SINAG 2020 | Page 41

Sa ilalim nito ay ang pagbigay kay Duterte ng tatlumpung emergency powers , pati na rin ang napakalaking Php 257,000,000,000 pandemic response funds mula sa mga kinanselang proyekto . Sa laki ng kabuuang halaga nito , aakalain na popondohan na ang mga pangmedikal na solusyon , ngunit halos walang naramdaman ang sambayanang Pilipino at patuloy pa rin ang pangangapa sa dilim . Saan nga ba napupunta ang kaban ng bayan ? May saysay ba ang pagbibigay ng emergency funds ? Giit pa nga ng ilang abogado , hindi kailangan ang “ BAHO Act of 2020 ” dahil may sapat at umiiral na namang probisyon at batas upang mabisang harapin ang krisis .
Kung susuriin ang pamamahagi ng pondo , marami pa rin ang hindi pa nakatatanggap ng ayuda , ragasa pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 , wala pang mass testing at contact tracing , at kulang-kulang pa rin ang suplay at suportang natatanggap ng mga ospital at frontliners . Bukod dito , kakaunti lang ang inilaan para sa mga proyekto tulad ng mga emergency subsidy program ng Department of Social Welfare and Development , Social Security System , at Department of the Interior and Local Government . Kung tutuusin , kahit paglaanan din ng pera , kulang-kulang , limitado , at tila palpak pa rin ang tulong na naibibigay ng mga ito sa mga Pilipino . Iyon ba ang tinatawag nilang tagumpay mula sa responsable ’ t maayos na pamamahagi ng pera ? Dagdag pa sa emergency funds ay ang mga donasyon mula sa Japan at Estados Unidos na milyon-milyon din ang pagkakahalaga . Hindi rin malilimutan ang mga pangungutang noong mga nakaraang buwan na sumatutal sa mahigit kumulang Php 340,000,000,000 ( 340 B ). Ang bilyon-bilyong ito ay makakabili sana ng mga testing kits , personal protective equipment ( PPE ), mga gadget para sa blended learning , at iba pang kagamitang makatutulong sa mga Pilipinong apektado ng COVID-19 .
Nasa kalagitnaan tayo ng isang pandemya kung saan ang buhay ng libo-libong Pilipino ang nakataya sa bawat galaw ng estado . Halos siyam na buwan na ang nakalilipas nang unang tumama ang COVID-19 sa bansa , ngunit wala pa ring pagusbong patungo sa pagsugpo sa pandemya .
Ika nga naman sa Matematika , 1000 x 0 = 0 pa rin . Kahit ano pang mahiwagang emergency powers ang ipagkakaloob sa pamahalaan , kung wala sa kanilang prayoridad ang mga tunay na pangangailangan ng bansa , wala rin itong patutunguhan kundi ang kanilang mga bulsa ’ t pagpopondo ng kanilang mga makasariling interes .
TAMPOK
Pauliworld 32