Tambuling Batangas Publication April 10-16, 2019 Issue | Page 4

OPINYON April 10-16, 2019 Lingguhang Pahayagan ng Lalawigan ng Batangas na inilalathala tuwing Miyerkules / PRINTING PLANT: Sinag Publishing & Printing Services, National Highway, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna. Tel nos. (049) 834-6261 & (049) 5763112 / Subscription fee: One year P360.00 Six Months: P180.00 / Commercial Advertising rate: P160 per column cm / MEMBER: Publisher’s Association of the Philippines, Inc. (PAPI) / Raia Jennifer E. Dela Peña Managing Editor / P.L. Villa, RC Asa Contributing Editors / Shara Jane Falceso, Rachelle Joy Aquino, Jacquilou Lirio, Maria Carlyn Ureta staff writers / Ruel T. Landicho Lay-out Artist/ Ms. Corazon D.P. Marcial, Amber D.C Vitto Legal Consultant. email add: [email protected] & [email protected] Get set, go Local candidates hit the ground running once the Commission on Elections (Comelec) hit the “go” button on 29 March for the local campaign races to begin. Not that unofficial ones hadn’t been going on way before this date, but that is just a technicality. In the Philippines, it isn’t surprising to see some would-be leaders jumping or sidestepping certain election rules that don’t suit their purposes. Nobody is ever going to admit that, of course, but if voters are learning from experience, it would be good practice to observe how the candidates are behaving to see what they could be capable of once elected. If those who are supposedly putting their best foot forward are already revealing kinks or a tendency to play god at this very premature point in time, then what kind of possible transgressions could they do if they are ever “given the opportunity to serve?” Also, it is not anything new for candidates to go for each other’s throats in the most amiable, acceptable, least confrontational terms possible. This can be very entertaining if we listen closely enough to what they are not saying. Then again, some candidates just come right out and say it. Very aggressive, they are, considering the heat of the competition. Take the words of former Manila vice mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso against his former running mate and fellow former actor Joseph “Erap” Estrada, incumbent Manila mayor. He told an audience at the University of the Philippines that he intends to “clean Manila,” implying that it is dirty. Well, he went on to state it anyway, getting quoted in an online news portal as saying, “Napansin n’yo po ang Maynila, dugyot? Alam mo ‘yung dugyot — ‘yung may libag, banil, ‘yung hindi natatanggal na libag (Have you noticed that Manila is filthy? It’s filthy — it has lots of dirt, the kind of dirt that’s hard to remove).” Earlier this year, he twitted his fellow contenders about their age, saying that the younger generation should be given a chance to lead as well. The fortysomething politician is running against veterans, the still very popular Erap and former mayor Alfredo Lim. While it is obvious to everyone that Domagoso is raring to get a chance, voters must try to see beyond the superficial matters, the one-liners, the hits and intrigues, and dig deep into what matters — if not the accomplishments made, then the ability to get things done. As Lim calmly pointed out recently, “It’s easy to play with words, make promises or even lie. This is not how I intend to run my campaign,” he said. Meanwhile, Erap has lost no time reminding people that he was born a Manila boy, started his acting career in Manila and returned to Manila after a harsh experience as national leader, determined to bring back its former glory. “This will be my last hurrah,” he told media. Erap at his age has not lost his charm. It is easy to dismiss someone for being too old, but what they had been able to achieve certainly cannot be discounted. Isko seems to know this well enough, acknowledging, in his cushioned criticism, that his promise to “clean Manila” was but “aesthetics” and “not the biggest issue in this city.” Certainly, he is right — our surroundings do affect our daily lives. Atmosphere can motivate or drive one simply nuts. Yet it is also true that more serious issues had been tackled by the incumbent. He had paid off a huge debt, over P4 billion, in a matter of years, proudly setting the city on a debt-free beginning. Settling the city government’s 2007 tax liabilities left unpaid by Manila’s former mayors, as well as paying for the unpaid bills in the millions of pesos, is not something to sniff about. And so is making it possible for the city’s residents to get free medical services to free burial! Erap may have given us some tired old lines like “doing it for the masses,” but he seems to really mean it, judging by what he had focused on to provide for Manileños (“from womb to tomb,” he recently said) during the last few years as mayor. No doubt there will be jabs and jibes from election contenders on the local front. A report reveals that there are around 43,000 candidates vying for nearly 18,000 local positions, from House representative to governor to city or municipal councilor. It will be dog-eat-dog, with lots of filth possibly thrown in the fray. Fun times. Ni Teo S. Marasigan May BookSale pa sa Iyong Buhay Matagal na akong tumatangkilik sa BookSale. Hindi ko lang ibina-blog dahil, sabi nga niMong Palatino sa isang pag-uusap namin, “madamot” daw ako. Na medyo totoo naman. Implikasyon din na “feelingero” ako – feeling dadagsa ang mga