SINAG 2020 | Page 43

ALIPIN ni Loreiz Nicole R . Abanes

Buong buhay , ako ’ y nakakapit sa patalim Aking mga anak ay nagbabasa sa dilim Sikmura ’ y mahapdi , asin lang ang nakakain Tuwing may karamdaman , gamot ‘ di kayang bilhin
Sa lansangan , tila nagsisiksikang sardinas Habang mga pinuno ’ y nakalutang sa ulap Bulsa ’ y makakapal , karangyaa ’ y kayakap kanila nagtungo ang pera ng Pilipinas
Kami ’ y alipin ng mapanlinlang na sistema Sabi nila , pagbabago ’ y aming makukuha Mga pangakong huwad ng sanga-sangang dila Tinangay ng hangin at hindi inalintana
Dala ang mabigat na kadenang nakagapos Kusang palong kumakayod upang makaraos Kapuspalad at namumuhay sa karukhaan Marahil ito na nga ang aking kapalaran Isang kahig , isang tuka hanggang kamatayan
Pauliworld 34