Tambuling Batangas Publication April 17-23, 2019 Issue | Page 2
BALITA
Mayor Beverley Rose Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang groundbreaking ceremony ng stand alone senior high school
building sa Mahabang Dahilig Elementary School, April 3.
Basic Wheelchair Training ng DOH, dinaluhan
ng mga Batangueño PWDs
ISINAGAWA sa ikalawang
pagkakataon ng Department of
Health (DOH) CALABARZON,
sa
pakikipagtulungan
ng
Philippine Society of Wheelchair
Professionals, Inc. at University
of the Philippines Manila, ang
Basic Wheelchair Training
para sa mga service providers
at Persons with Disabilities
(PWD) mula sa Lalawigan ng
Batangas noong ika-2 hanggang
ika-5 ng Abril 2019 na ginanap
sa Ciudad Christhia Resort 9
Waves, San Mateo, Rizal.
Ang nasabing training
package ay naisakatuparan
mula sa inisyatibo ni DOH
Region 4A Regional Director
Eduardo C. Janairo, alinsunod
sa kanyang Health Roadmap
na may layuning magbigay
ng mas mabisa, epektibo at
tuloy-tuloy na paghahatid ng
pangangalagang pangkalusugan
sa bawat komunidad sa rehiyon.
Sa pakikipag-ugnayan
ni Batangas Province Persons
with Disabilities Affairs Office
(PDAO) Head Edwin De Villa
sa DOH, nakapagpadala ang
tanggapan sa training ng 25 na
partisipante, na binubuo ng mga
PWDs; Federation of Persons
with Disabilities of the Province
of Batangas Inc. officers, sa
pangunguna
ni
Pangulong
Nelson Adante; at, service
providers mula sa iba’t-ibang
bayan sa Batangas.
Ang apat na araw na
Basic Wheelchair Training
ay may layuning mabigyang
kaalaman ang mga PWDs at mga
personnel ng mas mapalawak
na mga kasanayan at kaalaman
pagdating sa wheelchair service
delivery.
Kaugnay nito, tinuruan
ang mga kalahok ng tamang
kaalaman sa pagkakaroon ng
tamang sukat ng wheelchair o
naaayon sa pangangatawan ng
gagamit nito. Dito ay nagkaroon
din ng angkop na paghahanda o
pag-iinstall ng mga kasangkapan
kasama ang tamang paghawak
sa wheeled mobility device.
Kasama
rin
sa
pagsasanay ang pagbibigay ng
edukasyon upang maiwasan
ang pagkakaroon ng sugat dahil
sa hindi tamang paggamit ng
wheelchair, at sa wastong pag-
upo, pag-aangat at paglilipat ng
isang taong may kapansanan
mula sa wheelchair papunta sa
kama o upuan.
Nagbigay naman ang
Kagawaran ng Kalusugan ng
libreng wheelchairs para sa 5
napiling partisipante, na eksakto
at naaayon sa hubog ng katawan
ng mga benepisyaryo.
Nagsilbing head trainer
sa isinagawang pagsasanay si
Dr. Ferdiliza Dandah S. Garcia,
President of the Philippine
Society
of
Wheelchair
Professionals; kasama sina
Ms. Paulina A. Calo, DOH
CALABARZON Nurse V at
PWD Regional Coordinator; at,
Ms. Faye Roderos, DOH Region
4A lecturer. Mark Jonathan M.
Macaraig – Batangas Capitol
PIO
Kabilang si Federation of Persons with Disabilities of the Province of Batangas Inc. President Nelson Adante (nakasuot ng dilaw na
shirt) sa mga dumalo sa Basic Wheelchair Training, na isinagawa ng Department of Health (DOH) CALABARZON, katuwang ang
Philippine Society of Wheelchair Professionals, Inc. at University of the Philippines Manila, noong ika-2 hanggang ika-5 ng Abril
2019 na ginanap sa Ciudad Christhia Resort 9 Waves, San Mateo, Rizal. Photo: Nelson Adante – Batangas Capitol PIO
April 17-23, 2019
Ground breaking ng senior
high school building sa
Mahabang Dahilig isinagawa
BATANGAS
CITY-
Pinangunahan
ni
Mayor
Beverley Rose Dimacuha at
Congressman Marvey Mariño
ang groundbreaking ceremony
ng stand alone senior high
school building sa Mahabang
Dahilig Elementary School,
April 3.
Hindi
lamang
ito
pakikinabangan
ng
mga
estudyante
sa
nasabing
barangay kundi ng mga karatig
na barangay kagaya ng Sto.
Nino, San Miguel at San Isidro.
