Tambuling Batangas Publication April 04-10, 2018 Issue
LUNGSOD NG BATANGAS--Naging positibo ang pagtanggap ng local at international business community sa Batangas City Investment Forum na itinaguyod ng United States Agency for International Development (USAID) at pamahalaang lungsod noong December 11 sa Intercontinental Manila, Makati City upang hikayatin ang mga ito na mag negosyo sa lungsod.
Ayon kay Dr Elton See Tan, Chairman, President & COO ng E-Hotels Group and E International Group, “very impressed” sila sa naturang business forum at sa investment efficiency ng lungsod kayat nilalayon nilang magtayo ng negosyo dito.
Binigyan sya ng symbolic key bilang simbolo ng pasasalamat ng Batangas City sa tulong ng USAID sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga Batangueno.
Lumagda din sa MOA ang Batangas City sa pamamagitan ni Mayor Eddie Dimacuha at ang Philippine Azkals owner na si Dan Palami kung saan mabibigyan ng pagkakataon na magamit ng koponan ang stadium at track oval ng lungsod sa kanilang mga training at practice kapalit ng pagsasagawa nila ng football clinic para sa mga Batangueno at ang pagdadaos dito ng mga local at international football competitions.
Annual... p.5
Ang Batangas City ang isa sa tatlong secondary cities na tinutulungan ng USAID upang maging investment destination sa ilalim ng programa nitong Cities Development Initiative (CDI) – Investment Enabling Environment (INVEST) Project. Ito ay dahilan sa malaking potensyal ng lungsod bilang growth center sa Region 1V.
Sa pamamagitan ng isang power point presentation, “Why Batangas City”, binanggit ng chief of staff ng Office of the Mayor na si Atty. Victor Reginald Dimacuha ang mga dahilan kung bakit dapat mamuhunan sa lungsod. Isa dito ang natural endowments kagaya ng proximity sa Manila, coastal assets at fertile land . Nariyan din ang well-connected road network, pagkakaroon ng Batangas International Port at human capital na bunga ng mahuhusay na learning institutions sa lungsod. Malaking factors din anya ang business-friendly environment, pagiging green city at ang pakiramdam na “it’s fun in Batangas City” kung saan isa sa nagpapasaya dito ang mga community cultural acitivities.
Tinalakay din niya ang mga improvements na ginagawa ng pamahalaang lungsod sa imprastraktura, pag-aangat ng edukasyon at konstruksyon ng mga karagdagang school buildings, industry-academe linkage upang masolusyunan ang job-skills mismatch at pakikipag-ugnayan sa bagong tatag na Batangas City Business Club upang tumugon sa pangangailangan ng negosyo. Patuloy din ang reporma sa business registration upang higit itong maging efficient at ang pagbabanghay ng mas angkop at epektibong development plans at policies.
Ang mga investment areas naman na pwedeng pasukin ng mga negosyante ay ang industriya, agrikultura, imprastraktura, turismo at human resources.
Sinabi naman ni Dr Bernardo Villegas, direktor ng Research and Communication Center for Research and Communication, na ang Pilipinas ang “new tiger of Asia”. Dahilan sa bumubuting lagay ng ekonomiya ng bansa, sinabi ni Villegas na ayon sa Wider World in 2050 Report ng HSBC, ang Pilipinas ang ika-16 na bansa na maagkakaroon ng largest economy sa taong 2050 at isa ang Batangas City na makikinabang dito kung saan ito ay inihahanda bilang alternative Metropolitan area sa Luzon.
Nagbigay ng keynote address ang USAID Deputy Assistant Administrator for Asia Gregory Beck kung saan pinuri niya ang mahahalagang reporma na ipinatupad ng pamahalaang lungsod sa business registration sa pamamagitan ng enhanced Business One Stop Shop o BOSS na malaki ang maitutulong sa economic growth. Idinagdag pa niya na ang naturang forum ang syang magiging simula ng mas maraming investment at trade promotions sa Batangas City.
Isang open forum din ang isinagawa kung saan nagpaliwanag ang ilang industry leaders sa mga opurtunidad para sa kaunlaran at kabuhaya ng lungsod. Ang mga ito ay sina AGAP Partylist Representative Rico Geron na sya ring general manager ng Soro-soro Ibaba Development Cooperative( SIDC); Francis Giles Puno, president and chief operating officer ng First Gen Corporation; Ms Cecile Batalla, Vice President ng Human Resources ng Atlantic Gulf and Pacific Company Inc (AG&P); Mr Sean Perez, VP ng Commercial and Marketing ng Asian Terminals Inc; Ms Fely Ramos, Senior VP & COO ng Pontefino Hotel & Residences; Atty. Bernard Mayo, Regent ng University of Batangas at ng Executive Director ng American Chamber of Commerce of the Philippines na si Mr David Hinchliffe.
