Tambuling Batangas Publication April 17-23, 2019 Issue | Page 4
OPINYON
April 17-23, 2019
Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na
inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT:
Sinag Publishing & Printing Services, National
Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos.
(049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee:
One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial
Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER:
Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI)
/ Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L.
Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane
Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria
Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out
Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal
Consultant. email add: [email protected] &
[email protected]
A drop of sense
If you have ever listened to the slow drip of water from a faucet, and waited
for it to fill a pail just so you could go on with your day, you would know three
things: patience, patience and patience.
The water supply problem continues to hound many households, and no matter
how hard we try, we cannot escape the sad reality that something had gone
wrong somewhere.
So, what do we do about it?
A shortage of any kind — cash, food, water, electricity, time, yes even patience
— can bring a person to his knees.
You lack cash, so you need to work. You work, but you lack time, because you
don’t have water or electricity, so yes, you lose your patience.
It’s all intertwined.
Somehow, we go on, but it is an uncomfortable situation that could drive one
to despair.
The question that hounds us is why there is water scarcity at all. The earth is 70
percent water, and desalination is already possible.
The answer lies in two realities: ever-increasing consumption which leads to
depletion of resources; and lack of proper systems to make water available
everywhere all the time.
A United Nations paper explains it this way: “Water scarcity can be a result
of two mechanisms: physical (absolute) water scarcity and economic water
scarcity, where physical water scarcity is a result of inadequate natural water
resources to supply a region’s demand, and economic water scarcity is a result
of poor management of the sufficient available water resources.
“According to the United Nations Development Programme, the latter is found
more often to be the cause of countries or regions experiencing water scarcity,
as most countries or regions have enough water to meet household, industrial,
agricultural and environmental needs, but lack the means to provide it in an
accessible manner.”
This is exactly what happened to us.
After weeks of water shortage issues across Metro Manila and other parts of
the country, we figured out that the water management system in our beautiful
islands has been defective all along.
We had been letting a leak of ill proportions go on unrepaired for so long just
because no one has had the will to change the pipes, so to speak.
Well, President Rodrigo Duterte approved a “draft master plan that will make
an integrated approach in addressing water supply concerns not just in Metro
Manila but the whole country,” as reported in this paper yesterday.
It will be incorporated in an executive order (EO) Secretary Karlo Nograles
said, which Duterte may sign soon.
Nograles opined that this would be the “fastest way” the government can
resolve the country’s water resource concerns.
Of course, do we believe that fastest is always best? That remains to be seen.
For now, the goal of the EO is to “review all concession agreements with water
distributors and cooperatives, address problems on sewerage and sanitation,
irrigation, flood management and watershed management.”
That is a monumental task, but maybe not as much as creating a body that
would oversee (and be responsible for) the whole system of managing our
water resources.
According to the report, the National Water Resources Board will be
reconstituted “into a body that will be responsible for policy-making, direction-
setting and the integration of all government efforts involving water.”
An “integrated approach” ideally results in a seamless and smoother flow of
operations, as well as a better ability to address potential problems without too
much time wasted.
The idea is a drop of sense amid the complicated setups our government
agencies appear to have ended up in through the years.
Coordination among different but related agencies had been a problem before
that some departments are already trying to change under this administration.
Working together is a concept that we Filipinos think we know very well,
but based on the various challenges we have been facing, from shortages to
calamities, it is something we all still need to learn.
Ni Teo S. Marasigan
Makabayang Sipat sa Makabayan Slate
Noong Marso 3, inanunsyo ng
Koalisyong Makabayan ang siyam na
kandidatong senador na ineendorso
nito. Nangunguna syempre ang
kandidato nitong si Neri Colmenares,
aktibistang abogado at mambabatas sa
mahabang panahon.
Kasama rin ang mga kandidato ng
Liberal Party na nakilala na dahil sa
matapang at mahusay na pagtuligsa sa
rehimen ni Rodrigo Duterte: sina Chel
Diokno, Samira Gutoc, at Erin Tanada.
