Tambuling Batangas Publication April 17-23, 2019 Issue | Page 8
A drop of sense... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 16 April 17-23, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
NO CASUALTIES sa sunog sa barangay Sta. Clara
WALANG naitalang casualties
sa naganap na sunog sa Sitio
Ibaba, barangay Sta. Clara, April
6, ayon sa hepe ng Batangas City
Bureau Of Fire Protection (BFP),
FCInsp Elaine Evangelista na
siya ring tumayong Fire Incident
Commander (IC) ng binuong
Incident Command System sa
kanyang pag uulat matapos
madeklarang fire out ito, 11:00
ng gabi.
Ayon kay Evangelista
masusi nilang sinuri ang lugar
ng sunog at wala silang nakitang
casualties o palatandaan na may
nasawi sa insidenteng ito.
Sa
kasalukuyan
ay iniimbestigahan pa ang
sanhi ng sunog na nagsimula
bandang 5:52 at tumupok sa
may 100 kabahayan dito. Ito
ay umabot sa 4th alarm kung
kaya’t rumesponde ang mga fire
trucks, ambulance at ibang pang
response vehicles and equipment
mula sa mga lungsod at bayan sa
lalawigan ng Batangas at mga
pribadong samahan.
Nakatulong
sa
pamamahala ng insidente si
BFP Provincial Director, Farida
Ymballa.
Kaagad na pumunta sa
lugar ng insidente sina Cong.
Marvey Marino at Mayor
Beverley
Dimacuha
upang
personal na alamin ang sitwasyon
at nagbigay ng instruction sa
mga kinauukulan para maisiguro
ang kaligtasan ng mga residente
at seguridad ng kanilang mga
ari-arian.Binisita rin nila ang
evacuation center sa Colegio
ng Lungsod ng Batangas upang
tiyaking maayos ang kalagayan
ng mga evacuees dito.
Dumating din dito ang
ilan sa opisyal ng lalawigan at
lungsod ng Batangas.
Bukod sa Batngas City
BFP naging mabilis rin ang
responde ng mga miyembro ng
Batangas City Disaster Risk
Reduction Management Council
(CDRRMC) kagaya ng Batangas
City PNP, City Disaster Risk
Reduction Management Office
(CDRRMO)
Transportation
Management and Regulatory
Office (TDRO) Defense Security
Services
(DSS),
General
Services Department, (GSD),
City Health Office (CHO), City
Social Welfare and Development
Office (CSWDO), Mayor’s
Action Center (MAC), Public
Information Office (PIO) at ilan
pang tanggapan ng pamahalaang
lungsod.
Mabilis din ang naging pagkilos
ng mga barangay officials at
residente ng Sta. Clara at mga
karatig barangay. Rumesponde
rin ang ilang mga pribadong
ahensya.
1st Batangas Provincial SK
Summit, idinaos
MATAGUMPAY na idinaos
ang 1st Batangas Provincial
Sangguniang Kabataan (SK)
Summit, na ginabayan ng
temang
“Empowering
the
Youth: Continuing Capability
thru Parliamentary Procedure
and Disbursement of SK Fund
of SK Federation of Batangas”,
noong April 6-8, 2019 sa Subic
Bay Traveller Hotel, Subic,
Zambales.
Ang
nasabing
SK
Summit, na naisakatuparan sa
inisyatiba ni SK Provincial
Federation ex-officio Board
Member
Hannah
Beatriz
Cabral, ay naglalayong maitaas
ang kamalayan ng mga opisyal
ng Sangguniang Kabataan sa
lalawigan patungkol sa tamang
pamamahala sa SK Fund. Ito
ang ipinaliwanag ni Ramses P.
Caraan, Municipal Accountant/
Administrator ng Municipal
Government of Alitagtag, sa
kanyang talk na nakatuon sa
“Disbursement of Funds”.
