Tambuling Batangas Publication April 11-17, 2018 Issue

LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod. Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito. Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno. Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions. The Beauty Standard in the Philippines... p.5 Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V. Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities. Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies. Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources. Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon. Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City. Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe. Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno. Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod. Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas) B.R.A.D. Type School Stage Blessing p. 2 First harvest festival ng climate resilient palay, isinagawa sa Lobo Barangay tanod mahalaga ang papel sa pagsugpo ng droga sa barangay p . 3 p. 5 Kapirasong Kritika p. 4 VOLUME XLI No. 16 Abril 11-17, 2018 P6.00 Mayor’s Cup 2018, matagumpay na binuksan T E A M W O R K , sportsmanship, at camaraderie. Ito ang binigyang diin ni punong lungsod Beverley Rose A. Dimacuha sa pormal na pagbubukas ng Mayor’s Cup 2018 noong ika-8 ng Abril sa Batangas City Sports Coliseum na sinaksihan ng mga manlalaro at mga taga- suporta ng naturang torneo. Ani Dimacuha, “maraming benepisyong makukuha sa paglalaro ng sports, hindi lamang sa pangkalusugan kundi maging sa disiplinang ibinibigay nito.” “Nagsimula tayo ng maayos, kaya’t inaasahan ko na matatapos tayo ng maayos at mapayapa kagaya ng mga nakaraang edisyon ng Mayor’s Cup. Isa ito sa mga pioneer project ng administrasyon simula pa sa panahon ni Mayor Eddie, kaya’t buong-buo ang suporta namin sa larangan ng sports,” dagdag pa niya. Dumating din sa opening ng palaro si Congressman Marvey Marino na nagbigay din ng mensahe sa mga koponan. “Layunin ng Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup na ma-develop hindi lamang ang galing ninyo kundi higit sa lahat ang tamang pag- uugali o attitude sa paglalaro ng basketball. Sabi ko nga sa team ng Batangas City sa Maharlika Cup, kahit hindi tayo manalo, ang mahalaga maibigay natin ang buong puso natin sa paglalaro dahil ito ang tatak ng mga Batangenyo,” ani Sundan sa pahina 2.. Batangas Province, SGLG Post Conferment Qualifier awardee Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA) -- Pormal na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Post-Conferment Qualifier award noong ika-5 ng Marso 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City. Nakasama ang Lalawigan ng Batangas sa mga good governance awardees matapos mapatunayan ng DILG na nakapasa ito sa lahat ng criteria para 2017 SGLG award. Personal na iniabot ni DILG Batangas Provincial Director Adelma Mauleon ang nasabing certificate kay Batangas Gov. Dodo Mandanas sa harap ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan. Sa certificate of recognition, nakasaad na ang pamahalaang panlalawigan ay nakapasa sa mga batayan, bagaman at nakumpleto lamang nito ang lahat ng requirements – kabilang ang core criteria na financial administration, Sundan sa pahina 2.. Bukod sa basketball, may 12 teams naman ang sumali para sa Volleyball men, at anim para sa Volleyball women. Mayroon ding 3 koponan ang lumahok para sa baseball at isa naman para sa softball. Regional Kooperatibalitaan 2018, isinagawa sa Lalawigan ng Batangas Mamerta P. De Castro LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA) -- Nagsagawa ang Cooperative Development Academy (CDA) – Region IV, katuwang ang Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), ng Regional Kooperatibalitaan 2018, isang forum sa Batangas Cooperative Development Center, Capitol Compound lungsod na ito noong Marso 12. Ang aktibidad ay isinagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-28 anibersaryo ng Cooperative Development Authority (CDA). Pinangunahan ang nasabing forum ni Regional Director Salvador Valeroso, na siyang nagbahagi ng mga mahahalagang accomplishments ng CDA katulong si PCLEDO Department Head Celia Atienza na siyang nagbigay ng pambungad na pananalita. Ibinahagi din ni Atty. August Owen Magdato, mula sa CDA Calamba, ang tungkol sa paglilinaw sa mga isyu na may kinalaman sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law kaugnay ang Cooperative Tax Exemption at Memorandum Circular No. 2017-05 (Governance and Management Audit Report for Cooperatives). Binigyang- linaw din niya kung paano naaapektuhan ang mga kooperatiba sa pagkakaroon ng TRAIN Law. S a m a n t a l a , pinangunahan ni Alberto Sabarias, Senior Cooperative Development Services ng CDA Calamba ang paglulunsad ng Koop kapatid program na naglalayong tumulong sa mga maliit na kooperatiba. Sundan sa pahina 3.. Home team Athletics grabs the victory in the first of MPBL semifinals Paul Varilla scored 17 points and four other teammates joined him in double-digits in an 80-75 decision for home team Athletics over Valenzuela BATANGAS CITY- Home team Batangas Athletics lorded it over Valenzuela in Game 1 of the Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Rajah Cup semifinals on Thursday at the Batangas City Coliseum. Paul Varilla scored 17 points and four other teammates joined him in double-digits in an 80-75 decision for home team Athletics over Valenzuela. Joining Varilla were Val Acuna who contributed 15 points; Bong Quinto who scored 13 points, seven rebounds, three assists, and two steals; and Lester Alvarez and Jhaymo Eguilos who put in 11 and 10 points, respectively. The home team played well with a 30-8 start and in all, made good on 11 triples and converted 47 percent of their field goals. Still, they needed to sustain the play to frustrate the Classic who were only down by six with 33 seconds to go. Batangas would not let them inch closer, though, as a pair of splits from the stripe by Varilla concluded the fight. Sundan sa pahina 2..