Kasama rin si Florin Hilbay, kahit kilala
siyang tagapagtanggol ng rehimen ni
Noynoy Aquino. Isang bungkos sila
kasama ni Colmenares dahil sila ang
nasa unahan ng pagtuligsa ngayon sa
rehimeng Duterte.
Pero kasama rin ang ilang kilalang
pulitiko: Bam Aquino, Nancy Binay,
Serge Osmena at Grace Poe. Lahat
sila, pana-panahon sa nakaraan, ay
nakipagtulungan na sa Koalisyong
Makabayan sa iba’t ibang isyu —
bagamat hindi konsistent.
Bakit sila ineendorso ng Koalisyong
Makabayan? Malinaw ang dahilan
sa pahayag nito: pagkakaisa sa
mga batayang kahilingan ng mga
mamamayan sa ilalim ng rehimeng
Duterte. Pagbasura sa TRAIN Law
at paglaban sa Cha-cha. Respeto sa
kababaihan, karapatang pantao, at
karampatang proseso. Soberanya
sa West Philippine Sea. Usapang
pangkapayapaan
sa
National
Democratic Front.
Sa pangkalahatan, katanggap-tanggap
ang hanay, dahil walang malapit kay
Duterte. Lahat, sa minimum ay pana-
panahong tumataliwas sa kanya,
kung hindi man tumutuligsa. At
lahat, handang makipagtulungan sa
Koalisyong Makabayan.
Mula sa perspektibang aktibista,
madaling makita na iyung mga kilalang
pulitikong nabanggit ay hindi matatag
at tuluy-tuloy na tumindig sa lahat ng
nabanggit na isyu sa nakaraan. Posible
rin na hindi sila matatag at tuluy-
tuloy na tumindig sa lahat ng isyung
nabanggit sa hinaharap. Ganyan naman
ang malalaking pulitiko sa kasaysayan
ng bansa; walang dahilang umasa sa
kanila.
Pero bakit ba sila lumalapit sa
Koalisyong Makabayan? Maraming
dahilan, pero dalawa muna: Una,
patunay ito ng tunggalian ng mga
paksyon ng naghaharing uri. Hindi
mapagbigyan ng dominanteng paksyon
ni Duterte ang lahat — sa posisyon
sa gobyerno at pang-ekonomiyang
pakinabang. Kailangan ng mga nae-
etsapwerang paksyon ng kaalyado
para sa mga taktikal na layunin, pati
eleksyon.
Ikalawa,
dahil
makabuluhang
pwersang pampulitika ang pambansa-
demokratikong Kaliwa sa Pilipinas.
Kapag eleksyon, makikitang hindi
totoo ang sinasabi ng ilang intelektwal
at grupo: na lipas na at mahina ang
Kaliwa sa bansa. Maraming pulitikong
gustong ma-endorso ng Kaliwa.
Marami pa ngang nagpapanggap
na maka-Kaliwa — patunay ng
pagkakaisa ng Kaliwa at ng masa.
Pero bakit sila tinatanggap ng
Koalisyong Makabayan? Dahil dalawa
lang ang pwedeng gawin ng Kaliwa sa
bawat pagsisikap — sa pagpapatalsik
man ng pangulo o paglulunsad ng
kampanya o pagpapanalo sa eleksyon:
ang makipagkaisang-prente o hindi. At
sa pakikipagkaisang-prente sa isang
taktikal na layunin at yugto, hindi
makokontrol ang gagawin ng alyadong
pulitiko habang at pagkatapos.
Pero tuluy-tuloy ang kilusang masa, at
tuluy-tuloy ito sa pagtuligsa sa gawaing
masama, kahit pa naging alyado ang
gumawa. Tuluy-tuloy rin naman ito
sa pagsisikap na paunlarin ang mga
napagkaisahan sa mga alyado. At
malinaw ang Kaliwa: hindi nakikipag-
alyado sa mga pinakabulok, sa mga
Marcos at kay Gloria Macapagal-
Arroyo; konsistent ang Kaliwa sa
pamumuno sa pagtuligsa sa kanila.