Nagbigay din ng mensahe si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Gregory Domingo na kinatawan ni Undersecretary Nora Terrado kung saan binati niya ang Batangas City sa layuin nitong maging world-class dahil sa natural na kasipagan ng mga Batangueno.
Tampok din sa forum ang paglagda sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Batangas State University (BSU) na kinatawan ni Dr Nora Magnaye at AG&P na kinatawan ni Cecile Batalla para sa isang industry-academe consortium na naglalayong matugunan ang problema sa job-skills mismatch upang mapalago ang employment capability ng mga taga lunsod.
Malaki naman ang magiging pakinabang ng paglagda sa MOA ng DTI at mga lungsod ng Batangas, Iloilo at Cagayan de Oro sa koneksyon sa Philippine Business Registry (PBR) sapagkat malaki ang maitutulong na mapatala dito lalo na yaong mga bagong bukas na negosyo. Ang Batangas City ang unang syudad sa Southern Luzon na napabilang sa PBR. (Ronna Contreras, PIO-Batangas City/PIA-Batangas)
Unang Sr. HS Graduation ng
BPHSCA idinaos sa Kapitolyo
p. 2
Lord Jesus is risen
p. 5
Family Day for the Parents
far away (2018) p . 3
Kapirasong Kritika p. 4
VOLUME XLI
No. 15
Abril 04-10, 2018
P6.00
Provincial Agriculture Office’s Good Agricultural
Practices on Vegetable Production, Isasagawa
Sa pangunguna ng Provincial
Agriculture Office (PAO),
na pinamumunuan ni Engr.
Pablito Balantac, katuwang
ang Agricultural Training
Institute (ATI), isasagawa ang
isang pagsasanay ng Farmers’
Field School (FFS) on Good
Agricultural Practices (GAP)
on Vegetable Production na
ilulunsad sa darating na ika-
26 ng Abril 2018 sa Provincial
Demonstration
Farm,
Diversion Road, Bolbok,
Batangas City.
Ang
naturang
pagsasanay tungkol sa Good
Agricultural Practices for
Vegetable Production, na
gagawin isang beses isang
linggo sa loob ng 16 na
linggo, ay lalahukan ng 30
farm workers at Agriculture
Extension Workers mula sa
PAO. Sa panayam sa mga PAO
Agricultural Technologists na
sina Diana Rose Panaligan
Manoy at JM Pangilinan,
ang pag-aaral ay nakatuon
sa varietal differences ng
apat na uri ng commodities
na upo, sili, sibuyas at sitaw
sa pamamagitan ng GAP
concepts.
Ang
GAP
ay
kinabibilangan
ng
mga
principles, regulasyon, at mga
teknikal na rekomendasyon
na angkop sa produksyon;
pagpoproseso at pagbabiyahe
ng mga gulay; pagbibigay
pansin
sa
pangangalaga
ng kalusugan ng mga tao;
Sundan sa pahina 2..
COMELEC- Batangas, Tuloy-
tuloy ang Paghahanda sa May
2018 Election
PATULOY ang paghahanda
ng Commission on Election
(COMELEC) Batangas sa
darating na Barangay at
SK Election sa pangunguna
ni Atty. Gloria Ramos-
Petallo,
Provincial
Election Supervisor, upang
masiguro na matiwasay at
matagumpay ang resulta ng
halalan sa ika-14 ng Mayo
2018.
Ayon
kay Atty.
Petallo, nasa 60 porsiyento
na silang handa at patuloy
ang
pakikipag-ugnayan
ng kanilang tanggapan sa
Department of Education
(DepEd) para sa mga
magiging
miyembro
ng electoral board na
silang aakto sa darating
na
eleksyon.
Aniya,
nakapagbuo na sila nito
ngunit mayroon pa ring mga
inaayos sapagkat ang iba sa
mga miyembro ay mula sa
non-DepEd schools. Ito ay
mga academic institutions
na hindi direktang sakop
o
pinamamahalaan
ng
DepEd, tulad ng pribadong
paaralan; State Universities
and Colleges (SUC); at
Local Universities and
Colleges (LUC) at iba pa.
Dagdag pa niya,
Sundan sa pahina 2..
