Tambuling Batangas Publication April 10-16, 2019 Issue | Page 6
Advertisements
BIR intensifies campaign on Tax Code in Batangas
April 10-16, 2019
By Mamerta De Castro
207 Hired-on-the-spot sa Senior High
School Job Fair sa Batangas City BATANGAS CITY, (PIA)- The Bureau of Internal Revenue
District Office 058 intensifies its campaign on Tax Code as they
started their kick off activity at NuCiti Mall here, recently.
The agency listed the municipal governments of Lobo,
Mabini, San Pascual, the city government of Batangas and the
provincial government of Batangas as top performing local
government units (LGUs) in Batangas.
“We are currently and continuously intensifying
our campaign on Tax Code, reminding the public of their
responsibility to pay their taxes correctly. We also encouraged
all business establishments whether individual or group-owned
to declare the right taxes to refrain them from being penalized
once caught,” said told by Revenue District Officer Atty. Elmer
Carolino.
Every Filipino must know their responsibility of
paying the right taxes and upholding the guidelines of BIR.
In relation to the campaign, BIR RR9-A CABAMIRO
has filed a case on Batangas Country Club, after it has violated
the tax code for failure to register.
According to Carolino, said establishment, which is
owned and operated by PCK Trade and Realty Corporation based
in Quezon City has been operating for 17 years and is registered
at the city hall, however, they have no records with the BIR.
“Every violation under section 256 of Tax Code or
unlawful pursuit of business per year equals one count so for
17 years, they have 17 counts. Usually for juridical personality
or corporation we file complaints against the chairman/president
and treasurer or other responsible persons,” he said.
After conducting several surveillance, BIR has finally
issued a mission order explaining the establishment’s violation
and reminded them of complying but as of press time they are
non-compliant.
Atty. Lorna SB Cruz, head of RR9-A CABAMIRO
Chief Legal Division of led the filing of criminal case against
PCK Trade and Realty Corp which was received by Fiscal
Edelwina Ebreo at the Office of the Assistant City Prosecutor at
the Bulwagan ng Katarungan here. (BHABY P. DE CASTRO,
PIA Batangas)
sa mga senior high school graduates kung saan sa 1,093
students na lumahok ay 207 and hired on the spot.
Binigyang diin PESO Manager Noel Silang na
sa pamamagitan ng kanilang tanggapan ay nabibigyan
ng oportunidad ang mga kabataan na magkaroon ng
magandang kinabukasan. Nagbigay din siya ng career/
employment coaching sa mga dumalo.
Ipinaabot
ni
City
Schools
Division
Superintendent Donato Bueno ang kanyang pagbati sa
mga magsisipagtapos na mag-aaral sa pamamagitan ng
kanyang kinatawan na si SGOD Chief Dr Vicky Fababier.
Ayon sa kanya, apat na direksyon ang maaaring
puntahan ng isang SH graduate- kolehiyo, negosyo,
trabaho at middle o vocational skills.
Lubos ang kanilang pasasalamat kay Mayor
Beverley Dimacuha sa napakagandang proyektong ito
na malaki ang maitutulong sa mga senior HS students na
piniling maghanapbuhay na upang makatulong sa kanilang
pamilya.
Ayon naman kay Herman Catapang, senior HS
coordinator, may 13 senior high schools sa lungsod. Ayon
sa mandato ng DepEd ,bago makapagtapos ang isang bata
dito, kinakailangan niyang matuto ng communication
skills, innovation and creative skills, technology skills at
lifelong skills.
Dumalo rin si Community Affairs Officer IV at tumatayong Head ng Scholarship Program na si Manolo
Perlada kung saan kasama niya ang kanyang mga staff na
tatanggap ng mga aplikasyon sa mga senior high school
students na nagnanais magpatuloy ng kanilang pag-aaral
subalit walang kakayahang pinansyal.
Ayon sa mga mag-aaral ng Alangilan SHS
na sina Kim Renz Casas ng barangay Tinga Itaas,
(Accountancy, Business Management) ABM strand, plano
niya na magpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng kursong
BS Accountancy. Pagkatapos aniya ng graduation at
habang naghihintay ng pagbubukas ng klase sa kolehiyo,
magtatrabaho muna siya siya upang makaipon.
Susubukan naman ni Clarisse Aguda, (General
Academics) GAS strand, na mag-aplay ng trabaho at kung
sakaling hindi matanggap ay mag-aaplay sa scholarship
program ng pamahalaang lungsod. Balak niya umanong
kumuha ng kursong Medical Technology.
Nais din ni Cheryll Mercado, (Science,
Technology, Engineering and Mathematics) STEM strand
na magkaroon ng part time job habang bakasyon.
”Sobrang ganda po ng job fair na ito ni Mayor
dahil sa halip na pupunta po kami sa ibat-ibang lugar at
kompanya upang maghanap ng trabaho, inilalapit po
ng PESO ang mga ito sa amin kaya sobra po kaming
nagpapasalamat.” (PIA Batangas)
BIR-RDO 059 Atty. Elmer Carolino is with his staff while filing a case against a hotel resort in Batangas City for failure to register their business with
the agency. Also in the photo is Atty. Lorna SB Cruz, head of BIR RR9-A CABAMIRO Chief Legal Division. (Bhaby P. De Castro, PIA Batangas)
Libong senior high school graduates mula sa 13 senior high schools
ng lungsod ng Batangas ang nakibahagi sa isinagawang Job Fair ng
pamahalaang lungsod kung saan may 207 dito ang hired-on-the-spot.
(Caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas /Photo courtesy of PIO
Batangas City)
By Mamerta De Castro
LUNGSOD NG BATANGAS, (PIA)-Isinagawa ng Public
Employment and Service Office (PESO) at Department
of Education (DepEd) ang isang job fair para sa mga
nagtapos na senior high school sa Batangas City Sports
Coliseum noong Marso 22.
May 19 na local companies ang lumahok sa
tinaguriang Handog ni Mayor Beverley: Trabaho para
DPWH sisimulan ang SLEX Extension project sa Quezon
By Ruel Orinday
TIAONG, Quezon, (PIA)- Pinangunahan kamakailan nina
Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec.
Mark Villar at Quezon Governor David Suarez kasama ang
iba pang opisyal ng lalawigan ng Quezon ang programa para
sa pagsisimula ng proyektong South Luzon Expressway
Toll Road-4 o SLEX Extension project sa Barangay Lalig
sa bayang ito.
Sa pahayag ni Sec. Villar, naging malaking tulong
umano ang pagsisikap ni Gob. Suarez para sa tuluyang
pagsasabuhay ng proyekto.
“Noong nagsimula kami sa pag a-acquire ng right
of way dito napakalaking bagay ng tulong ni Governor dahil
siya po ang nag-organize sa lahat ng mga stakeholders.
Bahagi siya ng task force and I can say that napakalaking
bagay ng tulong niya. Masasabi ko rin kung hindi dahil
sa kanyang tulong hindi po magiging mabilis ang pag
a-acquire ng right of way. Kaya itong proyekto, definitely it
went from a dream to inevitability,” mensahe ng kalihim.
Pangunahing magpapatupad ng TR4-project ang
San Miguel Corporation (SMC).
Ayon kay SMC President at chief of operations na
si Ramon Ang, ang 66.7 km na expressway ay magsisilibing
daan para sa pagkakaroon ng magandang opurtunidad sa
lalawigan ng Quezon.
“Itong expressway na ito ay magdadala ng
magandang peace and order sa Quezon at kapag natapos
ay magiging main area ng agro industrial site ng Pilipinas,”
sabi pa ni Ang.
Matatandaan na noong taong 2016 nang mahalal si
Pangulong Rodrigo Roa Duterte, isa sa unang pinagtuunang-
pansin ng kanyang administrasyon ay ang mga proyektong
pang-imprastraktura kaugnay ng kanyang Build, Build,
Build Program sa bansa.
Dahil dito, muling pinag-aralan ni DPWH
Sec. Mark Villar ang pagpapatuloy ng TR4 Project na
magbibigay ng mas mabilisang transportasyon mula bayan
ng Sto. Tomas, Batangas hanggang Lalawigan ng Quezon.
Nabinbin ang naturang proyekto taong 2015
kaya’t minarapat ni Quezon Governor David C. Suarez na
makipag-ugnayan kay Sec. Villar upang maisakatuparan
ang matagal nang pinapangarap na proyekto.
Sa inisyatibo ni Gob. Suarez at mga alkalde na
sina Candelaria Mayor Macario Boonggaling, Tayabas City
Mayor Ernida Reynoso, Sariaya Mayor Marcelo Gayeta at
Tiaong Mayor Ramon Preza, agaran nilang pinulong ang
590 lot owners ng madaraanan ng proyekto, assesorsat
treasurer para sa acquisition ng road right of way na isa sa
mga naging suliranin sa pagpapatupad ng proyekto noong
mga nakaraang taon. (Ruel Orinday-PIA-Quezon, may ulat
mula sa Quezon PIO)
Pagdagsa...
mula sa pahina 8
beneficiaries sa tamang paraan ng pag-aalaga ng hybrid
native chicken upang magtagumpay ang proyekto.
Ang mga benepisaryo ay tinukoy sa pakikipag-
ugnayan sa mga barangay officials, barangay livestock
and agriculture techniciansat livestock and poultry
raisers association. Bawat isa ay pinagkalooban ng
limang piraso ng manok na inaasahang mapapalago
ng mga ito upang mas mapaunlad at mapaganda
ang kanilang buhay at maging ang kinabukasan ng
kanilang pamilya. (Bhaby P. De Castro-PIA Batangas
with reports from PIO Batangas City)
Suarez...
mula sa pahina 8
kanilang mga layunin bilang mga produktibong
mamamayan ng lalawigan.
“Being in Quezon Science High School speaks
a lot about your capabilities, about the intelligence and
your potential to be great. So, sa akin please maximize
the time that you’re here. Be the best student that you
can be at kami naman sa pamahalaang panlalawigan
ng Quezon, we will be the best public servant that we
can be, to be your partner in making sure that you’re
able to achieve your 100% pure potential,” Sabi pa ng
gobernador. (Ruel Orinday, PIA-Quezon/ may ulat mula
sa Quezon PIO)