SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 8

• Pagpapalaganap ng Patuloy ng Pangangalaga: Maaari naming ibunyag ang impormasyon tungkol sa mga alternatibong paggamot o mga ibang nauugnay sa kalusugan na benepisyo at serbisyo na maaaring makaanyaya ng interes mo. Maaari mong piliing hindi maisama sa pagtanggap ng mga impormasyon sa pagpapalaganap (o marketing). • Paghahanap ng Pondo / Mga Aktibidad na Pang-kaunlaran: Maaari namin kayong kontakin para humiling ng kontribusyon sa pag-suporta ng mga gawain ng SYHealth. Para sa Pagtipon ng Pondo (Fund-raising), maari naming ibunyag sa aming mga tauhan ang inyong impormasyong demograpiko (tulad ng inyong pangalan, tirahan at telepono), mga petsa kung kailan namin kayo binigyan ng pangangalang pangkalusugan, impormasyon tungkol sa departamento na nagbigay ng serbisyo, doktor, kinalabasan or resulta, o lagay ng inyong health insurance nang walang kasulatang pag-papaalam. Kayo ay bibigyan ng pagkakataon na tumanggi sa pagtanggap ng kahit anong komunikasyon ukol sa “fund-raising”. • Mga Biktima ng Pang-aabuso, Pagpapabaya o Karahasan sa Sariling Tahanan: Maari naming ibunyag ang impormasyong pangkalusugan sa mga ahensiya na pang-gobyerno, paglilisensya, pag-audit at pag-accredit, gaya ng iniatas ng batas. • Administrasyon ng Pagkain at Droga (Food and Drug Administration, FDA): Maaari naming isiwalat sa FDA ang inyong impormasyong pangkalusugan na may kaugnayan sa mga epekto/kaganapan sa inyo na may kinalaman sa pagkain, gamot, bitamina, produkto o mga produkto na mayroong depekto, o maglabas ng impormasyong mula sa pagmamanman para paganahin ang pag-recall, pag-ayos at pagpalit ng mga produkto. • Kabayaran sa Pagkapinsalang May Kinalaman sa Trabaho: Maaari naming ibunyag ang impormasyong pangkalusugan sa lawak na pinahintulutan ng at sa lawak na kinakailangan upang sumunod sa mga batas na may kaugnayan sa kompensasyon ng manggagawa o iba pang katulad na mga programa na itinatag ng batas. • Pampublikong Kalusugan: Tulad ng iniaatas ng batas, maaari naming ibunyag ang inyong impormasyong pangkalusugan sa Pampublikong Kalusugan o mga legal na awtoridad na namamahala sa pagpigil o pag-kontrol ng sakit, pinsala, kapansanan o pag-uulat ng mga mahahalagang kaganapan sa buhay tulad ng panganganak at kamatayan. • Donasyon ng Organ at Tisyu: Kung isa kang “organ donor”, maaari naming ibunyag ang inyong impormasyong pangkalusugan upang pangasiwaan at maiyos ang inyong donasyon na organ o tissue at ang paglipat nito. • Koreksyonal na Institusyon o Bilanggo: Kung ikaw man ay magiging bilanggo, maaari naming ibigay sa institusyon o mga ahente nito, ang mga impormasyon na kinakailangan para sa pagpapanatili ng iyong kalusugan o ang kalusugan at kaligtasan ng iba pang mga tao sa institusyon. • Mga Militar at Beterano: Kung ikaw ay miyembro ng militar o isang veterano, maaari naming ibigay ang inyong impormasyong pangkalusugan sa awtoridad ng militar, ayon sa batas. 7 SYHealth | HIPAA - NPP