Tambuling Batangas Publication April 10-16, 2019 Issue | Page 8
Get set, go... p. 4
The Best
Choice for
Design &
Quality
VOLUME XLII
No. 15 April 10-16, 2019
P6.00
For quotation
requests, please
contact us at
(049) 834-6261
or email us at
sinagprinting@
gmail.com
Mahigit 500 benepisaryo ng Hybrid Native
Chicken Dispersal sa Batangas
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
(PIA)-
Umabot
sa
526
benepisaryo ang nakinabang
sa Hybrid Native Chicken
Dispersal Project ng Office
of the City Veterinary and
Agricultural Services (OCVAS)
na isinagawa noong Marso 28
sa nasabing tanggapan.
Ang mga manok na
ipinamahagi
ay
Sunshine
chicken na isang uri ng
upgraded native chicken na
malalaki ang lahi at nagbibigay
din ng mas malalaking itlog
kumpara sa mga karaniwang
native chicken. Maalwan itong
alagaan dahil pwedeng paligaw
lamang sa bakuran kapag
mahigit isang buwan na. Sa
unang 0-21 araw, ang sisiw nito
ay dapat nakakulong muna.
Layunin ng OCVAS
na tumaas ang kalidad ng mga
native chicken sa lungsod kung
kaya’t hinihikayat ang ang mga
beneficiaries na mapalahian ang
mga native chicken nila upang
dumami ang mga malalaking
lahi ng manok at mga itlog na
palilimliman.
Ayon kay Dra, Loyola
Bagui, assistant head ng
OCVAS. ang hybrid native
chicken na ito ay madaling
pakainin
o
masasabing
“matakaw” na breed ng
manok, kung saan sa umpisa
ay papatukain muna ng chicks
booster, chicken starter at
kalaunan ay pwedeng patukain
ng mga organic na pagkain
kagaya ng mais, mga ginayat
na gulay at iba pa.
“Hindi
mahirap
alagaan ang ganitong uri ng
manok bukod pa sa hindi
ganoon kagastos ang pakain
maliban sa unang mga linggo
ng pag-aalaga nito at hindi rin
mahirap ang maintenance dahil
pwedeng paligaw sa bakuran
pagkaraan ng isang buwan,”
ani Bagui.
Samantala,
tinuruan
ng hepe ng OCVAS na si Dr.
Macario Hornila ang mga
Sundan sa pahina 6..
Suarez pinangunahan ang
groundbreaking ceremony ng
3-storey science lab sa Quezon
By Ruel Orinday
LUNGSOD NG TAYABAS,
Quezon, (PIA) -- Pinangunahan
ni Quezon Governor David C.
Suarez ang groundbreaking
ceremony
ng
three-storey
science laboratory building
na idinaos sa Quezon Science
High School, Brgy. Isabang sa
lungsod na ito.
Sinabi ni OIC School
Director Carla Marie Carandang,
ang panibagong laboratory
building na ito ay isa lamang sa
kasagutan sa mga pinapangarap
nila para sa kanilang paaralan.
Aniya, patunay lamang ito sa
patuloy na suporta ng itinuturing
na ama ng bawat mag-aaral ng
QSHS na si Gob. Suarez.
“Ang
three-storey
science laboratory building ay
isa pong patunay lamang na
kami at mismong mga mag-aaral
na nangarap na magkaroon ng
gusaling ito ay nais pang matuto,
at mahubog pa ang aming skill
para sa siyensya, agham at
teknolohiya na alam naming
sa pagdating ng araw ito po ay
kasama niyo kami sa pagpapa-
unlad ng ating probinsya,”
pahayag ni Bb. Carandang.
Samantala, sa mensahe
ni Gob. Suarez, ipinahatid
niya ang kahalagahan at
pagbibigay-importansya
ng
pamahalaang
panlalawigan
para sa patuloy na pagpapa-
unlad ng nasabing paaralan.
Maliban sa bagong laboratory
building, kasalukuyan na ring
isinasagawa dito ang bagong
dormitory at fully covered court
gymnasium na magsisilbing
sports activity at extracurricular
activity area ng mga mag-aaral
dito.
