SINAG 2020 | Page 31

“ Kababaeng tao ... umayos ka nga . Sige ka , walang lalaking magkakagusto sa ’ yo .”
Pamilyar ba ?
Ito ang mga salitang kadalasang sinasabi sa babae kapag kakaiba ang kanyang suot , pananalita , at hitsura kumpara sa karaniwang inaasahan ng lipunan .
Maraming gampanin ang kababaihan sa lipunang ating kasalukuyang kinagagalawan , na siyang nagiging ugat ng mga esteryotipikong paniniwala , katulad ng pagiging okupado sa gawaing pambahay lamang — tagapag-alaga ng mga anak , tagaluto , at tagalinis ng tahanan . Ang pananaw na ito ’ y nagsimula sa panahon ng pananakop ng mga Kastila . Isang sagisag na maaaring gamitin para maipakita ito ay ang kilalang karakter sa nobelang Noli Me Tangere na si Maria Clara .
Sino nga ba siya ? Iniaakma si Maria Clara bilang isang mayumi , magiliw , at mahinhin na mestiza , na siyang kabiyak ng pangunahing karakter sa nobela na si Crisostomo Ibarra .
Sa panahon ni Maria Clara , mahigpit ang mga pamantayan sa mga babae : nakatakda ang kanilang bawat kilos , paniniwala , at sila ay sapilitang inaayos base sa imaheng itinatag ng simbahang Katoliko upang sa huli , sila ay makahanap ng lalaking pakakasalan . Iilan sa mga pamantayang ito ay umiikot sa ideyang tanging mga bagay lamang ang mga babae na siyang mas mababa kaysa sa kalakasan ng mga lalaki .
Napilitang pumasok sa kumbento si Maria Clara sa murang edad upang sundin ang kagustuhan ng kanyang Tiya Isabel at amang si Kapitan Tiyago na lumaki bilang maka-Diyos at disente . Kasama ng iba pang babaeng tulad niya , sila ’ y tinuruang maging mahinhin at umiwas sa pakikialam at pagbibigay ng opinyon tungkol sa mga isyung panlipunan , dahil ito ay labas sa esteryotipikong pamantayan na gampanin ng kababaihan . Si Maria Clara ’ y inilarawan ni Dr . Jose Rizal , ang awtor ng nobela , bilang mahinhin at masunurin sa mga utos ng kanyang pamilya at ng gobyerno , sapagkat siya ’ y mestizang mataas na ang antas sa herarkiya . Ibig sabihin , mayroon siyang katungkulang mapanatili ang magandang imahe at pangalan ng kanyang ama .
Marami sa mga kababaihang kaedad ni Maria ay may hangaring lumaban at tumuligsa sa rebolusyong tungo sa kalayaan ng bansa ; kumontra at tumutol sila sa mga mapang-abusong batas ng Simbahan at ng Kastilang awtoridad upang makamit ang matagal na ninanais na kasarinlan ng bansa .
Kamakailan lamang , naging isang tanyag na ekpresyon sa mga kabataan ang “ dalagang Pilipina ” na sumisimbolo sa karakter ni Maria Clara . Ang kasabihang ito ay dumidiin sa pagkamayumi ng kababaihan . Sa tradisyonal na kahulugan , dapat itinatago ng isang tunay na dalagang Pilipina ang kanyang nangingibabaw na damdamin sa isang manliligaw .
Sa kabila ng mga pananaw na ito sa mga kababaihan , ngayon ay ginagamit na ang ekspresyong ito upang tukuyin ang kalakasan ng boses ng kababaihan ukol sa politika at lipunan , ang pagyakap sa kanilang pagkakakilanlan , kumpiyansa , at ang pinakamahalaga — ang pagtuldok sa kaugalian at pagwasak ng mga pamantayan na itinakda ng lipunan sa mga kababaihan .
Tumpak ang paglalarawan kay Maria Clara hinggil sa pagtrato sa kababaihan noong panahon na iyon . Subalit , mahalagang makita ng kabataan na higit pa si Maria Clara sa pagiging mahinhin at hindi pinagpala sa nobela upang maging ka-ibigan ni Ibarra . Hindi man siya naghimagsik laban sa paraan ng pagtrato sa kababaihan , ngunit sana ’ y maging aral ito para sa lahat : ang kababaihan ay higit pa sa esteryotipikal na isipan , tulad ng pinanganak lamang upang maging asawa , ina , at tagapangalaga ng tahanan , kung kaya ’ t kinakailagang buwagin ang kaisipang ito .
Itong nagbabagong anyo sa lipunan para sa mga babae ay isang magandang oportunidad upang buong-siglang isigaw at ipangalandakan ang mga karapatan ng mga babae , at suportahan ang paglalakbay patungo sa kalayaan na matagal nang ninakaw sa ating lahat . Kilalanin ang diwa , at bigyang-halaga ang bagong normal para sa kababaihan !
Sining ni Maxine Cristobal
[ 1 ] Jeffrey Hays . ( 2015 , June ). WOMEN IN THE PHILIPPINES : STATUS , STEREOTYPES , MARIA CLARA AND ABUSE . http :// factsanddetails . com / southeast-asia / Philippines / sub5 _ 6c / entry-3876 . html
[ 2 ] Zea Asis . ( n / a ). WHY IT ’ S TIME TO REWRITE MARIA CLARA & OUR FILIPINA STORY . https :// www . shopcambio . co / blogs / news / why-it-s-time-to-rewrite-maria-clara-ourfilipina-story
[ 3 ] Adrianne Dianne Isabelle R . Saldua . ( 2012 , February ). The Role of Women from Pre-Hispanic to Spanish Era . https :// tonkshistory . wordpress . com / 2012 / 02 / 22 / the-roleof-women-from-pre-hispanic-to-spanish-era /
Pauliworld
TAMPOK
26