Isinusulong ang Good Agricultural Practices. Patuloy ang mga proyektong pang-agrikultura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamumuno ni Gov. Dodo Mandanas at
sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office, na nakatakdang magsagawa ng pagsasanay sa Good Agricultural Practices (GAP) on Vegetable Production na ilulunsad sa darating
na ika-26 ng Abril 2018 sa Provincial Demonstration Farm, Diversion Road, Bolbok, Batangas City. Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagpapalago ng produksyon ng upo, sili, sibuyas
at sitaw. Vince Altar / Photo: Provincial Agriculture Batangas – Batangas Capitol PIO
Rabbies Vaccine Supply sa Lalawigan Sinugurado
PATULOY na isinasagawa
ng
Batangas
Provincial
Health Office at Provincial
Veterinary
Office
ang
pinaigting na adbokasiya
laban sa rabies, matapos
magpulong ang Batangas
Provincial Rabies Technical
Committee upang talakayin
ang ilang mahahalagang paksa
kaugnay ng kasalukuyang
Rabies Control and Prevention
program at ang nagbabadiyang
kakulangan sa rabies vaccine
hindi lamang sa lalawigan
kundi sa buong bansa.
Ang
pulong
ay
naganap noong ika-4 ng Abril
2018 sa Provincial Health
Office Conference Center
kung saan ibinahagi ng
Department of Health Region
IV –A
na kinakatawan
ng itinalagang Regional
Coordinator for Rabies for
CALABARZON, Mr. Jomel
Mojica, ang mahahalagang
guidelines sa pagbibigay ng
rabies vaccine sa mga biktima
ng animal bites para sa taong
ito.
Binigyang-linaw ni
Mojica na ang napipintong
kakulangan sa rabies vaccine
sa bansa ay hindi dahil sa
kakulangan sa pondo ng
DOH kundi nagkukulang
ang produksyon ng mga
lisensyadong
international
pharmaceutical
companies
sa paggawa ng mga rabies
vaccine dahilan sa mataas na
bilang ng mga insidente ng
animal bites sa iba’t-ibang
rehiyon sa bansa.
Sa datos na ibinahagi
ng DOH, pumapangatlo ang
Region IV-A sa buong bansa
na nakapagtala ng mga animal
bite cases noong 2017. Sa tala
ng Provincial Health Office,
umabot sa bilang na 31,173
animal bite cases ang naitala
sa kabuuan ng nakarang taon
sa lalawigan pa lamang ng
Batangas.
Sundan sa pahina 3..
Underwater Photo Exhibit 2018, Binuksan
sa Provincial Tourism Building
Yaman at ganda ng karagatan ng Batangas ipinagmamalaki. Pormal na binuksan ang Underwater Photo Exhibit, tampok ang mga larawang
kuha ni Mr. Penn De Los Santos, Scuba Diving Instructor at Underwater Photographer, nagpapakita sa ganda at yamang sa ilalim ng
karagatan ng Lalawigan ng Batangas. Naging panauhin sa exhibit opening sina Deputy Speaker at Batangas Congressman Raneo Abu; Mr.
Luis Awitan, PG-ENRO Department Head; Batangas Tourism Council President Mr. Sonny Lozano; Lions Club President Alex Beredo;
Mr. Alex Yap; at Rotary Club of Batangas Great President Eloisa Portugal. Magtatagal ang exhibit hanggang katapusan ng Abril 2018 sa
PTCAO Building, Capitol Compound, Batangas City. Almira M. Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO
UPANG
magbigay
ng
kaalaman
para
mapangalagaan
ang
kalikasan
at
ipakita
kung gaano kayaman
ang Batangas, isang
Underwater
Photo
Exhibit na magtatagal
hanggang
katapusan
ng Abril 2018 ang
magkabalikat na idinaos
ng Provincial Tourism
and Cultural Affairs
Office
(PTCAO)
at
Batangas Scuba Academy
katulong ang Lions Club
at Rotary Club noong
ika-5 ng Abril 2018
sa PTCAO Building,
Capitol
Compound,
Batangas City.
Sa mga larawang
kuha ni Mr. Penn De Los
Santos, Scuba Diving
Instructor at Underwater
Photographer, ipinapakita
nito
ang
ganda
at
yamang
matatagpuan
lamang sa pusod ng
karagatan ng Lalawigan
ng
Batangas. Aniya,
magandang
pagtuunan
ng pansin ang Macro
Photography
sapagkat
sa pamamagitan nito
nakikita ng malapitan ang
mga maliliit na subject
Sundan sa pahina 2..