Sa pakikipagtulungan
ng pamahalaang panlalawigan,
ang nasabing gusali ay mayroon
nang paunang pondo na limang
milyong piso mula sa ALONA
Partylist sa pangunguna ni Rep.
Anna Marie V. Suarez.
Inihayag naman ng
gobernador
ang
kanyang
pangako na patuloy pa ring
susuportahan ng pamahalaang
panlalawigan ang mga kabataan
ng QSHS sa pagkamit ng
Sundan sa pahina 6..
Makikita sa larawan si Dr. Macario Hornilla, hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng pamahalaang
lungsod habang namamahagi ng native chicken sa isa sa mga benepisaryo ng Hybrid Native Chicken Dispersal Project. (Photo courtesy
of PIO Batangas City/Caption by Bhaby P. De Castro - PIA Batangas)
Rabies awareness campaign sa
barangay, isinagawa
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS,
(PIA) – Nagsagawa ang City
Health Office ng rabies awareness
campaign at ang Office of the
City Veterinary and Agricultural
Services (OCVAS) ng anti rabies
vaccination ng mahigit 100 aso
at pusa sa barangay Kumintang
Ilaya noong Marso 26.
Ang aktibidad ay bahagi
ng Rabies Awareness Month
na may temang “Makiisa sa
barangayan kontra rabies, maging
responsableng pet owners!”
Ayon kay Dr. Nino
Calingasan ng CHO, itinuturing
ang rabies na isang “public health
problem” dahil maraming Filipino
ang namamatay dahil dito.
Wala pa naman aniyang
naitala o datos ang lungsod na
may namatay sa kaso ng rabies.
“Itinuturing na isa itong
problemang
pangkalusugan
bagamat wala pang naitala sa
lungsod na namatay dahil sa
rabies ngunit may mga ibang
kaso nito sa ibang mga lugar na
lubhang nakapagpabahala sa
publiko. Kinakailangan nating
magkaroon ng sapat na kaalaman
kaugnay nito bukod sa pagiging
responsableng may-ari ng mga
alagang aso at pusa upang
maiwasan ito,” ani Calingasan
Binigyang diin naman
ng
OCVAS
na
maaaring
mapigilan ang rabies kung
magiging responsable ang mga
pet owners sa pamamagitan ng
pagpapabakuna sa mga alaga
nilang mga hayop partikular ang
aso o pusa.
Ang rabies ay isang
“mapanganib na sakit na inaatake
ang utak at sanhi ng mikrobyo na
nakukuha sa laway ng hayop na
may Rabies, karaniwan ay aso
at pusa. Sa kasalukuyan, wala pa
itong lunas lalo na kapag kumalat
ang infection sa katawan ng tao.
Kabilang
sa
mga
sintomas ng rabies infection
ay ang lagnat o pananakit ng
ulo, pananakit o pamamanhid
ng bahagi ng katawan na
kinagat ng hayop, at deliryo at
pagkaparalisa,pamumulikat
ng
mga kalamnan, gayundin ang
“pagkatakot” sa hangin at tubig.
Ipinaliwanang ni Dr. Calingasan
na mahalaga ang first aid o
paunang lunas kapag nakalmot o
nakagat ng hayop na maaring may
rabies. Dapat hugasan ang sugat
gamit ang sabon at dumadaloy na
tubig sa loob ng 10-15 na minuto.
Pahiran pagkatapos ng betadine,
alcohol o kung ano mang antiseptic
solution ang sugat. Mahalaga ring
magpabakuna kaagad sa doktor,
at kinakailangang maobserbahan
ang hayop.
Kung hindi alagang
hayop ang nakakagat o nakakalmot,
mahalagang maipahuli ito upang
maobserbahan.
Paalala rin ng OCVAS
sa mga may alagang hayop
na pabakunahan ang mga ito
Sundan sa pahina 3..
Isinagawa ng City Health Office at Offie of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS)
ang rabies awareness campaign at vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa Brgy. Alangilan
sa lungsod ng Batangas na layong mabawasan ang mga kaso ng rabies sa naturang lungsod. (Photo
Courtesy of PIO Batangas City/ Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)