SURI magazine June-October issue | Page 24

umuugnay dahil ito ang sumasalamin Saan nga ba nagsimula? Ito ba ay masusing pinagaralan at pinagisipan? Ang alam ng mga tao ang organisasyong ito ay binuo ng BSE Social Science Major Batch 2015 , pero did you know that ang organisasyong ito ay halos 17 years nang naitatag? Oo tama ka, halos kasing tanda mo lang galing diba? Ito ang totoong kwento , ayon sa aking nasagap na impormasyon (psst wag kang maingay ha, kay ma’am APL ko yun nalaman) ang organisasyong ito ay nabuo habang naglilinis sa paligid ng VERA Hall ang mga kasapi ng pioneering class ng BSE Social Science taong 1996. At mula dito ay nabuo ang isang samahang may ipinaglalaban. Pero take note hindi po sila nagrarally ha! Yung tipong makibaka ang peg!! Mapunta naman tayo sa pinagmulan ng pangalan. Bakit nga ba SURI? Para sa kaalaman ng lahat hindi SURI ang orihinal nitong pangalan ayon sa former president ng SURI na si sir Edgar Aladeza hindi SURI kundi Sosyolohistang Tagapag-ugnay sa Relasyong Institusyunal o STRI . Napalitan ito sa kadahilanang hindi naman talaga magandang pakinggan kung STRI ang babanggitin diba? Pero ito ang totoong dahilan kung ating papansinin ang layunin ng organisasyong ito ay suriin ang mga nangyayari sa paligid at ipaglaban kung may nakikitang kakaiba,hindi naman pag sinabing sosyolohista ka! Makiki roar ka na at hala bira na!! Technically speaking kung ang gagamitin ay tagapag-ugnay makikita natin na ito ay pangngalan samantalang ang umuugnay naman ay isang pandiwa o verb. Mapa– pandiwa man o pangngalan iisa lang ang ibig sabihin nyan let us take the rootword UGNAY meaning to say to connect not to destruct oh di ba?Sosyolohistang Umuugnay sa Relasyong Institusyunal o mas kilala bilang SURI . Sa makatuwid mas mainam na gamitin ang sa layunin ng organisasyon. Medyo mahaba na at alam kong naguguluhan ka na sa iyong nababasa. Kaya pumunta na tayo sa pinakamahalagang bahagi. Ang SURI ay naitatag taong 1996 subalit kasabay ng pagtatapos ng mga mag-aaral na nagtatag nito nawala din ito ng matagal na panahon. Taong 2000 nang ito ay muling maitatag ngunit katulad din nang naunang pangyayari naglaho rin ang organisasyong ito dahil walang may gustong magpatuloy. 2012 nang muling buksan ang kursong Bachelor of Secondary Education Major in SOCIAL SCIENCE at kaakibat nito ay ang desisyon ng apatnapu’t tatlong magaaral sa kursong ito ang muling buhayin ang organisasyong matagal na nawala at nagpahinga. Sa kasalukuyan aktibo at gumagawa na nang pangalan ang organisasyong ito at ang dalangin na lamang ng mga myembro ng samahan ay sana sa paglisan nila ay maiwan na buo at matatag pa rin ang organisasyong ito. -BONETE