PUNO'T BUNGA PUNO'T BUNGA | Page 3

Itago niyo na lang po ako sa pangalang "Jojo" ako po ay isang masipag na estudyante na nagaaral sa isang magandang eskwelahan. Ngunit sa kabila ng aking mga katangian ay may isang gawain akong palagi kong ginagawa ngunit di ko maiwasan na di ito gawin. Ito ay ang pagtatapon ng basura sa ilog na malapit lamang sa eskwelahan at sa kalsada malapit dito. Alam ko sa sarili ko na masama ang pagtatapon ng basura dahil ito ay nakakasama sa kapaligiran ngunit di ko ito magawang pigilan sapagkat nakasanayan ko na kasi.

Minsan nga ay may isang pangyayari na di ko inaasahan nung nakaraang araw nung nagtapon ako sa kalsada ng supot ng Clover chips at may nakahuli sa akin na isang metro aide. Ako ay kanyang pinagsabihan na huwag akong magtapon ngunit di ko siya pinansin at naglakad na lang ako ng palayo.

Di ko inasahan ang sumunod niyang tugon sa ginawa ko at bigla na lamang lumungkot ang kanyang mukha at napaluha bigla ngunit di ko ito pinansin. Nung ako ay nakauwi na ng bahay ay iniisip ko pa din kung bakit ganoon ang nangyari sa kanya dahil sa isip ko ay supot lamang ito at wala naman sigurong nakakaiyak sa isang supot ngunit napagtanto ko na kaya siguro siya naluha ay hindi dahil sa supot kundi dahil sa ginawa kong pagtapon nito habang siya ay naglilinis.

Kaya dahil sa pangyayaring ito, naisip ko na balikan ulit ang metro aide na iyon upang humingi ng tawad at tila na parang tadhana nga ang pangyayaring iyo dahil nandun pa din siya. Agad ko siyang kinausap at humingi ng kapatawaran at sinabi ako naman ay pinatawad niya. Tinanong ko din kung bakit nga ba siya napaiyak at ang sabi naman niya ay dahil daw karamihan ng kabataan sa ngayon ay hindi na marunong magpahalaga sa kalikasan at natatakot siya na baka dumating ang araw na mawala na ang mga magmamalasakit dito na agad naman na pumukaw ng damdamin ko.

Simula nang pangyayaring iyon ay hindi na ako nagtatapon ng aking basura sa mga kalsada at ilog at natutunan ko magpahalaga sa kalikasan. Sumali din ako sa mga "tree planting projects" at ang kilalang "Kapit Bisig para sa Ilog Pasig" na proyekto ng ABS-CBN. Nawa'y tayong lahat na mga kabataan ay magtulungan upang pangalagaan ang ating kalikasan at sana ay nakapagbigay ng inspirasyon ang aking kwento sa mga kabataang hindi marunong tumulong sa pagbuti ng ating kalikasan.

Confessions By: "jojo"