PUNO'T BUNGA PUNO'T BUNGA | Page 5

TAGU-TAGUAN

Ang rice hoarding ay ang pagbili ng sako sakong bigas ng mga negosyante upang itago nang sa gayon ay tumaas ang presyo ng bigas. ANg pagtaas ng presyo ng bigas ay dulot ng pagkakaroon ng pagkakaubusan ng mga bigas sa pamilihan. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng pagdami ng mga negosyante na nagtatago ng sako-sakong bigas. Ilalabas lamang nila ito kapag tataas na ang presyo ng bigas, kung saan mas malaki ang kikitain nila. Marami na ang nahuli ng NFA (National Food Authority) na mga rice hoarders. Ang NFA ay mayroon nang listahan ng mga rice hoarders sa bansa at naghahanap na lamang ng matibay na ebidensya bago maglabas ng listahan ng mga pangalan. Ang NFA (National Food Authority) at DA (Department of Agriculture) ay naglabas na rin ng sanaysay tungkol a isyung ito. Naninindigan sila na sapat ang produksyon ng bigas sa bansa at ang pagtaas ng presyo nito ay dulot lamang ng artificial shortage. Noong nakaraang Hulyo din ay may nakasuhan na tatlong hinihinalang rice hoarder sa Muntinlupa. Nang inspeksiyunin ang isang warehouse, nakita ng mga pulis na naglalaman ito ng 14,996 sako ng NFA rice at 4,580 sako ng commercial rice. Ayon kay Direktor Benjamin Magalong, chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), karamihan sa mga bigas na nakumpiska ay hindi na maaaring kainin pa.

Naghihigpit na ang pamahalaan at nagbabala na rin sila sa mga rice hoarder matapos tumaas ang presyo ng bigas. Nangangahulugan itong may mga nagtatago ng suplay ng bigas kaya naman mabilis magkaubusan sa mga pamilihan. Nagtatatag na rin ng kampanya ang gobyerno laban sa mga rice hoarder. Mas pinagiigting ng mga opisyal ang pagiinspeksyon sa mga warehouse ng bigas upang malaman kung rehistrado ba ang mga bigas na naroroon.

BY: MATTHEW LAY