Philippine Showbiz Today Vol 13 No 23 | Page 13

Philippine Showbiz Today December 8 - 21, 2018 Jan. 22-Feb.7, 2015 Special Feature 13 Angkas: The Fastest Ride in Metro Manila by Jose K. Lirios PST Manila Correspondent e r e H comes the week- end again and along with it the daily hassle of bumper- to-bumper traffic separating you and an important date with your loved one or a couple of drinks with your high school barkada. Five or six years ago com- muters would have thrown in the towel, called it a night and headed for home. With the advent of ride- hailing applications like Uber and Grab, things are now different for the daily commuter in Metro Ma- nila. There is now a particular ser- vice available in the Metro Manila commuting scene that rides on two wheels instead of four. Ang- kas is a motorcycle-ride hailing application that helps make the daily grind of travelling around Metro Manila is faster and conve- nient for the average commuter. How safe is Angkas? All Angkas operators pass through a series of background checks, skill assessment programs and safety training. Angkas riders are equipped with helmets, hair caps, face masks and trips come with personal accident insurance. In case of inclement weather condi- tions riders will be provided with a raincoat. Angkas biker Emmanuel France, who has been working for the company for a year now, en- sures the safety of his passengers while he does his best to work hard for his family. “Kahit pagod na pagod ka na kailangan ka bumiyahe para sa pamilya mo. Kahit abutin ka ng gabi hanggang umaga ga- noon ang buhay ng mga Angkas bikers. Mapaaraw o mapaumaga nagbibiyahe ang mga Angkas bik- ers. Nagtrabaho ako dati sa Inter- national High School (IHC) bilang housekeeper at napansin ko na may mga bikers na dumadaan at mayroon silang angkas na mga estudyante na hinahatid sa IHC. Isang araw may isang biker sa parking lot at tinanong ko sa kanya kung ano ang mga require- ments para maging isang member ng Angkas. Siya na rin ang nagrefer sa akin na pumasok sa Angkas,” said France. “Ang Angkas ay motor- cycle passenger application. Nagapply ako sa kanila at sa unang try ko bagsak ako da- hil sa sobrang taas ng stan- dard nila. Isang buwan ang lumipas bago ako bumalik para magapply uli sa Angkas at salamat sa Diyos pumasa rin ako. Tinuruan kami ng ad- ministration ng Angkas ang tamang pagmamaneho ng motorcycle at maging main- gat palagi sa kalsada. Bago ka lumiko magsignal light at kapag magoovertake kailangan naka- signal light ka palagi. Nakatingin ka lagi sa side mirror at huwag ka gumilid ng husto sa bangketa o sidewalk. Importante na maging maingat ka talaga dahil kapag na- kipagunahan ka sa isang sasaky- an magiging mainit ang ulo mo sa ibang driver at doon ka ma- didisgrasya,” explained France. “Umaalis ako ng umaga at pagdating ng peak hour marami rider ang nagpapabook sa Ang- kas. Kapag hatid ko sa isang pasahero meron agad bago rider na nagpapasundo at hatid. Yung booking ng Angkas ay tuloy-tuloy at parang mga bikers namin ay kulang at ang mga pasahero ay mas marami. Sabi ng karamihan ng mga riders ko mas convenient talaga ang Angkas kay sa sumak- ay o magcommute pa sa ibang uri ng sasakyan. Ang iba ay nalelate sa trabaho at naiistress sa traffic. Kumpara mo sa mga nakasakay sa Angkas mas maaga pa sila na- kakarating sa opisina o kung saan destinasyon nila,” said France. “Noong nagumpisa ako magtrabaho sa Angkas yung first week ko hindi ako kumita ng P1,000 pesos pataas. Pero nung nasasanay na ako sa pagsundo at paghatid ng mga riders, tanghali na ay kumikita na ako ng P1,200 or P1,300. Kapag binubuo ko ang isang araw ng pasada, mula four ng umaga hanggang ten ng gabi, lumalagpas ako ng P2,000. “Pero noong November 2017 pinahinto ang operations namin ng Land Transportation and Reg- ulatory Board (LTFRB) at doon kami bumagsak ng husto. Noong nag stop operations ang Angkas parang bumagsak sa akin ang langit na wala na ako trabaho at marami ako anak na pinapakain at pinapaaral. Habang tumata- gal ang krisis ang isang anak na- min ay hindi na nakakapasok sa eskwelahan kasi wala na siyang maibaon at wala na kami pera na maibigay sa kanya panggastos sa mga gastusin at school projects,” said