Tambuling Batangas Publication April 23-30, 2019 Issue | 页面 4
OPINYON
April 24-30, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
Election reflection
As religious solemnity falls upon mostly Catholic Philippines, Church
leaders have called on their flock to use this time for prayer and
reflection.
Yes, they said, we can take the slowdown as a chance to rest, quiet our
minds and forget about the routines of work for a change.
Families, with the common long break, can spend time together to
travel or just relax, but priests have urged them to make sure they set
aside some time to think about their sins.
Yes, sins. We are all flawed human beings living in an imperfect world.
Believe, they say, in a new beginning, or the resurrection. Until then,
we must love one another as we love ourselves.
Now, confess: isn’t this sometimes the hardest thing to do?
Most people think of themselves first, but then again, modern spiritual
leaders would tell you there is nothing wrong with that unless people
think of themselves only.
We all like to think we are good persons, but true goodness requires
humility and sacrifice — the letting go of pride and possibly the other
venial sins that are listed for good reason in those Catholic books we
hardly read.
True goodness is putting the welfare of others before ours, and in the
realm of politics, it is the hardest thing to tell who is real in this sense.
Certainly church attendance is no gauge of a person’s goodness. We
have seen so many politicians turn prayer into photo ops whenever
they got in trouble. If these individuals can pretend to be spiritual when
they are clearly corrupt, then we must reflect on that age-old Catholic
teaching: actions speak louder than words.
And so, with this is mind, priests and lay ministers have gently
reminded midterm election candidates to desist from taking advantage
of the Holy Week for campaigning.
Too tempting it may be to distribute bottled water, face towels and
T-shirts with your name on it, literally, the church and Commission on
Elections (Comelec) have stressed that campaigning is prohibited on
Maundy Thursday and Good Friday, and that applies to all candidates
running for national and local positions.
Comelec had also said that some candidates in the Magic 12 have not
complied with certain rules, in this case to register all their social media
sites so that the poll body can better measure candidates’ campaign
spending.
Five of 12 senatoriables have failed to follow the rules, and overall,
about 67 percent are compliant and the others either neglectful,
disorganized or downright disobedient.
For them — no, for all politicians — it would be more worthwhile this
Lenten break to reflect on one’s sins, but first to start defining what
“sin” is in one’s book.
Is it a crime, for example, to be given the responsibility to serve the
people — see to their needs, make sure they have at least the basic
things like food, shelter, water, electricity, transportation, employment,
education, health and peace and order — but scrimp on effort and
resources? Is it wrong to say one thing and do another just to get your
way?
In this sense, voters, too, must ruminate on who they will choose come
13 May 2019. That is coming up in less than a month. The reason
Comelec prohibits campaigning on Maundy Thursday and Good
Friday, and also the day before the polls, is because they want to give
voters a chance to reflect.
This is an oft-ignored detail that had led us many times to pick randomly
or decide in a rush, giving us, as they say, the leaders we deserve.
While many would argue that we now have what we deserve — some
leaders who have instituted and inspired change — the truth is we have
a long way to go.
National parties still have to do much to prove their programs are sound
and not just campaign promises. The Bangsamoro Autonomous Region
in Muslim Mindanao still needs major attention, for even as they elect
municipal leaders this coming elections, the people of BARMM will
have to choose wisely when the time comes so that the region, though
diverse, emerges strong and not another “failed experiment.”
In the same sense, whatever religion we belong to, it is for our good as
one nation to pray at this solemn time for guidance and clarity.
Ni Teo S. Marasigan
Livin’ la Villar-Gloria
Tulad ng ibang kasama sa
Kaliwa, nabahala ako noong una
kong narinig ang akusasyong
“Villarroyo.” Syempre, dahil si
Sen. Manny Villar ang inendorsong
kandidato sa pagkapangulo ng
Makabayan, koalisyon ng mga
progresibong partylist, at mortal
na kalaban pa rin ng sambayanan
– at, syempre pa, ng Kaliwa – ang
rehimen ni Gloria Macapagal-
Arroyo. Hindi katanggap-tanggap
na sikretong kandidato ni Gloria si
Villar. At talagang nakakagalit ang
isiping palulusutin ni Villar, kung
mahalal, si Gloria sa mga krimen
nito — dahil krimen din ito at taliwas
ito sa pangako niya sa Kaliwa at
maging sa publiko. Maraming
isyung ibinabato kay Villar at dapat
siyang magpaliwanag. Pero para
sa Kaliwa, mahalagang ilinaw na
hindi sikretong kandidato ni Gloria
si Villar. Matapang ang pahayag
ni Ka Satur Ocampo: kung
mapapatunayan daw ang kwento,
kakalas na ang Makabayan kay
Villar. Pero anu-ano kaya ang
batayan ng kwentong ito? Totoo
nga kaya? Ano ang ibig sabihin?
Kung tama ang alala ko, ang unang
naglabas ng “ebidensya” ay si Lito
Banayo, kolumnista ng dyaryong
Malaya, nangangampanya ngayon
para kay Sen. Noynoy Aquino,
at huling tumampok sa press
conference na sumira sa kandidatura
sa pagkapangulo ni Sen. Chiz
Escudero. Ang mga maka-Noynoy,
dahil gustong angkinin at solohin
ang pamumuno sa pakikibakang
kontra-Gloria, ay tuwang-tuwa sa
“rebelasyon” ni Banayo. Kasabay
ng pagyayabang na matapat sila sa
pagiging kontra-Gloria, nagdiwang
sila sa sinabi ni Banayo, niyakap
nila siya, at kinaligtaang siya
ang opisyal pangmidya ni Sen.