tao sa BookSale kapag ibinenta ko sa blog na ito. Syempre, ang matibay kong dahilan ay kontra ako sa komersyalismo. Pero ngayon, naiisip kong libro naman ang ibinebenta at sa murang halaga pa kaya ayos lang. Higit pa rito, maraming progresibong librong mabibili rito. Noong una akong pumupunta sa BookSale, inspirasyon ko sa pangangalahig ang mga “success stories” na narinig ko sa ibang tao tungkol sa magagandang librong nabili nila. Hayaan ninyong ibahagi ko ang ilan. May kakilalang nakabili ng isa sa mga volume ng Das Kapital ni Karl Marx at may ilan namang isa sa mga volume ng Collected Works nina Marx, Vladimir Lenin at Mao Zedong. Ako naman, dalawang beses nang nakabili ng Fanshen, sikat na libro ni William Hinton tungkol sa rebolusyong agraryo sa Tsina. Ang hinala ko, batay sa karanasan, sa US galing ang kalakhan ng mga libro sa BookSale. Kaya narito ang mga basura ng kulturang popular nila. Ganoon din ang mga sulatin ng mga maka-Kanan at antikomunista sa kanila – na syempre ay basura. Bagamat minorya, marami na ring progresibo o liberal na mga propesor sa mga unibersidad at kolehiyo sa US – kaya nga naging panakot sa publiko ng Kanan sa US ang mga “tenured radical” o mga aktibista ng dekada ’60 at ’70 na naging propesor. Hinala ko, ni-require o itinulak ng mga propesor na ito ang mga estudyante nila na magbasa ng samu’t saring librong progresibo o liberal. Sa kung anong dahilan – hindi siguro gustong itago ng mga estudyante? – bumabagsak ang mga libro sa mga bentahan ng mga segunda-manong libro, hanggang umabot sa BookSale. Ang totoo, narito ang mga pinakasikat na mga aklat ng mga pinakapopular na awtor na liberal at progresibo. Halimbawa ang A People’s History of the United States ni Howard Zinn. Napag-uusapan na rin lang si Zinn, sa Original Zinn [2004], libro ng panayam sa kanya – na sa BookSale ko rin nabili, syempre pa – pinansin niya ang isang penomenon sa panahon ng rehimeng W. Bush sa US: ang pagiging popular ng mga libro nina Howard Zinn (shameless self-promotion!), Noam Chomsky, Michael Moore, Barbara Ehrenreich, Jim Hightower at iba pang awtor na kontra sa imperyalista, militarista at maka-korporasyong mga patakaran ng gobyernong Amerikano. Mabenta ang mga libro nila. Ngayon, parang tumatagos na rin ang mga bagong librong ito sa BookSale. Sa paglilibot ko ngayon sa iba’t ibang branch – sangay? – ng BookSale, masasabi kong tiyak na makakabili ang taong pursigido ng isa o ilan o lahat ng sumusunod na mga libro: >> Thieves in High Places [2003] ni Jim Hightower. Simple at nakakatawang paglalantad sa kontra- mamamayang mga patakaran ng rehimeng W. Bush at ng gobyernong Kano sa kalakhan. Punung-puno ng datos at optimismo sa kakayahan ng mga mamamayan. >> The Best Democracy Money Can Buy [2000] ni Greg Palast. Mga imbestigatibong ulat hinggil sa pandaraya ng pangkating W. Bush sa halalang pampresidente noong 2000, maruruming pakana ng mga korporasyon ng US, at neo-liberal na globalisasyon. >> Nickel and Dimed [2001] ni Barbara Ehrenreich. Oo! Marami na ngayong kopya ng librong itong minsang nirebyu ko. Ilang beses na akong nakabili, pinakamura ang P20.00! Ipinamimigay ko sa mga kaibigan na parang panyo ng Salmo 91 o agua bendita. >> Bait and Switch [2005] ni Ehrenreich. Kung tungkol sa pakikipamuhay sa maralitang manggagawang Kano ang unang libro, tungkol naman ito sa pakikipamuhay sa mga manggagawang white collar. Nakakatawa, mapagmuni at mapagmulat pa rin. >> The Worst Years of Our Lives [1990] ni Ehrenreich. Okey, hindi ito kasama sa mga mas bagong libro, pero maganda pa rin. Matalas at mapagpatawang komentaryo sa iba’t ibang aspekto ng buhay sa US noong dekada ’80, panahon ng opensiba ng Kanan. >> Sister Outsider [1984] ni Audre Lorde. Hindi rin ito kasama sa mga mas bago pero ayos. Koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa napakapersonal at tagos-sa-butong feminismo at kontra-rasismo at sa pagiging manunulat at makata. Minsan, P5.00 lang! Iyan ang mga librong nakikita kong nagkalat ngayon sa iba’t ibang sangay ng BookSale. Pero sa mahabang panahon ng pagbalik-balik ko rito, marami-rami na rin akong nabiling libro nina Zinn (kontra- imperyalista at anarkista-sosyalista), John Berger (Marxista), at Cornel West (kontra-rasista at sosyalista bagamat tinutuligsa ng iba). Dito rin ako nakarami ng libro ni bell hooks (kontra sa rasismo, seksismo at kapitalismo). Paglilinaw: Hindi ko sinasabing nabasa ko sila lahat at mapera ako. Dahil hindi. Ilang paalala at personal na pakiusap: Pinakamainam kung pupunta sa BookSale nang alam ang mga awtor at librong target basahin. Mahirap isa-isahin ang mga libro at sana’y nakatulong ang entri na ito. Huwag maingay – at sana’y sundin iyan kahit ng mga empleyado. Huwag ihambalos ang mga libro o gumawa ng ingay gamit ang mga ito. Masakit sa tenga, lalo na ng mga naghahanap ng libro sa baba ng mga lagayan. Huwag makipagsabayan o makipagkarera sa isang erya sa ibang tumitingin. Panghuli: May isang sinabi si Prop. Ramon “Bomen” Guillermo hinggil sa pagbabasa na tumimo sa akin at sana’y naisasabuhay ko sa blog na ito. Bilang mga progresibo, hindi tayo dapat magbasa para makapagbasa lang; magpakasarap sa matatayog na ideya, magagandang kwento o mahuhusay na pagkakasulat; o magyabang. Sana’y nagbabasa tayo para ipaglingkod ang natutunan natin sa sambayanan, para maunawaan ang ating bansa at mundo kaalinsabay ng pagsisikap na baguhin ito. Sana’y nagbabasa tayo nang “paglaya ang tanaw ng diwa.” (Shameless self-promotion!) 19 Abril 2009