SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 3
karagdagan sa mga record) para maituwid ito. Ikaw ay may karapatan na humiling ng pagbabago
o karagdagang impormasyon habang ito ay nasa SYHealth.
• Pagwawasto: Upang humiling ng pagbabago o magdagdag ng addendum, isulat
ang inyong kahilingan at ipadala sa Medical Records Department- SYHealth – 1601
Precision Park Lane, San Diego, CA 92173. Dapat mong tiyakin at sabihin kung
anong eksaktong impormasyon na sa tingin mo ay hindi tama o hindi kumpleto. Dapat
ring magbigay ng dahilan bilang suporta sa inyong kahilingan.
Maaari naming tanggihan ang iyong kahilingan kung ito ay hindi sa pamamagitan ng
pagsulat o hindi namin malaman sa inyong kahilingan ang mga impormasyon na inyong
hinihiling na baguhin o itama, o ang iyong kahilingan ay hindi dahilan upang suportahan
ang pagbabago o pagdaragdag. Maaari din naming tanggihan ang iyong kahilingan kung
magtatanong kayo sa amin na baguhin ang impormasyon na:
• Hindi kami ang lumikha ng rekord. Hindi namin makukumpirma na ang mga impormasyon
ay tama o dahil hindi kami ang pinanggalingan nito. Sa mga naturang kaso,
dapat ka humingi ng pagwawasto/pagtatama mula sa partidong lumikha ng rekord.
Kung babaguhin o aayusin nila ang rekord, ilalagay namin ang naitamang rekord sa
aming mga talaan.
• Ang record ay tama at kumpleto.
Kung hindi namin tatanggapin ang iyong kahilingan, ipapaliwanag namin kung bakit sa
pamamagitan ng sulat sa loob ng 60 na araw. Kung aming aaprubahan ang inyong
hiling, isasagawa namin ang pagtatama at ibabahagi namin ito sa mga mga naaangkop
na indibidwal at kung sinuman na gusto mong makatanggap ng naitamang impormasyon.
• Pagdadagdag: Upang magsumite ng karagdagan, isualt ito at ipadala sa Medical
Records Department - SYHealth – 1601 Precision Park Lane, San Diego, CA 92173.
Ang karagdagan ay dapat na hindi hihigit sa 250 salita kada iginigiit na hindi kumpleto
o hindi tama na bagay na nasa iyong rekord.
• Accounting ng “hindi ayon sa nakasanayan” na mga paggamit at pagbubunyag:
May karapatan kang makatanggap ng listahan ng mga partikular na pagbubunyag
na isinagawa namin sa Impormasyon Tungkol sa Kalusugan mo.
Para humiling ng accounting ng pagbubunyag na ito, dapat kang magsumite ng iyong
nakasulat na kahilingan sa Medical Records Department - SYHealth - 1601 Precision Park
Lane, San Diego, CA 92173. Ang kahilingan mo ay dapat mag-saad ng panahon na hindi
hihigit sa anim na nakalipas na taon. Dapat naming ibigay ang accounting sa loob ng 60
na araw. Nararapat na kasama sa accounting ang:
• Petsa ng bawat pagbubunyag.
• Pangalan at address ng organisasyon o tao na nakatanggap ng PHI.
• Maikling paglalarawan ng impormasyong ibinunyag.
• Maikling pahayag ng layunin ng pagbubunyag na makatwirang nagsasabi sa iyo ang
basehan ng pagbubunyag o, sa halip ng naturang pahayag, ay kopya ng iyong nakasulat
na awtorisasyon o kopya ng nakasulat na kahilingan para sa pagbubunyag.
SYHealth | HIPAA - NPP
2