SYHealth HIPAA Notice of Privacy Practices TAGALOG June 2020 - Tagalog | Page 2

ANG AMING PANGAKO SA IYO Ang San Ysidro Health (SYHealth) ay tapat sa pagprotekta sa iyong medikal, kalusugang mental at personal na impormasyon laban sa hindi awtorisadong paggamit at pagbubunyag. Kinakailangan ng SYHealth na bigyan ka ng Abisong ito para ipaalam sa iyo kung paano namin gagamitin at ibibigay (“ibubunyag”) ang mga impormasyon tungkol sa kalusugan mo. Dapat na sumunod ang SYHealth sa mga tuntunin ng Abisong ito na kasalukuyang ipinapairal. Hindi namin gagamitin o ibabahagi ang mga impormasyon mo bukod sa inilarawan dito maliban kung sasabihin mo sa amin na puwede sa pamamagitan ng pagsulat. Kung sasabihin mong maaari naming gawin ito, maaari ring magbago ang isip mo sa anumang oras. Ipaalam sa amin kung nagbago ang isip mo sa pamamagitan ng pagsulat. MGA PAGBABAGO SA MGA GAWI SA PAGKAPRIBADO SA SYHEALTH AT SA ABISONG ITO Aming inilalaan ang karapatang baguhin ang mga gawi sa pagkapribado at ang Abisong ito ng SYHealth. Inilalaan namin ang karapatang ipapairal ang nirebisa o binagong Abiso sa PHI na nasa amin tungkol sa iyo at pati na rin ang anumang impormasyon na matatanggap namin sa hinaharap. Ipapaskil namin ang kopya ng kasalukuyang Abiso sa buong SYHealth. Dagdag pa rito, maaari kang humiling ng kopya ng kasalukuyang Abisong ipinapairal sa wikang nanaisin mo. ANG MGA KARAPATAN MO TUNGKOL SA MGA IMPORMASYON TUNGKOL SA IYONG KALUSUGAN Ang mga rekord ng kalusugan at pagsingil na pinanatili namin ay ang pisikal na pag-aari ng SY- Health. Gayunpaman, ng impormasyon na nilalaman nito ay pag-aari ninyo. May karapatan ka: • Sa Kopya ng Abiso sa mga Gawi sa Pagkapribado (Notice of Privacy Practices, NPP). Bagamat kami ay nagpaskil ng mga kopya nito sa bawa’t lokasyon sa aming mga klinika at website, ikaw ay may karapatan na humiling ng papel na kopya nito. • Mag-inspeksiyon at kumuha ng kopya. At muli, ang karapatang ito ay hindi ganap. Kasama ng ilang pasubali, ikaw ay may karapatang mag-inspeksyon at/o tumanggap ng kopya ng iyong Impormasyong Pangkalusugan, karaniwan ay sa loob ng 30 na araw ng pagka-hiling. Kung kami ay may electronic format ng iyong impormasyon, may karapatan ka na makakuha nito kung ito ay posible para sa amin na gawin. Inilalaan namin ang karapatang sumingil ng makatwiran, batay sa ginastos na bayarin para sa paggawa ng mga kopya. Sa mga partikular na sitwasyon, maaari naming ipagkait ang pag-access kung ito ay makakasama sa sarili mo o sa iba. • Humiling ng Pagwawasto o Pagdaragdag: Kung sa tingin mo ay mayroong Impormasyong Pangkalusugan kami tungkol sa iyo na hindi tama o hindi kumpleto, maaari mong hilingin sa amin na baguhin ang impormasyon o magdagdag ng isang addendum (bilang 1 SYHealth | HIPAA - NPP