Isang masigalot na halimbawa:
pakikipag-alyansa ng Koalisyong
Makabayan kay Manny Villar sa
eleksyong 2010. Sinikap noong
kausapin si Noynoy Aquino, pero siya
ang tumanggi; samantalang si Villar,
nag-alok ng pagkakaisa. Nangako
siya sa Makabayan na papanagutin
si Arroyo, pero hindi niya tinuligsa
noong kampanya. Inalyado rin niya si
Bongbong Marcos noon at ngayon ay
dikit siya kay Duterte.
Malinaw: hindi makokontrol ng
Koalisyong Makabayan ang gagawin
ng alyado nito. Pero sa panahong
iyun, sa kalagayang ni ayaw humarap
sa pakikipag-usap ni Noynoy Aquino,
ano ang pagpipilian nito? Ang tumakbo
nang solo, walang taktikal na alyado?
Talo sa eleksyong iyun ang mga
kandidatong senador ng koalisyon, pero
tiyak na mas mahina pa ang kampanya
nito kung hindi nakipag-alyado.
Si Lenin ang gurong Marxista na
maraming isinulat kaugnay nito.
Tungkol sa paglahok sa reaksyunaryong
eleksyon at parlamento — at tinanggap
ni Georg Lukacs, isang pilosopo, ang
puna tungkol rito. Tungkol sa pagiging
ultra-Kaliwa ng hindi paglahok.
Tungkol sa pakikipag-alyansa sa mga
paksyon ng naghaharing uri — kahit
pansamantala, papaling-paling at
oportunista ang mga ito, at iba pa.
May maganda siyang sinabi minsan:
“Sinuman ang umaasa sa ‘purong’
rebolusyong panlipunan ay hindi
kailanman makakakita ng gayon sa
kanilang buhay. Ang ganoong tao
ay nagpapabalat-bunga tungkol sa
rebolusyon nang hindi nauunawaan
kung ano ang rebolusyon.” Masalimuot
na teorya-at-praktika ang rebolusyon:
ugnayan ng Marxistang prinsipyo at ng
mabunga sa pulitika.
Mayroon ding mga nagtatanong,
kung hindi man nagpapahayag ng
diskuntento: bakit hindi inendorso
ng Koalisyong Makabayan ang mga
kandidato ng grupong Labor Win?
Hindi ba’t mas matatag sa nabanggit
na plataporma ang mga lider-
manggagawang sina Sonny Matula,
Ernesto Arellano, Allan Montano,
at Leody de Guzman? Hindi ba’t
nakasama na sila sa mga rali laban kay
Duterte?
Hindi ko alam ang eksaktong
paliwanag ng Koalisyong Makabayan,
at nagpahayag na itong handang
dagdagan ang inendorso. Pero ito ang
masasabi ko: mayroon nang alyansang
Labor Win, kung saan nakapaloob si
Colmenares. Pag-abante na ito mula
sa nakaraan, na hindi nagkakaisa ang
naturang mga grupo kapag eleksyon.
Nitong Mayo Uno 2018 lang sila
nagsama-sama sa isang mobilisasyon.
Masalimuot ang kasaysayan ng
mga organisasyong sumusuporta
sa Koalisyong Makabayan, tampok
ang Bagong Alyansang Makabayan
o Bayan, at ng ilang grupo sa
Labor Win, tampok ang Bukluran
ng Manggagawang Pilipino. Ang
pangkalahatang tunguhin sa hinaharap
ay pagkakaisa. Pero ang pinagmulan
ay matinding tunggalian. Sa ngayon,
ito ang inaabot ng pagkakaisa; hindi na
masama.
Makukwestyon ba ang pagiging
prinsipyado
at
progresibo
ng
Makabayan dahil dito? Sobra naman!
Mas may batayang magtiwala sa
koalisyon at mga bumubuo nito
kaysa husgahan ito batay sa eleksyon.
Mahalagang paalala: sekundaryang
porma lang ito ng pakikibaka;
mas mahalaga ang kilusang masa.
Magmumula lang ang ganitong husga
sa taimtim ang sampalataya sa bulok na
eleksyon sa bansa.
Masalimuot man ang sekundaryo,
malinaw kung nasaan ang progresibo.
05 Marso 2019