BULLYING
By:
Super-Man
“Sa bawat karanasan, sa bawat buhay ng tao, may mga nakatagong kwento sa likod ng istorya.”
Ganito kasi yang istorya ko. Simula pa High School ay ako na ang nagiging tampulan ng kahihiyan sa loob ng campus namin.
Hindi ko nga alam kung anong nakita nila sakin para tratuhin nila ako ng parang hayop eh. Badtrip talaga, tao naman ako ah. Mas
mukha pa nga akong tao kaysa sa kanila eh. Dahil ba mas pogi ako? Dahil ba siksik, liglig at umaapaw ang lakas ng appeal ko? O
baka naman dahil nasa akin na ang lahat pati ang puso mo, oh oh oh oh oh. Na nasayo na ang lahat, hindi akalain mong ako na
lang ang hinahanap mo! Oh neseye ne eng lehet. Hahahaha!
Ako nga pala si Batman Padilla. 19. Engineering at kasalukuyang biktima pa rin ng walang kamatayang bullying sa Pilipinas.
Akala nyo ba mahihina lang ang puntirya nila? Ako nga mismo na lumalaban eh hindi nila tinitigilan, ikaw pa kaya? Kaya nagsawa na
rin akong lumaban eh, paulit-ulit lang naman ang nangyayari. Pagtitripan ka, lalaban ka, pagtitripan ka ulit, lalaban ka ulit.
Minsan kasi nkakasawa na kaya pinababayaan ko nalang sila. Mapapagod lang ako.
Alam ba nilang may anti-bullying law? O talagang binabaliwala lang nila dahil hindi naman maganda ang pagpapat upad ng bats
na ito? Sa araw-araw kasi na ginawa ng Diyos lagi na lang ako nakakaranas ng kung anu-ano. Lunes, exited sa pagpasok pero
pagtapak pa lang sa gate, titisudin kana agad. Martes, tatayo ka mula sa upuan na may nakadikit na chewing gum sa pwet.
Myerkules, enjoy na enjoy ka pag-uuli sa buong school tapos may papel palang nakadikit sa likod mo na may nakasulat pang “kiss
my @ss”. Huwebes, ihuhulong sa loob ng CR. Thank God its Friday! Walang pasok. Oh diba isang Linggong pang-bubully.
Pero ang pinakamagandang nangyari sa buong buhay ko ay nang makilala ko ang isang shinita sa buhay ko. Ewan ko ba kung
anong majika meron ang babaeng ito pero simula ng makasama ko sya ay parang bula na nawala ang mga bully sa mundo ko. O
baka naman kaya nawala
Eh utos ng leader nila na si shinita pala?
Dapat tayong maging mature at responsible sa ating mga salita at mga gawa. Huwag tayong mabuhay sa pride at sa
kayabangan. Tayong lahat ay nilikha ng Dyos na pantay-pantay kaya itigil na ang bullying.
Bago ko nga pala makalimutan, love story po ito.