Roosterman Vol. I No. 11 | Page 21

Laging Handa
Roosterman No. 11; January, 2012

Laging Handa

Pakainin alas-siyete at huwag kalimutang bigyan ng tubig. Pabayaan lang sa talian hanggang tanghali. Kung ikaw ay may pasok siguruhin na palaging may masisilungan ang manok sakaling uminit o umulan. At ihabilin sa iyong asawa o anak o sino man ang maiiwan sa bahay na tingnan at siguruhin na walang aksidenteng mangyayari sa manok. huling pagkatuka bago ang laban ay gawin mong 1 sukat ng concentrate, kalahating sukat ang pigeon pellets at lagyan mo nang kalahating sukat na cracked corn. Umpisa mo itong ibigay Sabado ng umaga.( Carboloading. May iba ring sistema na hindi na gumagamit ng ganitong pamamaraan sa carboloading. Tingnan sa Manwal ng MANA sa Pagpili at Pagkundisyon)
Mas mainam kung ikaw ay makakauwi sa tanghali. Pag-uwi mo sa tanghali hilamusan agad ang manok at ilagay sa 3 × 3 na may tuyong dahon ng saging at bigyan ng kaunting tukain at hayaang kumahig habang ikaw ay nananghalian. Kung ako, doon ako kakain sa harapan mismo ng manok. Hindi lang na mas gaganahan akong kumain pag may manok na nakikita, mapagmamasdan ko pa ng husto ang kondisyon ni tinali. Pagkatapos ay ibalik sa cord at doon na sya buong maghapon.
Pagdating mo sa hapon pakainin agad ang manok. Kung ang uwi mo ay palaging maaga at may araw pa duon nalang pakainin sa cord. Pagkatapos hayaan mo sa talian. Pag itoy humapon na ibalik sa lupa at hayaang humapon uli. Ulit-ulitin ng apat o limang beses ang pagbaba sa gayon ay mapilitan itong lumipad at humapon uli pabalik at ma-ehersisyo ng husto. Pagkatapos hayaan mo nang humapon at magpahinga ng mga 30 minuto o isang oras bago ipasok sa kulungan.
Ganito lang ang gagawin mula Lunes hanggang Biyernes. Tuwing Sabado ipahinga mo na si manok matapos ang pananghalian. Ilagay mo na sa kulungan buong hapon at ilabas mo sandali sa oras ng kanyang pagkain sa hapon. Sa Linggo, ilabas mo ito at ilagay sa cord mga alas-sais ng umaga. Pakainin mo alas-siyete at paglipas
ng 30 minuto ibalik sa kulungan. Handa na si manok kung sakaling ilalaban mo mo sa araw na ito. Kung hindi mo ilalaban dahil kulang ang pamusta mo o kaya natalo ka sa ibang manok, ibitaw o ispar mo itong bandang alas-tres o alas-kwatro ng hapon.
Manok na handanghanda.
7. Tandaan mabuti ang hipo ng manok saan pinakamagaling siyang lumaban pag-inispar.
Ang manok na underweight, payat o kaya masyadong tuyo ang katawan karamihan ay mahinang pumalo, walang lakas at wala sa timing. Ang overweight, sobra sa tigas ng katawan o kaya sobra ang basa ng katawan naman ay mabagal kumilos at medyo short ang palo. Ngunit
may mga manok na gusto ang medyo payat o medyo
Tandaan lang maigi ang sumusunod:
mataba kaya ang pinakamaigi pa rin ay sundin ang hustong
timpla saan ang manok ay kikilos ng maigi overweight man
1. Ang ating normal na pagkain ay parehas ang halo ng con-
siya o underweight ng bahagya.
centrate at pellets. Isang sukat bawat isa. Ngunit sa tatlong
2. Kung sa tantiya mo ilalaban mo si manok ma-aga-aga sa Linggo, kalahati o 1 / 3 nalang ng kanyang nakasanayan na dami ang ibigay mo sa Linggo ng umaga.
3. Huwag kalimutang paliguan ito kinabukasan kung ito ay inispar mo sa halip na ilaban.
4. Painumin ng tubig kahit sa araw ng laban. Sa derby may schedule na sinusunod at ang manok ay nasa kulungan lang namamahinga habang naghihintay sa oras ng laban. Dahil dito pwede mong kontrolin ang moisture nito para eksakto ang pointing. Pero sa hack fight hindi mo alam kung kailan mailaban ang iyong manok at maliban pa, kailangan niya ng moisture sa ulutan dahil malamang na mainit at lagi pa itong hinahawakan habang inuulot. May init ang kamay ng tao.
5. Bigyan ng mumurahing multi-vitamins ang manok mo isang tableta bawat Lunes, Miyerkules at Biyernes. At mumurahing B-12 tablet naman yung 100mcg lng, tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Ang mga tabletang ito ay hindi aabot ng piso ang halaga bawat isa.
6. Hilamusin ng kaunti ang mukha ng manok at basain bahagya ang sa puwetan, gilid at paa tuwing umaga, tanghali at sa gabi pagkakain.
21