SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 7

Maaari din naming ibunyag ang inyong impormasyong pangkalusugan sa ibang partida upang tulungan kami sa mga gawaing ito (maliban lang kung sumasang-ayon lamang sila sa pamamagitan ng isang kasulatan na pananatiliin ang pagiging kumpidensyal ng inyong impormasyong pangkalusugan), Bilang karagdagan, ang SYHealth ay maaaring gamitin at ibunyag ang iyong impormasyong pangkalusugan sa ilalim ng sumusunod na kalagayan: • Kasamahan sa Negosyo (Business Associates, BA): Nagbibigay kami ng ilang serbisyo sa pamamagitan ng mga kontrata sa mga BA. Kasama sa mga halimbawa ang mga partikular na pagsusuri ng karamdaman, serbisyo para gumawa ng mga kopya ng mga medikal rekord, atbp. Inatasan namin ang mga Business Associates na ito na pangalagaan ang bawat indibidwal na impormasyong pangkalusugan na hawak nila. • Mga Paalala sa Appointment: Maaaring kontakin ka namin para ipaalala sa iyo na may appointment ka sa SYHealth. Maaari mong piliin huwag maisama (opt-out) sa mga pagpapaalala ng appointment. • Mga Pagsisikap para sa Ginhawa mula sa Kalamidad: Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyong pangkalusugan sa mga grupo na tumutulong sa “disaster relief” para alamin ang inyong kalagayan, katayuan at lokasyon. • Kamag-anak, Tagapangalaga at Personal na Kinatawan: Kung hindi kayo tututol, maaari naming ibunyag ang iyong impormasyong pangkalusugan sa mga miyembro ng inyong pamilya, ibang kamag-anak, tagapangalaga o personal na kinatawan na kasama ninyo o humaharap sa ngalan ninyo (halimbawa, sa pagkuha ng reseta). Maaari naming ipaalam sa kanila ang inyong lokasyon sa loob ng aming klinika at ang inyong kondisyon. Kung tumututol ka sa ganitong klaseng pagbubunyag, ipaalam lang sa inyong tagapag-alaga ng kalusugan sa SYHealth. Kung wala kayo o ang pagkakataon na sumang-ayon o tumutol sa isang paggamit o pagbunyag ay hindi ninyo maibibigay dahil sa walang kakayahan o emerhensiya, maaari naming gamitin ang aming propesyonal na paghatol upang matukoy kung ang pagsisiwalat ay nasa iyong pinakamainam na interes. Kung ang impormasyon ay isiwalat sa isang miyembro ng pamilya, iba pang kamag-anak o isang malapit na personal na kaibigan, ibubunyag namin ang tanging impormasyon na aming pinaniniwalaan na direktang may kaugnayan sa paglahok ng tao sa iyong pangangalagang pangkalusugan o pagbabayad na may kaugnayan sa iyong pangangalagang pangkalusugan. • Pananaliksik: Maaari naming isiwalat ang inyong impormasyon sa mga mananaliksik kung ang isang “institutional review board” ay sumuri ng panukala sa pananaliksik at nakatatag na “protocol” upang matiyak ang pagka-pribado ng iyong impormasyon sa kalusugan ay naaprubahan ang kanilang pananaliksik. Maaari kayong tumanggi sa paglahok sa isang pananaliksik. • Mga Direktor ng Punerarya: Maaari naming ibunyag ang impormasyon tungkol sa kalusugan sa mga direktor ng punerarya alinsunod sa mga umiiral na batas para bigyang-kakayahan silang isagawa ang kanilang tungkulin. SYHealth | HIPAA - NPP 6