SINAG 2020 | Page 6

SILIM ni Pat Pagsuyuin

Nagdidilim ang paningin Ng musmos na noo ’ y nalulugod sa alwan ng kasaysayan , Sapagkat , ito ngayo ’ y nagahak Sa mga kamay ng madahas na Pundador
Hindi na mabilang Ang mga kandilang magdamag na nakatirik sa mga madidilim na eskinita , Sa bawat gabing puputok ang paltik Na nagdudulot ng palahaw na pagtangis , Mula sa inang nagkakandarapa sa pagtakbo papalapit sa lunan Na panay ang balusbos ng dugong nanggagaling sa katawan Ng animo ’ y hayop na walang awang pinatay
Hanggang ngayon ba nama ’ y Ito pa rin ang uunahin ? Tila ba ’ y nabulag na Siya , O baka naman nagbubulag-bulagan Namingi ? O nagbibingi-bingihan lang ? Manhid ! Sakim !
Mga halimaw , mga kriminal Ba ’ t ‘ di natin ipakita Ang tunay nating mga kulay Sa halip na gayahin Ang tulad Niyang mapagkunwari Nagbabalat kayong mabuti ang layon Ngunit ‘ pag umaraw ay makikita ang ganid na kaluluwa
Hindi ba ’ t nakakapagod Ang mga kasuya-suyang pangyayari
Hindi madaling limpyuhan Ang inaagiw Niyang pamamaraan , Kaya ’ t kung walang titinag , Ay tuluyan na tayong maaagnas at uuurin Sa nabubulok nating kinalalagyan
Mata sa mata , pangil sa pangil Sino nga ba talaga ang halimaw sa atin ?
Saglit ... Ba ’ t ‘ di natin patikimin ng malulupit na halubid Dahil ito naman talaga ang turing Niya sa ’ tin diba ?
01 Sinag / Inilapat ni Alexa Bentilanon