SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 9

• Pagpapatupad ng Batas: Maaari naming ibunyag ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan ayon sa ipinag-uutos ng batas o sa pagtugon sa may bisang subpoena. • Mga Ahensiyang Namamahala ng Kalusugan at Awtoridad sa Pampublikong Kalusugan: Kung ang isa sa aming mga manggagawa o kabakas (Business Associate) ay may mabuting paniniwala na kami ay umasal nang labag sa batas o lumabag sa propesyonal o klinikal na pamantayan, at merong potensyal na nagpapinsala sa isa o higit pang mga pasyente, manggagawa o ng publiko, maaari nilang ibunyag ang iyong impormasyong pangkalusugan sa mga ahensiyang nangangasiwa o mga awtoridad ng pampublikong kalusugan, tulad ng Department of Health and Human Services (HHS). Iba pang mga paggamit at pagsisiwalat na hindi inilarawan sa paunawang ito ay puwedeng ibunyag kung mayroong kasulatan na pahintulot mula sa inyo. Maari ninyong bawiin ito sa anumang oras sa pamamagitan ng pagbigay sa amin ng nakasulat na paunawa ng iyong pagbawi. ANG IYONG NAKASULAT NA AWTORISASYON PARA SA ANUMANG LAYUNIN MALIBAN SA INILARAWAN SA ITAAS, MAAARI LANG NAMING GAMITIN O IBUNYAG ANG PROTEKTADONG IMPORMASYON SA KALUSUGAN MO KAPAG BINIGYAN MO KAMI NG NAKASULAT NA AWTORISASYON. • Labis na Napakakumpidensiyal na Impormasyon: Ang batas na pederal at estado ay nangangailangan ng mga espesyal na proteksyon sa pagka-pribado para sa ilang mga lubos na kumpidensyal na impormasyon tungkol sa iyo (“Highly Confidential Information”), kasama ang impormasyon tungkol sa kalusugan mo na pinapanatili sa mga psychotherapy notes o tungkol sa: (1) mga serbisyo sa mental na kalusugan at kapansanan sa paglaki; (2) pag-iwas, paggamot at rekomendasyon kaugnay ng abusong paggamit ng alak at droga; (3) pagpapasuri, diyagnosis o paggamot kaugnay ng HIV/AIDS; (4) (mga) nakakahawang sakit; (5) genetic testing (6) pang-aabuso at pagpapabaya ng bata (7) karahasan sa sariling tahanan o pang-aabuso sa matatanda; o (8) panggagahasa. Para maibunyag ang Labis na Napakakumpidensiyal na Impormasyon mo para sa layunin maliban sa mga ipinagpapahintulot ng batas, kailangan ng nakasulat na pahintulot mo. MGA HALIMBAWA NA NANGANGAILANGAN NG INYONG AWTORI- SASYON BAGO IBUNYAG • Mga psychotherapy notes: Kailangan muna ng nakasulat na awtorisasyon mo bago namin maaaring ibunyag ang impormasyon sa kalusugan na nilalaman ng mga psychotherapy notes (maliban ang para sa paggamot, pagbayad, at pangangalaga ng kalusugan, mga programang pagsasanay sa tagaloob, mga aktibidad sa pangan- SYHealth | HIPAA - NPP 8