Tambuling Batangas Publication April 03-09, 2019 Issue | Page 8

Otso Diretso’s disinformation campaign... p. 4 The Best Choice for Design & Quality VOLUME XLII No. 14 April 3-9, 2019 P6.00 For quotation requests, please contact us at (049) 834-6261 or email us at sinagprinting@ gmail.com Ikatlong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bahay Pag-asa, Ipinagdiwang! IPINAGDIWANG ang ikatlong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bahay Pag–asa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-21 ng Marso 2019, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at Gng. Jocelyn R. Montalbo, Department Head ng Provincial Social Welfare Develpment Office (PSWDO). Ang Bahay Pag-asa ay isang 24/7 rehabilitation center para sa mga batang may kinakaharap na suliranin sa batas o children in conflict with the law (CICL). Sa gabay ng temang “Sama-sama para sa Pagbabago ng Kabataang Batangueño”, ang palatuntunan ay pinasimulan ng Holy Mass, kasunod ang pagbabasbas sa Grotto, at pagbibigay ng testimonya ng isang magulang at kaniyang anak na nabago ang buhay dahil sa nasabing rehabilitation center. Sa kaniyang mensahe, ipinaabot ni Gov. Mandanas ang buong suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga proyekto ng Bahay Pag-asa. Binigyang-diin din niya sa mga CICL na pinakamahalaga ang pagiging maka-Diyos sa harap ng lahat ng mga nangyayaring suliranin sa kanilang buhay. Naging panauhin sa pagtitipon sina Director Annie E. Mendoza, Regional Director ng DSWD Region IV-A, at Judge Florencio Arellano, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 1 ng Batangas City. Ayon kay Ms. Grena C. Perez, Center Head ng Bahay Pag- asa, layunin ng pasilidad na hubugin ang mga kabataang naliligaw ng landas, mabago ang takbo ng kanilang buhay at matuto na sumunod sa mga batas. Dagdag pa niya, ang mga serbisyo at programa ng center ay may kaugnayan sa social services; medical and psychological services; home life services; character building and life skills; socio cultural and recreational services; livelihood and productive skills training; agro- farming; family intervention at foster placement; at, kinship care/group home. Ginawaran din ng “Salamat Po” Award ang mga naging ka-partner at katulong ng Bahay Pag-asa, kabilang ang Sta. Rita de Casia Parish Church, pamahalaang panlalawigan at ilang barangay sa lalawigan. – JunJun De Chavez– Batangas Capitol PIO PDRRMO Department Head ng Batangas Province, kumpirmado na MATAPOS ang kamakailang pagtatatag sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) bilang isang ganap na departamento ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, itinalaga naman bilang bagong full-fledged Department Head ng nasabing tanggapan si Mr. Joselito Castro. Mula sa pagiging isang Assistant Department Head, sa ilalim ng Office of the Provincial Governor, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas ang pagkahirang kay Castro bilang puno ng PDRRMO noong ika-25 ng Marso 2019. Sa isinagawang 11th regular session ng SP noong ika- 25 ng Marso 2019, ipinahayag ng mga Board Members ang kanilang pagtitiwala kay Castro, na magampanan nang maayos ang pagiging head ng PDRRMO. Nagsilbi siya bilang Officer- in-Charge (OIC) ng nasabing tanggapan mula taong 2015, kung kailan ang mga gawain at accomplishments ng PDRRMO ay nagdala ng mga pagkilala sa Lalawigan ng Batangas sa larangan ng kahandaan sa mga kalamidad at sakuna. Nauna nang nanumpa si Castro sa harap ni Governor DoDo Mandanas bilang katibayan sa pagtanggap ng responsibilidad ng kaniyang tungkulin noong ika- 21 ng Marso 2019. Binigyang- diin ng Ama ng Lalawigan na malaki ang tiwala nito kay Castro, na lalo pa nitong pagbubutihin ang serbisyo publiko bilang ganap na PDRRMO