Saliksikhay SALIKSIKHAY_abstracts_PDFv5 | Page 5

U NIVERSITY of the P HILIPPINES OFFICE OF THE PRESIDENT Malugod kong binabati ang Opisina ng Bise-Tsanselor para sa matagumpay nitong pag-oorganisa ng SALIKSIKHAY: Pagdiriwang ng Dangal at Kahusayan sa Saliksik, Malikhaing Gawa, at Ekstensiyon! Ako ay lubos na nagagalak dahil ang kumperensiyang ito ay nagbibigay-halaga sa mga gawain ng ating mga kasamahan sa pamantasan. Mga gawaing marapat lamang na ipagmalaki sapagkat ang mga ito ay bunga ng talino, pagkamalikhain, pagsisikap, at pagnanais na makapaglingkod sa ating kapwa. Ang UP ay sagana sa saliksik, malikhaing gawa, at mga gawaing ekstensiyon. Ang mga iyan ang nagbibigay buhay sa atin bilang isang pamantasan. Ang pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pamamaraan, ang paglikha ng sining, at ang bukas na pag -alay ng serbisyo—ang mga ito ang nasa kaibuturan ng UP. Pangkaraniwan mang maituturing ang mga iyan sa atin, hindi ibig sabihing hindi na natin ipagbubunyi ang ating mga nakamtan. Para sa UP, ang SALIKSIKHAY ay pagkilala, pasasalamat, at pagmamalaki sa mga naiambag ng ating mga guro, mananaliksik, mag-aaral, at kawani sa paglago ng kani-kanilang mga larangan at sa kanilang paglilingkod sa bayan. Sa pamamagitan ng kumperensiyang ito ay inaasahang mahihikayat pa ang mas maraming tao at institusyon na maging katuwang natin sa ating mga gawain. Ang pakikipagtulungan ng iba’t-ibang yunit ng UP sa isa’t-isa, sa mga ahensiya ng pamahalaan, at sa mga kaugnay na organisasyong pribado ay tutulong sa pagpapalakas at higit na pagyabong ng pananaliksik, paglikha, at pagbibigay serbisyo sa ating bansa. Sa ating mga tampok na guro, mananaliksik, mag-aaral, at kawani sa SALIKSIKHAY, salamat sa karangalang ibinibigay ninyo sa Unibersidad ng Pilipinas. Tunay kayong karapat-dapat na ipagmalaki ng UP. Mabuhay kayong lahat! DANILO L. CONCEPCION Pangulo UP Diliman SALIKSIKHAY | 1