Tambuling Batangas Publication April 18-24, 2018 Issue | Page 8

On with the polls... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLI No. 17 Abril 18-24, 2018 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Mga pulis naglagay ng muriatic sa mga drainage upang huwag madaanan ng magnanakaw BATANGAS CITY- Sa supervision ng bagong Batangas City Police OIC chief na si P/ Supt. Sancho Celedio, nagsagawa ang ilang mga pulis ng paglalagay ng muriatic acid sa mga drainage sa poblacion bilang operasyon laban sa mga magananakaw kagaya ng Termite Gang na dumadaan sa mga manholes upang makapasok at makapagnakaw sa mga jewelry stores, pawn shops at iba pang financial institutions. Matatandaan na unang sumalakay ang Termite gang sa Batangas City noong February 5, 2018 ng nakawan nito ang isang jewelry store at natangay ang pera at alahas dito na nagkakahalaga ng P11 milyon. Dumaan sila sa isang manhole sa may P. Burgos St. at gumapang papunta sa nasabing store kung saan binutasan nila ang sahig dito upang makapasok. Agad nahuli ang suspek na si Manuel Banay taga Ilocos, sa barangay Pagkilatan kung saan siya ay nagtatrabaho bilang construction worker. Nang nakalabas siya ng detention cell matapos makapagpiyansa, nabaril siya sa poblacion ng mga hindi pa kilalang suspek at namatay. Ayon kay Celedio, makakatulong ng malaki ang paglalagay ng muriatic acid sa drainage upang hindi makadaan dito and mga magnanakaw. Pinangunahan ni PCINSP Jaime Pederio ang operasyon bandang alas diyes ng gabi. (PIO Batangas City) MMDA conducts clean-up drive at Estero de Binondo MANILA-- The Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) on Thursday conducted clean- up operations in a vital waterway here in preparation for the rainy season. MMDA Chairman Danilo Lim, together with the officials of Barangay 287 Zone 27 District III in Manila, led the clean-up drive in Estero de Binondo near Juan Luna Street. Personnel from the MMDA’s Flood Control and Sewerage Management Office manually removed floating trash and water plants. They also used cranes to dredge the waterways. The MMDA Chairman said that aside from clogging up waterways, the piles dumped on the estero also affect the capacity of the pumping stations in pumping out floodwaters. Lim, however, said that the four pumps in the nearby Binondo pumping station will be checked and prepared to ensure it will work out well in the coming rainy season. “Our dredging operations in the area will continue to maintain cleanliness of Estero de Binondo and nearby waterways,” Lim added. Aside from the regular clean-up and dredging operations, he also said that the MMDA will seek the help of Manila City Hall and Department of Environment and Natural Resources to trace the sources of twater wastes that are being thrown at the Estero de Binondo and check whether it is treated or not. “We will coordinate with the authorities and sanction establishments that throw their wastes directly to esteros and other waterways,” he said. Lim also appealed to the public to stop throwing their garbage in esteros as it causes flood. “I want to remind the public that esteros are not trash bins so we have to exercise discipline and stop throwing garbage there,” the MMDA Chairman stressed. (MMDA/JEG/PIA-NCR) Batangas City Police OIC chief na si P/Supt. Sancho Celedio, nagsagawa ang ilang mga pulis ng paglalagay ng muriatic acid sa mga drainage sa poblacion bilang operasyon laban sa mga magananakaw kagaya ng Termite Gang na dumadaan sa mga manholes upang makapasok at makapagnakaw sa mga jewelry stores, pawn shops at iba pang financial institutions. Kampanya kontra tigdas isasagawa mula Abril 25-Mayo 25 sa Metro Manila – DOH MAYNILA-- Isang buwang isasagawa ng Department of Health (DOH) ang kampanya kontra tigdas sa Metro Manila. Ito ay isaagawa mula Abril 25 hanggang Mayo 25, 2018, ayon sa ipinahayag ng DOH sa kanilang paglulunsad ng “Ligtas Tigdas” noong Huwebes, Abril 12. Isasagawa ang “Ligtas Tigdas” upang mapigilan ang pagkalat ng tigdas sa pamamamagitan ng pagbibigay ng libreng bakuna sa mga batang 6 hanggang 59 buwan ang edad. Ayon sa DOH, “door to door” ang gagawing pagbabakuna subalit maari din naman pumunta sa mga health centers ng barangay upang pabakunahan ang mga bata. Ang anti-measles rubella (MR) ay ibibigay sa mga batang anim (6) hanggang walong buwan (8) samantalang ang anti- measles mumps at rubella ay ibibigay naman sa edad 9 hanggang 59 buwang bata. Ang pinakahuling “anti- measles vaccination” ay isinagawa noong taong 2014 na nagresulta sa malaking pagbaba ng pagkalat ng tigdas. Ngunit, kamakailan lang ay nagkaroon ng measles outbreak sa mga lungsod ng Taguig, Zamboanga at Davao. Naging dahilan din ang kontrobersiya sa Dengvaxia upang tanggihan ng mga magulang ang pagpapabakuna. Binigyang diin ni DOH Secretary Fracisco T. Duque, III na ang bakuna laban sa tigdas ay matagal nang napatunayang ligtas at matagal nang ibinibigay sa mga bata. “Malaki ang nagagawa ng bakuna dahil mapipigilan nito ang pagkalat ng nasabing sakit at mga komplikasyon na kasama nito. Lalo ito mapanganib sa mga buntis dahil naaapektuhan ang batang dinadala nito,” pahayag ni Duque. Sa mga datos ng Epidemiology Bureau (EB) mayroong 4,168 naiulat na kaso ng tigdas sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Marso 26, 2018. Sa numerong ito, 723 ang nakumpirma 13 namatay. Karamihan sa mga kaso ay nagmula sa mga Region 11(27.73%), ARMM (21.59%), Region 9 (14.32%), Region 12 (10.45%), at Region 10 (10%). Kasalukuyang isinasagawa ng DOH ang Outbreak Response Immunization (ORI) sa mga naapektuhang lalawigan subalit patuloy pa rin ng pagkalat ng virus ng tigdas. Nakatakda namang isagawa ang pagbabakuna laban sa tigdas sa mga apektadong rehiyon sa Mindanao mula Mayo 9 hanggang Hunyo 8, 2018. Samantala, patuloy ang direktiba sa mga health workers na laging isagawa ang “standard immunization safety” upang maiwasan ang mga hindi magandang epekto pagkatapos ng pagbabakuna at transmisyon ng “blood borne infections”. Pinapayuhan din silang huwag gumamit ng vials na may senyales ng pagkabasag o kontaminasyon. Pagdidiin ni Duque, “Ligtas ang bakuna laban sa tigdas. Maaring magkaroon ng reaksyon subalit banayad lamang ito at madaling lumipas. Maaring magkaroong ng konting pamamaga o pamumula sa lugar na nabakunahan, sinat at “local adenopathy”. Bihirang mangyari ang malalang reaksyon.” Payo pa ni Duque sa mga magulang na kung sakaling may hindi magandang reaksyon matapos mabakunahan,dalhin ang bata sa alin mang ospital ng DOH para sa tamang pangangalaga. “Huwag kayong mag- alala, ang DOH ay nakatutok sa pangangalaga ng mga bata laban sa mga matitindi at seryosong mga sakit na maari namang maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna katulad ng tigdas.” Pahayag ni Duque. (DOH/SDL/LFB/PIA- NCR)