Department Head. Kaugnay nito, iminungkahi naman ni 6th District Senior Board Member Rowena Africa sa PDRRMO, na ilaan na lamang sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga proyekto para sa mga Municipal DRRMO sa lalawigan, na walang gaanong budget, ang malaking pondo ng tanggapan sa road repair at construction. Dagdag pa ni BM Africa, malaking budget naman na ang nakalaan sa pagpapagawa ng mga kalsada mula sa provincial at national government, kaya mas maiging magamit na lamang ng PDRRMO ang nasabing pondo para sa ayuda sa disaster mitigation program ng mga maliliit na munisipyo at bayan sa Batangas. – Marinela Jade Maneja & Mark Jonathan Macaraig, Batangas PIO ikatlong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bahay Pag–asa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Provincial Sports Complex, Bolbok, Lungsod ng Batangas noong ika-21 ng Marso 2019, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas at Gng. Jocelyn R. Montalbo, Department Head ng Provincial Social Welfare Develpment Office (PSWDO) Joint Regional at Provincial Women’s Month Celebration, isinagawa sa Batangas Provincial ang dance exercise na Zumba, ng mga ito para malaman, Capitol poster-making contest, libreng maunawaan, at maibigay BILANG paggunita sa Women’s Month ngayong taon, isinagawa ang Joint Regional at Provincial Women’s Month Celebration, na may temang “We Make Change Work for Women”, noong ika- 28 ng Marso 2019 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City. Ang nasabing selebrasyon, na dinaluhan ng mga kababaihan mula sa CALABARZON, ay naisakatuparan sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), na pinamumunuan ni PSWDO Dept. Head Jocelyn Montalbo, at pakikipagtulungan sa Philippine Commission on Women (PCW), Regional Gender and Development Council (RGADC) at Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc. (PWCCB). Kaugnay dito, nagbigay ng kani-kanilang pagbati at mensahe sina BM Divina Balba, Chairperson ng Committee of Women and Family; Engr. Ladislao Andal, Co-chair ng Regional Development Council (RDC); Atty. Gina Reyes-Mandanas, President ng PWCCB; Luis G. Banua, Regional Director ng RGADC, at iba pang mga panauhin. Kabilang sa mga naging highlight sa pagdiriwang manicure at pedicure para sa mga kababaihan, at ang pagtatanghal sa musikal na “Roselang Bubog”, na nagbibigay pugay kay Marcela Agoncillo, isang natatanging babaeng Pilipino at Batangueña na tanyag bilang lumikha sa pambansang watawat ng Pilipinas, kung saan ipinamalas ang talento ng higit sa 250 iskolar ng Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHSCA). Ang National Women’s Month ay isang taunang pagdiriwang na naglalayong ipaalam at hikayatin ang mga kababaihan bilang mga stakeholder ng mga programa at serbisyo ng gobyermo, upang itaguyod ang pamamahalang nakasentro sa mga mamamayan at magkaroon ng pagbabago sa kamalayan ang mga pangangailangan ng sambayanan; gumawa at mangasiwa ng mga platform upang talakayin ang mga nararapat na gawain sa pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) at mapaigting ang implementasyon ng Magna Carta of Women. Samantala, malugod na binati ni Gov. DoDo Mandanas ang mga dumalo sa Joint Regional and Provincial Women’s Month Celebration. Aniya, malaki ang ginagampanan ng mga kababaihan sa pagpapaunlad sa lipunan. Dagdag pa rito, binigyang diin ng ama ng lalawigan ang kahalagahan ng pagtataguyod ng gender equality hindi lamang sa Batangas, kundi pati na rin sa buong bansa. – Marinela Jade Maneja, Photo: Eric Arellano, Batangas PIO Joint Regional at Provincial Women’s Month Celebration, na may temang “We Make Change Work for Women”, noong ika-28 ng Marso 2019 sa Batangas Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City