Bukod dito, tinalakay
din sa pagtitipon ang mga
paksang
“Parliamentary
Procedures
for
Barangay
Officials”, na tinalakay ni
Abigail N. Andres, OIC-
PD at Lady Jessica Naong,
LGOO II ng DILG Batangas;
“Code of Conduct and Ethical
Standard for Public Officials
and Employees (RA 6713), na
pinangunahan ni Gary Buaron;
at “Mental Health and HIV”,
na binigyang-pansin ni BM
Cabral.
Ang 3-day SK Summit
ay nilahukan ng 328 SK
Chairpersons at SK Councilors
mula sa mga bayan at lungsod
sa Lalawigan ng Batangas,
kung saan pinakamarami sa
mga ito ang nagmula sa mga
bayan ng Rosario at Bauan, at
Batangas City.
Lubos ang galak ni
Sundan sa pahina 6..
sunog sa Sitio Ibaba, barangay Sta. Clara, April 6, ayon sa hepe ng Batangas City Bureau Of Fire Protection (BFP), FCInsp Elaine
Evangelista na siya ring tumayong Fire Incident Commander (IC)
Tulong para sa Sta. Clara fire
victims tinalakay
BATANGAS CITY-Nagsagawa
ng pagpupulong ngayong April
8 si Mayor Beverley Dimacuha
sa mga department heads ng
pamahalaang lungsod at ilang
mga concerned government
agencies hinggil sa mga
pangangailangan
ng
mga
evacuees sa sunog sa Sta. Clara
noong April 6 kung saan may
100 kabahayana ang natupok ng
apoy.
Bago ito ay nagbigay
ng ulat and hepe ng Batangas
City Bureau of Fire Protection
na si Fire Marshall Elaine
Evangelista kung saan sinabi
niya na ang tinitingnan nilang
angulo na sanhi ng sunog ay
electrical connection . Ayon
pa rin sa kanya, ang estimated
damage to property ay humigit
kumulang sa P1 milyon.
Iniulat naman ni City
Social Welfare and Development
Officer Mila Espanola na may
kabuuang 1,790 evacuees kung
saan 1,025 ang nasa Colegio ng
Lungsod ng Batangas (CLB),
189 ang nasa Livelihood Center
sa Batangas Port, 546 ang nasa
Barangay Hall at sa Sta. Clara
Elementary School at 30 ang
nasa Sitio Ibaba sa nasabing
barangay.
Ayon sa kanya, higit
na nangangailangan ang mga
evacuees ng pagkain lalo na ng
mga gulay, cooking at eating
utensils, underwear, toiletries ,
unan, banig, at kumot. Marami
na aniyang mga donasyon na
damit at may tubig na available
sa CLB. Ang mga donasyon
ay pwedeng dalhin sa mga
evacuation centers kung saan
naririto ang kinatawan ng
CSWDO at ng Philippine Red
Cross.
Tinalakay din dito
ang Resolution No. 10511
ng Commission on Elections
tungkol sa mga rules and
regulations upang maipatupad
ang mga prohibitions sa ilalim
ng Section 261 ng Omnibus
Election Code kaugnay ng May
13 elections. Nakapaloob sa
resolusyon ang mga prohibitions
on release, disbursement or
expenditure of public funds.
Ayon
kay
City
Administrator
Narciso
Macarandang , kailangan ang
Petition for Exception mula
sa Comelec para sa relase ng
public funds na gagamitin sa
mga expenses na kailangan
sa isang kalamidad kagaya ng
naging sunog sa Sta. Clara.
Binigyang
diin
ni
Macarandang na nakasaad sa
Comelec Resolution na ang
paglabag sa Resolusyon ng
Comelec ay may kaparusahang
pagkabilanggo . (PIO Batangas
City)
Batangas City Bureau of Fire Protection Fire Marshall Elaine Evangelista, City
Social Welfare and Development Officer Mila Espanola, City Administrator Narciso
Macarandang