France. “Sumama rin ako sa Unity Ride noon, hoping na ma-legal na ang operations ng Angkas. Mad- ami kami mga bikers ang sumali sa Unity Ride at pumunta sa LT- FRB at ang nasa isip ko noon ay mabibigyan na kami dahil sa dami namin mga riders na sumali. Pero hindi kami pinagbigyan noong panahon na iyon. Halos maiyak nga ako nang sinabi ng mga tao sa LTFRB na hindi kami pinapay- agan na mag operate uli. “Bumalik rin yung Angkas noong December 2017 pero ang pangalan niya ay Angkas Padala at nagtraining uli kami at bawal na magsakay ng rider. Angkas Pada- la ay roadbike service delivery na ang Angkas Padala bikers ay mag pipickup ng item ng customer at idedeliver sa designation. Sa Ang- kas Padala dapat alagaan talaga ng Angkas biker ang item for de- livery. Meron rin mga tao na nag- papadeliver sa amin pero pa rin katulad noong magsasakay kami ng pasahero/rider na mas mara- mi. Sa Angkas Padala kumikita lang kami from P500 to P600 for a whole day’s work,” said France. “Kailangan kung gusto mo kumita ng malaki sa Angkas dapat magbiyahe at magbiyahe ka. Noong panahon pa iyon mal- akas pa yung sumasakay sa amin. Noong naguumpisa ako sa unang week sa trabaho nine rides and si- nundo at hinatid ko. Pero noong nasanay na ako sa trabaho bilang Angkas biker ay nakaka 21 or 22 Angkas riders na ako per day. Sa Angkas Padala naman wala ka ta- laga kita. Six rides or seven rides ganoon ang kalakaran ng Angkas Padala at may araw pa na dala- wang ride lang. Talagang wala na- man nagpapadala ng mga item at madalang na madalang. Siy- empre sa dami naming mga bik- ers mahirap talaga kumita at de- pende pa sa season ang delivery. “Itong nakaraang September pinayagan na ng LTFRB ang Ang- kas na magsakay ng mga pasahe- ro/riders at gumanda uli ang kita namin sa araw-araw. Kumikita uli ako tulad ng dati at yung dating P500 to P600 ay naging P1,000 to P2,000 na naman at naging maganda na ulit ang kinikita na- min. Napakalaki ang naitulong ng pagbabalik ng Angkas rider at naging maganda uli ang biyahe namin. Yung buhay namin dati ay sobrang bagsak na bagsak kasi noong Angkas Padala parang wala ako kita at sa gas lang siya napupunta,” said France. “Pero nung pwede uli kami bumiyahe at magangkas ng rid- ers ayos uli ang pagkita namin at sobra pa nga sa araw-araw ang ki- nikita namin. Nabawi na ang mga gastusin namin at nakakapagaral na yung anak ko na hindi nakata- pos sa pagaaral niya noong na- karaan. May plano na rin ako ku- muha na sarili kong motorcycle na pwede ko gamitin sa biyahe. “Hindi ko talaga makalimutan ang nangyari sa akin noon. Meron ako pasahero na nagmamadali na makauwi agad at naisakay ko siya from Bonifacio Global City (BGC) papuntang Tondo, Manila. Two ng madaling araw ko siya naisakay at grabe ang ulan noon at hindi ko Makita ang daan, ang mga butas o saan may mga humps. Grabe pa ang baha at patigil-tigil pa kami. Hindi kami makatigil ng matagal dahil kailangan talaga siya makauwi at may sakit ang anak niya. Masaya naman siya na makauwi sa takdang oras,” said France. “Priority talaga namin na mai- hatid ang pasahero destinasyon niya. Kahit diyes na oras kailangan maihatid namin siya. Kahit umuu- lan ng malakas o anuman, once na tinanggap namin ang booking ihahatid namin ang rider. “Safe at ligtas ang Angkas dahil lahat ng mga bikers namin ay dumaan sa training na maayos at hindi sila basta bigla na lang tinanggap diyan. Sa Angkas kahit ilan taon ka na nagdadrive o nag- mamaneho ng motorcycle, kapag hindi ka pumasa sa standards nila hindi ka tatanggapin maging Ang- kas biker. Hindi totoo ang sinasa- bi ng mga kritiko na unsafe kami at accident-prone ang motorcycle ride,” said France. “Kasi nasa motorcycle driver talaga iyan kaya hindi kumukuja ng Angkas ng hindi marunong sa kalsada at pag hindi talaga marun- ong pumasada sa kalsada ang driver hindi nila tinatanggap. “Natuto ko sa Angkas kung paano maging maingat at ligtas sa kalsada at tsaka magsikap sa buhay. Gusto ko lang ma-maintain ang gani- tong buhay, ang hindi nagu- gutom at nangangapa kung saan ka matutulog. Magmula ng pagkabata ko naranasan ko ang hirap sa buhay kaya ngayon ayoko na mangyari iyon sa mga anak ko. Ayoko na mangyari sa kanila ang nara- nasan ko dati,” said France. ●