Sinabi
ni
Mayor
Dimacuha na sa pamamagitan
ng pagtutulungan ng mga
kinauukulan kasama na si
Congressman Mariño ay abot-
kamay na ng mga mag aaral
ang itatayong senior high
school sa Mahabang Dahilig.
“Simula sa pagbubukas
ng klase ngayon Hunyo hindi
na kayo kung saan saan pa
mag e enrol, dito na mismo
sa Mahabang Dahilig senior
HS kayo papasok. Ngunit
habang sinisimulan ito, ang
elementary school muna ang
mag papahiram ng mga class
rooms upang pansamatalang
magamit ng mga senior high
school students.
Muling ipinahayag ni
Cong. Marvey ang kanyang
patuloy na pagsuporta at
pagtulong sa mga pagawaing
bayan ni Mayor Dimacuha.
Sinabi naman ni OIC
City Schools Superintendent
Donato Bueno na ito ang
ikatlong senior high school
na ipapatayo ng pamahalaang
lungsod. Bahagi ito aniya ng
layunin ng DepEd na ilapit ang
paaraan sa mga kabataan
Ayon
naman
kay
Evelyn De Los Reyes, principal
ng
nasabing
elementary
school, naging mabilis ang
processing ng mga dokumento
para maitayo ang nasabing
gusali.
LIZA PEREZ DE LOS
REYES/PIO
BATANGAS
CITY
2,077 na mag-aaral sa Quezon,
maaring magkatrabaho dahil
sa SPES
Candelaria, Gumaca, Infanta,
By Ruel Orinday
LUNGSOD NG LUCENA,
Quezon, (PIA)- Nakatakdang
tulungan
ng
Department
of Labor and Employment
(DOLE) Quezon at ng mga lokal
na pamahalaan sa lalawigan
ng Quezon gayundin ng ilang
mga pribadong tanggapan
ang may 2,077 mag-aaral
sa pamamagitan ng Special
Program for Employment of
Students
(SPES) ngayong
taong 2019.
Ayon kay Genecille
Aguirre, focal person for
employment ng DOLE-Quezon,
layunin ng programa na
matulungan ang mga mahihirap
subalit matatalinong mag-aaral
na makatapos ng kanilang
pag-aaral sa pamamagitan ng
pansamantalang pagtatrabaho
sa mga lokal na pamahalaan
at maging sa mga pribadong
tanggapan .
“Ang mga aplikante
para
sa
SPES
program
na
ito
ay
dadaan
sa
tamang proseso kagaya ng
eksaminasyon,
pagsusumite
ng mga kailangang papeles o
dokumento sa tanggapan ng
public employment service
office (PESO) kung saan ang
PESO manager sa isang bayan
ang magpoproseso ng mga
papeles,” sabi pa ni Aguirre
Kabilang
sa
mga
lokal na pamahalaan na
tutulong sa DOLE- Quezon sa
pagpapatupad ng programa ay
ang pamahalaang panlalawigan
ng Quezon gayundin ang
mga lokal na pamahalaan
ng
Atimonan, Calauag,
Lopez,
Mauban, Mulanay,
Pagbilao, Real, Tagkawayan,
Guinayangan, Polillo gayundin
ang McDonald’s Villa Escudero
sa Tiaong at Aceba Science
and Technology Institute, Inc.
Ayon
sa
DOLE-
Quezon, 60 porsyento ng
sweldo ng mga mag-aaral ay
manggagaling sa mga nasabing
employer o mga lokal na
pamahalaan samantalang ang
40 porsyento ay manggagaling
sa DOLE.
Ang iba pang bayan
o lokal na pamahalaan na
magiging katuwang ng DOLE sa
pagpapatupad ng programa ay
ang mga bayan ng Buenavista,
Burdeos, Macalelon, Padre
Burgos, Panukulan, Pitogo,
Tayabas City at
Unisan,
Quezon kung saan 50 porsyento
ng sweldo ng mga mag-aaral ay
manggagaling sa mga employer
o lokal na pamahalaan at ang
50 porsyento ay magmumula
sa DOLE.
Tutulong
din
ang
mga lokal na pamahalaan
ng
Agdangan,
Alabat,
Patnanungan at
Sampaloc,
Quezon kung saan ang 40
porsyento ng sweldo ng mga
mag-aaral ay magmumula sa
mga lokal na pamahalaan at ang
60 porsyento ay manggagaling
naman sa DOLE. .
Kabilang
sa
mga
papasukang trabaho ng mga
mag-aaral sa mga lokal
na pamahalaan ay clerical
position, service crew naman
sa mga restaurant at iba pang
posisyon sa mga pribadong
tanggapan. (Ruel Orinday,
PIA-Quezon)