Saliksikhay SALIKSIKHAY_abstracts_PDFv5 | Page 50

Health & Wellness Moreover, the musical is the subject of an accompanying dissertation, which is an action research study of the use of cultural interventions as a psychosocial approach to mitigating trauma. Lunop Han Dughan was first staged in April 2019 in Tacloban and has been shown four times since. Performances will be held in Manila and Bohol in 2020 to share the survivors’ story of resilience and the hope that the lessons learned from the tragedy will be remembered. Funded by: UP OVPAA Ang Pagbubuo ng (Mapa ng Loob®) Masaklaw na Panukat ng Loob Dr. Gregorio E. H. del Pilar | Christie P. Sio | Louie P. Cagasan | Antonia C. Siy | Adrianne John R. Galang Departamento ng Sikolohiya E-mail: [email protected] Malinaw sa marami na ang ugali’t pagkatao ay isang napakahalagang salik sa samu’t saring larangan ng buhay ng tao, kabilang ngunit di lamang limitado sa pagpili ng trabaho at mga libangan, sa mga ginagampanang papel sa loob ng isang grupo o organisasyon, at maging sa mga gawi at paraan ng paglutas ng mga pang- araw-araw na suliranin. Ang Masaklaw na Panukat ng Loob (o Mapa ng Loob®) ay binuo ng Personality Research Laboratory ng Departamento ng Sikolohiya para sukatin ang mga katangiang Pilipino, tulad ng Pagkamapagparaya, Pagkaresponsable, Hilig sa Bagong Kaalaman, Pagkapalakaibigan, at Pagkamaramdamin. Para sa maraming mananaliksik, ang Mapa ng Loob â ay tumutugon sa matagal nang pangangailangan na tuklasin ang pagkakaayos ng daan-daang mga katangian ng personalidad na pinag-aralan ng mga sikolohista sa loob ng maraming dekada. Ito ay naaayon sa balangkas ng Five-Factor Model, isang breakthrough model ng mga katangian ng personalidad na nagpapangkat sa mga katangian o traits ng isang tao sa limang malalaking saklaw o domain: Neuroticism, Extraversion, Openness to Experience, Agreeableness, at Conscientiousness. Pumili ang mga may-akda ng dalawampung mga katangiang Pilipino para sukatin. Katumbas ang dalawampu sa apat na katangian sa bawat domain. 46 | UP Diliman SALIKSIKHAY