PUNO'T BUNGA PUNO'T BUNGA | Page 7

Baguio ang nataguriang Summer Capital of the Philippines dahil sa angking lamig ng temperatura nito na pananggi sa mataas na tirik ng araw tuwing sumasapit na ang buwan ng Marso. Ibang klase and lamig ng hangin dito na talaga naming natural at sariwa dahil sa mga yamang lupang nakapaligid sa Baguio. Ngunit hindi lamang temperatura ang maaring ipagmalaki ng Baguio kung hindi ang mga magagandang tanawin na makikita dito. Isa na dito ang sikat na Banaue Rice Terraces na ginawa mismo ng malilikhaink kamay n gating mga katutubong nanirahan dito. Tampok din dito ang matatamis na strawberries at jam na talaga naming dinadayo pa n gating mga kababayan para lamang makabili nito.

Ngunit, malaki na ang pinagbago ng Baguio ngayon. Kalbo na ang mga puno sa mga bulubunduking nakapaligid sa Baguio kaya naman nabawasan na rin ang halumigmig na nakapalibot dito. Mararamdaman mo na rin ang init dito. Matatawag mo pa ba kayang Summer Capital ito kung ganito na ang kalagayan n gating mahal na Baguio? Sino nga ba ang may pananagutan dito?

Pilipino rin ang siyang sumira sa Baguio. Dahil sa kalabisan ng industrialization, tuluyan nang napapalitan ng mga matataas na gusali ang mga punong dati nang nakatanim dito. Isinasantabi na lamang ang halaga ng mga halaman at punong ito dahil lamang sa kagustuhan na mapaigting ang industrialisasyon ng bansa. Ngunit paano na ang Baguio? Paano na ang pinaghirapan ng ating mga katutubo?

Huwag nating hayaang umabot sa isang araw na magigising na lamang tayo at tatanungin ang Baguio ng, “Summer vibes, where are you?” dahil isa rin tayo sa mga rason kung bakit tuluyan na itong naglaho.

SUMMER VIBES, wHERE ARE YOU? BY: BIANCA ADRIANA BERTUMEN