SINAG 2020 | Page 27

Usap-usapan ngayon sa social media at telebisyon ang bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte . Ito ay ang Anti-Terrorism Law — ano ito at bakit ito kontrobersiyal ?
Ang Anti-Terrorism Law ay isang batas na pumalit sa Human Security Act of 2007 at nagmula sa House Bill 6875 . Sakop nito ang paksa ng terorismo sa bansa at ang sinasabing “ katungkulang ” maprotektahan ang buhay , kalayaan , at pag-aari ng mga Pilipino laban dito .
Sino nga ba ang maaaring ituring na terorista sa ilalim ng batas na ito ? Batay sa Republic Act No . 11479 , ang mga lumabag sa Section 4 hanggang 12 ay tatawaging terorista . Kasama na rito ang mga probisyon at panukala na tila ’ y kahina-hinala :
• Maaring makulong ang mga nasabing “ terorista ” ng walang warrant of arrest . Kasama na rito ang mga aakusahang kasabwat sa pagpaplano ng gawaing maihahalintulad sa “ terorismo ” na hahantong sa pagkakakulong sa loob ng mahigit 14 na araw .
• Batay sa Section 4 , ang mga nanghihikayat sa “ terorismo ”, kahit sila ay hindi mismo kabilang sa gawain , sa pamamagitan ng pagsulat , pagsasalita , at kahit anong kinakatawan , ay makukulong ng 12 taon .
• Nakasaad sa Section 16 na pupuwedeng gamitin ang
pag-wiretap upang masubaybayan nang palihim ang sinumang mapaghihinalaang “ terorista ” sa loob ng 60 araw .
• Marahil binago ng Anti-Terrorism Law ang probisyon ng Human Security Act of 2007 , ang mga napaghinalaan na suspek na napatunayang inosente ay hindi na mabibigyan ng P500,000 danyos-perwisyo .
Malawak ang saklaw at depinisyon ng terorismo , at dahil dito , maaaring ma-redtag at maituring na terorista ang sinumang hindi sumasang-ayon sa gobyerno , hindi lang ang mga aktibista ’ t aktibo sa mga organisasyong may layong maipaglaban ang masa .
Upang mas maunawaan ang pagkakaiba ng aktibismo sa terorismo , balikan natin ang mga depinisyon nito . Ang aktibismo ay ang pagkilala at pagkilos laban sa mga problema ’ t suliranin ng lipuan . Layon nito ay ang manghamig , magpamulat , at mag-organisa ng mga tao upang maipaglaban ang mga karapatan ng pambansang minorya . Sa kabilang dako naman , ang terorismo ay ang paggamit ng karahasan upang manakot , manggulo , at maminsala sa isang pangkat o populasyon upang maipakita ang adhikaing pampulitika .
“ We really believe that this will save many , many lives ,” ani ni Speaker Cayetano sa kanyang pahayag ukol sa Anti- Terrorism Law . Ngunit ilang linggo matapos mapirmahan ang batas ay maraming naitalang pamamaslang sa mga aktibista mula sa Negros at Kalakhang Maynila .
Mula sa mga ito , sino nga ba ang dapat na mabansagang terorista ? Ang gobyernong mapanupil o ang nag-aalsang masa ?
Sa kabila ng mga protesta ’ t hinaing ng sambayanang Pilipino , mapa-online man o pisikal , madalian pa ring naipasa ang Anti-Terrorism Law sa gitna ng isang pandemya . Dito pa lang , makikita na agad ang tunay na prayoridad ng pamahalaan , at hindi kasama rito ang pag-aasikaso sa krisis na hatid ng COVID-19 .
Ang pagpupuna sa estado at ang pagbibigay ng mga solusyon upang lutasin ang iba ’ t ibang suliranin ay iilan lamang sa mga pakay ng mga aktibista . Ngunit kailanma ’ y hindi sila gumamit ng karahasan upang ipilit o isulong ang mga ito .
Kailanma ’ y hindi naging trabaho ng gobyerno ang tanggalan ng boses ang bayan . Para at dahil sa masa , huwag tayong matakot na magsalita at punahin ang mga pagkakamali ng estado . Karapatan natin bilang mga Pilipino ang malayang pamamahayag at hindi ito dapat bastabastang maiaalis ng gobyerno .
[ 1 ] Macarthy , J . ( 2020 , July 21 ). Why Rights Groups Worry About The Philippines ’ New Anti-Terrorism Law . https :// www . npr . org / 2020 / 07 / 21 / 893019057 / why-rightsgroups-worry-about-the-philippines-new-anti-terrorism-law
[ 2 ] Santos , E . ( 2020 , July 3 ). Duterte signs into law the controversial anti-terrorism bill . https :// cnnphilippines . com / news / 2020 / 7 / 3 / duterte-signs-anti-terrorism-law . html
TAMPOK
Pauliworld 22