsisikapan pang maipagpatuloy at mapalawak.” Binigyang diin pa ni Mayor Dimacuha na ngayong titulado na ang mga lupa ng mga may-ari ay hindi sana ito maging dahilan ng pag-aaway ng pamilya na may kanya kanyang interes sa property. Ipinahayag naman ng pinuno ng City ENRO na si Oliver Gonzales na naway mapakinabangang mabuti ng mga beneficiaries ang kanilang lupa na sila na ang legal na may ari at higit pa itong makatulong sa ibayong kaunlauran ng lungsod. Ayon naman kay PENRO Officer Elmer Bascos, kung nanlalamig ang programang ito sa ibang local government units, ito ay tuloy tuloy sa Batangas City. Marami pa aniyang lot owners na walang titulo ang lupa kung kayat hinikayat niya ang mga beneficiaries na ipaalam ang programang ito sa iba upang dumami pa ang makinabang. (Jeanette Reyes – OJT PIO Batangas City City ENRO na si Oliver Gonzales Bong Go: Lent calls for Mga gurong magsisilbi sa eleksyon prayers, introspection inihahanda na ng Comelec SENATORIAL candidate Christopher Lawrence “Bong” Go on Monday said he would repay with genuine service the kindness and the support the Filipino people, particularly those from the province of Cavite, had shown him in his recent visits. Go made the commitment as he expressed his thanks to the rousing welcome he received from fellow Caviteños during his motorcade at the cities of Dasmariñas and Imus. “Sobrang init po ng pagtanggap nila sa akin dito. Aasahan nyo po na serbisyo, serbisyo, serbisyo lang po ako. Yun po ang isusukli ko sa suportang ibinibigay ng mga kapatid natin,” said Go in an ambush interview during a break in the motorcade. In Dasmariñas City, Go met with local officials and community leaders of the province. He took this opportunity to discuss his plans for the country particularly in CALABARZON region. He also reaffirmed his solidarity with the people of the province through a “boodle fight” at the Dasmariñas City Hall. “Isusulong ko po pagdating ng panahon yung Magna Carta for barangay officials po,” Go said in an interview. He noted that barangay officials are in the forefront of delivery of services to their constituents so they deserve more benefits instead of just the honorarium they are currently receiving. “Gusto ko po silang bigyan ng nararapat na benepisyo, mula sa barangay chairman down to barangay kagawads, including maybe SK (Sangguniang Kabataan),” he added. Go is considered an adopted son of the province after the governors of Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon issued on February 10 this year a manifesto supporting the candidacy of the former SAP and declaring him a son of the CALABARZON region. He said that in the remaining three years of the term of President Duterte, they can count on him to support the programs and policies of the administration, particularly the campaign against illegal drugs, criminality and corruption. “Ipapagpapatuloy po natin yung kampanya laban sa corruption, kriminalidad at iligal na droga. Tuloy- tuloy po yan sa buong Pilipinas,” Go said. The former SAP also told the people of Cavite that he would likewise support the proper implementation of the “Build, Build, Build” initiative of President Duterte, particularly the projects that would benefit the people of the province and Sundan sa pahina 6.. BATANGAS CITY- Bilang pag hahanda sa darating na midterm elections sa May 13, ang Comelec Batangas City ay nagsimula na sa dalawang araw na refresher training (April24-25) sa sports coliseum ng mga guro na siyang magiging electoral board (EB), Department of Education Supervisor Official (DESO) at DESO Technical Support Staff. Ang EB ay binubuo ng chairperson, poll clerk at isang miyebro na siyang mangangasiwa sa vote counting machine (VCM). Sinabi ni Atty. Gretchen Dolatre, Batangas City Comelec officer, na mahalaga ang papel na gagampanan ng mga EB lalo na sa bilangan ng boto. Bawat presinto ay magkakaron ng nakatalagang EB at DESO technical staff na siyang mangangasiwa sa mga taong boboto at sa pagbilang ng mga boto. Idinagdag pa ni Atty. Dolatre na may ilang reminders na dapat tandaan ang mga EB tulad ng paggamit Atty. Gretchen Dolatre, Batangas City Comelec officer ng thermal paper ng machine, transmission ng election results gamit ang Secure Dgital memory card para sa USB modem, at marking pens. Hindi na gagamitin ang marking pens na supply ng Comelec ngayong 2019 dahil sa matagal matuyo ang ink kung kayat maaari itong maging dahilan ng error ng machine. Maari lamang gamitin ang ball pen o yung may tatak na 2016 marking pen ng Comelec. Sinabi naman ni Thelma Nayve, Meralco public relations officer, na sinisigurado ng kanilang public utility na hindi mawawalan ng kuryente sa araw ng eleksyon at kung sakaling magkaroon ng aberya sa power supply, mayroon silang nakalaang generator set na agad magagamit. Nagbigay din sila ng paalaala sa mga EB at DESO na kung sakaling mayroon silang mapansin kaugnay ng power supply, maaari aniyang ipagbigay alam kaagad ito sa kanilang tanggapan. (PIO Batangas City)