SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 4
Ang unang accounting sa alinmang 12-buwan na panahon ay walang bayad. Pagkalipas
nito, aming inilalaan ang karapatang maningil ng makatwiran, batay sa ginastos na bayarin.
• Karapatang Bawiin ang Inyong Awtorisasyon: MMay karapatang kayong bawiin
ang inyong awtorisasyon na gamitin o ipahayag ang inyong impormasyong pangkalusugan
o PHI, maliban sa hangganan ng aming isinagawang hakbang na umaasa dito. Ang
iyong pagpapawalang-bisa ay dapat nakasulat at ipinadala sa Medical Records Department
- SYHealth - 1601 Precision Park Lane, San Diego, CA 92173 o sa sinumang
nakalagay sa awtorisasyon mo.
• Karapatang Humiling ng mga Restriksiyon: May karapatan kang humiling ng restriksiyon
o limitasyon sa PHI na aming gagamitin o ibubunyag tungkol sa iyo para sa
paggamot, pagbayad o para sa mga operasyon sa pangangalagang pangkalusugan.
Mayroon ka ring karapatang humiling ng limitasyon sa PHI na aming ibubunyag tungkol
sa iyo sa taong may kinalaman sa pangangalaga sa iyo o pagbayad para sa
pangangalaga sa iyo, tulad ng kapamilya o kaibigan. Para humiling ng restriksiyon,
dapat kang gumawa ng nakasulat na kahilingan sa Medical Records Department -
SYHealth, 1601 Precision Park Lane, San Diego, CA 92173.
Sa kahilingan mo, dapat mong sabihin sa amin (1) kung aling impormasyon ang gusto mong
limitahan, (2) kung ang gusto mong limitahan ay ang aming paggamit o pagbubunyag o
ang dalawang ito; at (3) kung kanino mo gustong ipairal ang mga limitasyon - halimbawa,
tanging sa iyo at sa asawa mo lamang. Hindi namin kailangang sumang-ayon sa kahilingan
mo maliban kung sa mga limitadong sitwasyong na aming ini-lista sa ibaba. Kung sumasang-ayon
kami, ito ay dapat na nakasulat, at tutupad kami sa iyong kahilingan maliban
kung ang impormasyon ay kailangan para mabigyan ka ng emergency na pangangalaga.
Kinakailangan naming sumang-ayon sa iyong kahilingan na hindi namin ibahagi ang iyong
impormasyon sa health plan kung ang mga sumusunod na kondisyon ay natutugunan:
1. Kami ay hindi itinatakda ng batas na ibahagi ang impormasyon;
2. Ang impormasyon ay maaaring ibahagi sa iyong insurance company para sa layunin
na pagbabayad;
3. Babayaran mo mula sa sariling bulsa ang buong halagang dapat bayaran para sa
pangangalaga ng inyong kalusugan, o kaya kung ibang tao ang magbabayad ng
buong halaga para sa iyo.
• Karapatang maabisuhan kasunod ng pagkapuslit ng iyong hindi naprotektahang
PHI.
• Karapatang Humiling ng mga Kumpidensiyal na Komunikasyon: May karapatan
kayong humiling o magsabi kung anong gusto ninyong paraan ng komunikasyon
at lokasyon. Halimbawa, maaari mong hilinging na kontakin ka lang namin sa bahay
o sa pamamagitan ng pagsulat.
Para humiling ng kompidensyal na komunikasyong medikal, sumulat lamang sa Medical
Records Department, SYHealth,1601 Precision Park Lane, San Diego, CA 92173. Aming
pagbibigyan ang lahat ng makatwirang kahilingan. Susubukan naming itupad ang lahat
ng makatuwirang hiling. Sabihin lamang sa inyong hiling kung paano o saan ninyo gusto
3 SYHealth | HIPAA - NPP