12 Philippine Showbiz Today
Special Feature
March 8 - 21, 2019
The Sari-Sari Store: Original Provider
of the Pinoy Household
by Jose K. Lirios
M
ang Kabayan pabili
po ng tig-iisang supot
ng suka at toyo... at
isang malamig na bote ng Choco
Vim.”
While growing up in our
neighborhood at San Francisco
Del Monte, Quezon City, our
Mommy would send me on errands
whenever she needed something
important in the kitchen. Off I
would go to Kabayan’s Sari-Sari
Store just a dozen steps from
our house. Filled to the rafters
with various goods displayed on
shelves and other things hanging
from hooks on the ceiling, Mang
Kabayan would give me the things
I was sent to buy after I have paid
him.
Years
before
so-called
convenient stores like 7-Eleven
and Mini Stop invaded our shores
and began sprouting all over the
Philippines, the humble Sari-Sari
Store was and still is the only
place where Pinoys choose to
buy whatever they needed—from
Alcohol to Zesto Fruit Juice,
from cellphone load to sanitary
napkins.
Here in El Pueblo Del Rio
Subdivision (EPDRS), Sta. Maria,
Bulacan, the Sari-Sari store is an
indispensable part of the Pinoy
household. One proof of the
importance of the Sari-Sari Store
is the sheer number of stores
scattered all over the EPDRS.
While going around the various
blocks of the EPDRS, this reporter
counted around 40 Sari-Sari
Stores before arriving back at our
home at Block 28 Lot 69. This is
proof enough how indispensable
the Sari-Sari Store is to the Pinoy
household and how important
it is in providing much needed
additional income to families
who are not that well off in these
difficult and trying times.
This reporter was able to
interview one of the owners of a
Sari-Sari Store that he is a suki/
frequent customer of and usually
goes to whenever he needs to buy
something for the members of the
household—may it be two kilos
of rice for the next day’s meals
or a couple of packs of Rebisco
Strawberry Cream-Filled Cracker
Sandwich for his son’s baon to
school.
PST Manila Correspondent
“Noong
1991
mayroon
kaming tailoring shop na ginawang
tindahan/sari-sari store sa Dapitan
Street corner Mariano Cuenco
Street na malapit sa University
of Santo Thomas. Noong simula
wala kaming pera pang tayo ng
tindahan kaya nangutang kami
muna sa isang kapatid ng asawa
ko kasi ang kaunting pera ng
income namin ay napupunta
sa mga anak at hindi biro ang
magpakain ng sampung anak,”
said Ramil Halili, 66-year-old
owner of Susan Store.
“Kasi kapag marami kang
anak mayroon isa na nagaaral sa
college at mayroon naman isa na
magtatapos na ng high school.
Kaya pagkatapos niya sa high
school magaaral naman siya sa
college. Kaya may time na apat
ang mga anak ko ay sabay-sabay
na nagaaral sa college.
“Nagumpisa
kami
magtindahan/sari-sari
store
noong 1991 at nangutang kami
sa hipag ko ng limang libong piso.
Bumili muna kami ng kaunting
gamit tulad ng display layers at
mga stand. May kaunting kami
paninda at nagbenta rin kami ng
palamig o gulaman/sago-sago.
“Mula 1991 hanggang 1992
unti-unti na lumago ang munting
tindahan na tinayo namin.
Karamihan ng mga customer
namin
paminsan-minsan
dumadaan sa pwesto namin kasi
nasa kanto siya. Kapag mayroon
silang hinahanap na produkto
kinabukasan mayroon na kami
nuon. Kaya lamang kailangan na
masipag ka mamili at lumakad.
Sa Divisoria at Blumentritt market
kami bumibili ng mga paninda ng
tindahan namin. Ang gamit kong
pangserbis noon ay bisikleta kasi
malakas pa ang katawan ko noon.
Kaya kailangan maging praktikal
ka sa hanap buhay,” said Halili.
“Unting-unti lumago ang
tindahan namin at nadagdagan
nin ng mga debote na binebenta
tulad ng softdrinks at alak.
Nagkaroon rin kami ng supplier ng
mga produktona nagdedeliver sa
amin. Mga delivery truck na galling
sa ibat-ibang kumpanya tulad San
Miguel at Asia Brewerly.