Ping Lacson noong tumakbong
pangulo ang huli noong 2004 –
bilang hindi-gaanong sikretong
kandidato ni Gloria na humati sa
boto ng oposisyon, ni Fernando
Poe, Jr., noon. Hindi na inuungkat
ngayon ng kampo ni Noynoy ang
“rebelasyon” ni Banayo, dahil
mahirap itong patunayan at, siguro
sa pagtingin nila, may iba nang
magagamit na “ebidensya” para sa
sinasabi nila.
Pagkatapos, may lumaganap pang
mensaheng e-mail na nag-aakusang
nagkaroon
ng
pagpupulong
sa bahay ni dating Sek. Mike
Defensor si Villar at ilang susing
opisyal ng rehimeng Arroyo, kung
hindi man kasama si Gloria mismo.
Wala nang anumang sumunod na
impormasyon tungkol sa pulong
na ito, na masasabing nakasira sa
pinalulutang na teoryang si Villar
nga ang sikretong kandidato ni
Gloria, dahil hindi na naman
napatunayan. Pwedeng pinalutang
ito ng kampo ni Villar, pero mas
malamang na mga propagandista
ni Noynoy ang nagpakalat nito, sa
layuning patibayin ang inilalako
nilang istorya. Sa takbo kasi ng
mga pangyayari, lumilitaw na
hindi agad at seryosong hinarap ng
kampo ni Villar ang akusasyong
“Villarroyo” para gawin ang ganito
noong mga panahong iyun.
Mayroon namang nakukumbinsi
ng ganitong istorya sa batayang
hindi malakas na tinutuligsa ni
Villar si Gloria. Napaka-absurdo
nito. Ano’ng klaseng kasunduan
iyun, na ang kandidatong gustong
ipanalo ni Gloria ay hindi tutuligsa
sa kanya? Akala ko ba, tuso siya?
Kung hahanap siya ng sikretong
kandidato, gaya ng sinasabi ng
mga maka-Noynoy, iyan ay dahil
alam niyang siya ang isa sa sentral
na isyu ng halalan. Kung ganoon,
malaking kalokohan na probisyon
sa kasunduan na hindi tutuligsa
si Villar kay kanya – gaya ng
ipinapakita na ng resulta ng mga
survey ngayon. Kasing-absurdo
ito ng pinapalabas ng mga maka-
Noynoy na hindi alam ni Sek. Gibo
Teodoro na si Villar ang tunay na
kandidato ni Gloria, hindi siya.
Talagang pinakamakitid na target
nila si Villar, at kahit si Gibo ay gusto
nilang gawing kaawa-awa – tutal,
masyado naman siyang malayo
sa mga survey para maging banta.
Pero kung sikretong kandidato
ni Gloria si Villar, tiyak na alam
din iyan ni Gibo — at patunay ng
makasariling interes ng mga maka-
Noynoy ang pagpapalabas na hindi
niya alam.
Eh bakit naman kinakanlong at
pinapatakbo ni Villar sa tiket niya
ang mga loyalista ni Gloria na sina
Joc-joc Bolante, Mike Defensor,
mga Marcos, mga Garcia ng Cebu,
Chavit Singson, at iba pa? Hindi
talaga maganda ang ganitong
walang prinsipyong pamumulitika
sa bansa, at ang pagkanlong pa
nga sa mga damay sa mga krimen
ni Gloria. Tiyak na pinuna ng
Kaliwa sa pagharap kay Villar ang
hakbanging ito. Pero si Manny Villar
ay hindi talaga si Satur Ocampo,
at sa balangkas ng tradisyunal na
pulitika sa bansa, mauunawaan
ang ganitong hakbangin. Sa isang
panig, tumakbo si Noynoy sa
udyok ng popularidad na dulot
ng pagkamatay ng nanay niya, na
tumining na kontra-Gloria, kaya
pwersado talaga siyang malakas na
pumosturang kontra-Gloria. Dahil
dito, nanguna siya sa mga survey,
at nagsunuran naman ang mga
pamilya ng mga naghaharing uri sa
pagsuporta sa kanya.
Singit lang: Dahil malakas na si
Noynoy, dapat ngang mas mariin
ang pagkondena sa kanya sa
pagpapapasok pa sa tiket niya ng
mga kilala ring maka-Gloria tulad
nina Joey Salceda, Ralph Recto at
mga Davide ng Cebu. Oo, dapat
isama ang mga Davide ng Cebu
dahil pumosturang “nyutral” at
“boses ng katwiran” ang dating
Chief Justice na si Hilario Davide,
Jr. noong paglilitis sa impeachment
ni dating Pangulong Erap Estrada.
Iyun pala, maka-Gloria, hindi
nagsalita noong nananawagan na
ang bayan na patalsikin si Gloria,
at tumanggap pa ng posisyon sa
United Nations na malinaw na
papremyo at suhol sa malalaking
pabor niya. Hindi rin dapat
palagpasin ang pagka-ipokrito ng
kampo ni Noynoy sa pagkondena
sa pagtanggap ni Villar sa tiket niya
ng mga maka-Gloria gayung may
isang dakot palang kamag-anak si
Noynoy na direktang nagtatrabaho
para kay Gloria. Ibang bagay ang
mga kamag-anak? Hindi makontrol
ng gustong mamuno ng bansa? Sila
na ba ang mga bubuo ng bagong
“Kamag-anak Incorporated” kapag
nahalal na’t naupo si Presidente
Noynoy? 18 Abril 2010
Itutuloy