Tambuling Batangas Publication April 23-30, 2019 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Datu Kalun :The Life-Journey of Pedro Javier Cuevas ... p.5
Mayor Dimacuha tumanggap
ng award sa ecological solid
waste management p. 2
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
PNPA, one of the best
changes that works for
women p. 5
Pagtatapon ng dumi ng baboy
sa Calumpang River tinalakay
p. 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLII
No. 17 April 24-30, 2019
P6.00
Pangulong Duterte: Pagsugpo sa illegal na
droga, patuloy
By Mamerta De Castro
LUNGSOD
NG
BATANGAS,
(PIA)- Patuloy ang pagsusulong
ni Pangulong Rodrigo Duterte ng
kanyang kampanya kontra illegal na
droga.
Sa isinagawang pagbisita
sa lalawigan ng Batangas upang
makibahagi sa Partido Demokratiko
Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-
LABAN) campaign rally sa Batangas
City
Sports
Coliseum
noong
Miyerkules Santo (Abril 17), sinabi
ng Pangulo na kabilang ang lalawigan
sa naka-red flag pagdating sa kaso ng
droga.
“Sinabi ko na pupunta
talaga ako dito sa Batangas, darating
ako dahil kasama kayo sa red flag pati
ang Lucena pagdating sa usapin ng
droga,” ani Duterte.
Binigyang-diin nito na
habang siya ay nakaupo sa puwesto
at nagsisilbi bilang lingkod bayan
ay patuloy ang gagawin niyang
pakikipaglaban upang masugpo ang
droga na sumisira hindi lamang sa
buhay ng nagiging biktima nito kundi
maging sa lahat ng miyembro ng
pamilya nito.
“Bilang lingkod bayan,
may mga batas tayong sinusunod at
habang may korapsyon sa pamahalaan
ay huwag nating asahang uunlad ang
ating bansa dahil iyan ang ugat ng
kahirapan,” anang Presidente.
Matapos ang mensahe ng
Pangulo ay itinaas niya ang kamay ng
mga Senatorial bets ng PDP-LABAN
kabilang sina Dong Mangudadatu,
Ronald “Bato” Dela Rosa, Christopher
“Bong” Go, Aquilino “Koko” Pimentel
III, Francis Tolentino at ang mga guest
candidates na sina Freddie Aguilar,
Imee Marcos, Rafael Alunan, Cynthia
Villar at JV Ejercito. (BHABY P. DE
CASTRO-PIA BATANGAS)
PRDP CALABARZON conducts
orientation to various municipalities
FIRST quarter of 2019 is a busy
period for the Philippine Rural
Development Project (PRDP)
CALABARZON
Regional
Project Coordination Office
(RPCO). Ten municipalities
from three different provinces
were oriented of the possible
interventions they can receive
from the project.
“While we do have the
biggest portfolio in the cluster for
both infrastructure and enterprise
interventions, there are still more
municipalities that we have not
yet partnered with. These are
the ones we are excited about,”
Regional Project Director Felix
Ramos said.
The
Infrastructure
Development
or
I-BUILD
component
went
to
the
municipality of Morong in Rizal
province to discuss the process
for a possible farm-to-market
road subproject for the town.
Component Head Joel Fuentes
met with Mayor Armando San
Juan to explain the opportunities
for Morong. Currently, there
are no other subprojects either
approved or pipelined from the
province of Rizal.
Two municipalities from
the Batangas province were given
Sundan sa pahina 2..
Pangulong Rodrigo Duterte
P 211M halaga ng pinsala ng El
Nino sa agrikultura sa Quezon
By Ruel Orinday
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon,
(PIA)- Umabot sa 211 milyong
pisong halaga ng mga pananim sa
iba’t-ibang bayan ng Quezon ang
naapektuhan ng tagtuyot dulot ng El
Nino Phenomenon mula Disyembre
2018 hanggang Marso 2019.
Ito
ang
iniulat
ni
Panlalawigang Agrikultor, Roberto
Gajo sa isinagawang flag raising
ceremony sa kapitolyo ng Quezon
kamakailan.
Kabilang
sa
mga
produktong agrikultura o pananim
na naapektuhan ng tagtuyot ay mais,
palay, high-value crops, niyog at
gayundin ang sektor ng pangingisda
kung saan ay umabot sa 6,189.61
na ektarya ng agricultural area ang
naapektuhan mula Enero 2018
hanggang buwan ng Marso 2019.
Ayon sa ulat ng tanggapan
ng Panlalawigang Agrikultor, ang
mga bayan na naapektuhan ng El
Nino partikular sa mga tanim na palay
ay ang Agdangan, Alabat, Atimonan,
Buenavista,
Burdeos,
Calauag,
Candelaria, Catanauan, Gunayangan,
Gumaca, Infanta, Jomalig, Lopez,
Mauban, Padre Burgos, Pagbilao,
Panukulan, Patnanungan, Quezon,
San Antonio, San Narciso, Sariaya,
Tiaong at Unisan.
Naapektuhan
din
ng
tagtuyot ang mga tanim na mais sa
mga bayan ng Buenavista, Alabat,
Agdangan, Candelaria, Catanauan,
Guinyangan,
Gumaca, Infanta,
Lopez, Lucena City, Macalelon,
Pagbilao, Padre Burgos, San Andres,
San Francisco, San Narciso, Sariaya,
Tagkawayan, Tayabas, Tiaong at
Unisan.
Ang mga bayan na
apektado ng tagtuyot partikular
sa sektor ng pangingisda ay ang
Agdangan, Atimonan, Burdeos,
Calauag, Padre Burgos, Pagbilao,
Panukulan, Patnanungan, Perez,
Polillo, Tagkawayan at Tiaong,
Quezon.
Sundan sa pahina 2..
MARINA launches info campaign
on sea passengers’ rights
By Mamerta De Castro
DOTr Usec for Maritime Fernando Juan Perez and Vice Admiral Narciso Vingson Jr., OIC-MARINA during the press conference held
at the Batangas Port after the launching of the information awareness campaign on the rights of sea passengers in cases of cancelled,
delayed, and uncompleted voyages. (Photo and caption by: Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)
BATANGAS CITY, (PIA)-The
Maritime Industry Authority
(MARINA)
launched
the
information awareness campaign
on the rights of sea passengers
in cases of cancelled, delayed
and uncompleted voyages at the
Passenger Terminal Building
(PTB)3 of Batangas Port on April
11, 2019.
Said campaign aims
to inform the public on their
rights, as well as the obligations
of shipping operators during
cancelled,
delayed,
and
uncompleted travels at sea.
All sea passengers of
a cancelled or delayed voyage
have the right to information
as well as right to refund or
right to revalidation of ticket. If
passengers choose to revalidate
their tickets, they may also avail
of the right to amenities including
snacks or meals and free
accommodation while waiting for
their rescheduled trip.
Sea passengers on a
cancelled or delayed voyage can
avail of the right to compensation
only if the free accommodation
is not practical for the shipping
operator.
Those
that
have
uncompleted voyage also have the
right to information, amenities,
Sundan sa pahina 3..