“Karamihan
ng
mga
binebenta namin sa tindahan ay
malakas ang benta. Sa pagtitinda
sa isang sari-sari store kailangan
talaga na marunong kang mag-
sales talk. Katulad ng Colt 45 Beer
at Red Horse Beer ay magkalaban
silang dalawa. Ang Colt 45 Beer
ay gawa ng Asia Brewerly at ang
Red Horse Beer naman ay San
Miguel ang gumagawa. Dahil
malakas ang benta ng Red Horse
Beer ang supplier ng Colt 45 Beer
ay mas maganda ang binibigay sa
amin na allowance sa pagbayad
sa produkto nila. Kung sino ang
nagbibigay sa iyo ng magandang
sale o allowance sa pagbabayad
ng produkto nila siya ang ipupush
mo na bilhin ng mga customer ng
tindahan mo,” explained Halili.
“Kaya mayroon customer
na magtanong kung may Red
Horse Beer kami ang sagot ko ay
hindi pa malamig ang Red Horse
Beer naming pero mayroon
kami dioto na Colt 45 Beer na
malamig at mura pa ng kaunti.
Kaya iyon siguro ang bibilhin ng
customer. Importante rin ang
pagrerecommend sa customer
kung ano dapat ang bibilhin
nilang produkto sa isang sari-
sari store. Kaya magaling talaga
ang sales talk naming magasawa.
Kaya umuusad ang buhay at
kabuhayan namin.
“Noong 1994 hanggang
2007 kinausap ako ng mga anak
ko na iwanan na ang Maynila at
lumipat na dito sa Bulacan kasi
wala na ako pinapaaral na anak.
Kaya alam ko na karamihan ng
mga magulang ay nagpapaaral sa
mga anak at bumubuo ng bahay
para sa mga anak nila. Tutal
para medyo makapagpahinga
kayo mamili na kayo ng bahay
sa Bulacan. Kaya noong January
to june 2008 nagpasya kami na
mamili ng bahay dito sa El Pueblo
Del Rio Subdivision, Sta. Maria,
Bulacan. Noong 2008 paglipat
naming ditto sa EPDRS wala pa
gaanong tao na nakatira dito
at ilan-ilan pa lang. Wala pang
katao-tao dito noon. Namili muna
kami ng kaunti-konti na paninda
na pwede ibenta sa tindahan na
tinayo sa bagong bahay namin.
“Sa kaunti-konti tao na
dumadaan sa sari-sari store namin
kung ano ang pangangailangan
nila iyon ang binibili at ibinebenta
namin sa tindahan. Hanggang
February 2009 hanggang 2010
medyo dumadami na rin ang tao
dito sa EPDRS at dumadami na
rin ang paninda namin sa sari-
sari store. Tutal wala na kami
pinapagaral na anak at binibigyan
nila kami ng allowance para sa
tindahan ay naiipon namin ang
pera,” said Halili.
“Mula 2009 hanggang 2017
lumago ng lumago ang munting
sari-sari store sa tiyaga naming
magasawa. Kung ano ang tiyaga
at sipag ni Nanay (69-year-old
Susan Halili) ay sinusundan ko
lang. Ang isang refrigerator na
ginagamit sa unang tindahan ay
naging apat na.
“Dahil sa mahal ang bilihin
ngayon ang hinahanap ng mga
costomer ay pagkain tulad ng
bigas, instant noodles at canned
goods. Humina ang benta namin
ng alak at softdrinks. Ang liquor
tulad ng Emperador Brandy ay
mabenta sa amin dahil praktikal
siya at mas mahal ang beer tulad
ng Red Horse Beer at Pale Pilsen.
Mas mura talaga ang isang bote
ng brandy ekumpara mo sa isang
bote ng Red Horse Beer kung
tama ang paguusapan natin. Ang
Red Horse Beer para makainum ka
tigiisang bote kayo. Eh magkano
ang halaga ng isang bote ng Red
Horse Beer. Sabihin natin P48
ang halaga ng isang bote ng Red
Horse Beer. Ang isang bote ng
Emperador Brandy ay P120 at
marami ka pamaiinum ikumpara
sa Red Horse Beer. Shot shot
lang kayo.
“Pero sa mahal ng bilihin
ngayon paunahin pa rin ang
pagbili ng pagkain. Ang sumunod
na binili naming para ibenta sa
sari-sari store ay school supples,
gamot, cold cuts. Chichiria/junk
food, assorted na mga biscuits,
cup cakes at Selecta Ice Cream.
“Ang gusto lang naming
magasawa ay ang pinahihirapan
namin kita ng tindahan at ang
binibigay na pera ng aming mga
anak ay maipon kasi ang pangarap
namin ay maayos na ang bahay
na ito. Ang dream talaga naming
magasawa ay maayos na ang
bahay kasi kapag mayroong
gatherings at malaki ang pamilya
ko gusto ko maayos at maganda
ang tinutuluyan nila. Pero number
one sa edad naming senior
citizens na kaming magasawa ay
ayaw naming mag alaga ng mga
apo,” Halili mused. ●