Philippine Showbiz Today Vol 13 No 20 | Page 25

October 22 - November 7, 2018 Philippine Showbiz Today 25 Y O U R W E E K LY H O R O S C O P E Libra (Sept. 23 – Oct. 22) Eh ano ngayon kung may mga oras na gusto mo lang sa bahay kasama ang mga mahal mo sa buhay? Anuman ang sabihin ng iba, walang makakapalit sa kaligayahan mo at ng pamilya mo. Matuto kang tumanggi lalo na kung ayaw mong talaga. OK ang ika-19, 20, 29 at 30. Kuwidaw sa ika-16, 21, 22 at 23. Aries (March 21 – April 19) Puro ka reklamo dahil palaging parang wala kang oras magpahinga. Samantalahin mo ang buwenas sa hanapbuhay dahil panapanahon lang iyan. Dapat kang matuwa dahil importanteng mga tao ang makakapansin na mahusay ang trabaho mo. OK ang ika-16, 24 at 25. Alalay ka sa ika- 21, 22, 23, 29 at 30. Scorpio (Oct. 23 – Nov. 21) Bigyan mo ng oras na ipaliwanag at sabihin ang totoong nangyari. Huwag mong pabayaan na manghula sila kung ano ba ang totoo. Sa ganyan nagsisimula ang tsismis o hindi pagkakaunawaan. Pati pangalan mo at reputasyon ay madadamay. Ayaw mo iyon. OK mo ang ika-21, 22, 23 at 31. Ingat sa ika-17, 18, 24 at 25. Taurus (April 20 – May 20) Walang mauuna sa iyo pagdating sa pag-aabang sa magandang oportunidad. Kung puwede, huwag mong pakawalan ang offer sa iyo na bumiyahe, magtrabaho o makapag-aral sa ibang lugar. Abangan mo rin, baka may magbibigay sa iyo ng bagong trabaho. OK ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-11, 12, 24, 25 at 31. Sagittarius (Nov. 22 – Dec. 21) May magnet ka yata sa mga nakakadudang negosyante. Maraming nag- aaya sa iyong maglagay ng puhunan sa negosyo na alam mo namang hindi uunlad. Huwag kang papatol kahit na malapit mong kaibigan ang lalapit sa iyo. Hindi ka namumulot ng pera. OK ang ika-16, 24 at 25. May tension sa ika-19, 20, 26 at 27. Gemini (May 21 – June 20) Minsan ay nagdududa ka kung tama ba ang ginagawa mo lalo na sa pagtulong mo sa isang kaibigan na para bang lagi na lamang humihingi ng tulong sa iyo at sa iba. May kutob kang parang nanggagamit lang siya. Pakinggan mo ang kutob mo. Baka inaabuso ka na. OK ang ika-19, 20, 29 at 30. Ingat sa ika-26 at 27. Capricorn (Dec. 22 – Jan. 19) Bakit nauubos ang oras mo sa mga gawaing hindi importante para sa buhay mo? Simpleng gawain tulad ng paglilinis ngbahay, closet o pag-aayos ng iyong mga papeles ay parang napakahirap para sa iyo. Bakit kaya? Pag-isipan mo ito. Good days ang ika-17, 18, 26 at 27. May tensyon sa ika-16, 21, 22, 23, 29 at 30. Cancer (June 21 – July 22) Importante ang katahimikan ng isip. Kapag kulang ng tulog ang isang tao, apektado ang pisikal na katawan at pati na rin ang emosyon. Pilitin mong makatulog ng tama, malalayo ka sa sakit at maiiwasan mo rin ang mga desisyon na maaaring pagsisihan mo. Mag-relax. OK sa ika-21, 22, 23 at 31. Ingat sa ika-16, 29 at 30. Aquarius (Jan. 20 – Feb. 18) Sana ay hanapin mo ang balanse sa buhay mo. Pag-aralan mo kung ano ang dapat na tahaking landas para umunlad ka. Isa-isahin mo ang mga nakaraang kabiguan at tagumpay. Mas makikita mo kung ano ang kahinaan o lakas mo. Kalusugan ang pinakamahalaga. OK sa ika-19, 20, 29 at 30. Ingat sa ika-24, 25 at 31. Leo (July 23 – Aug. 22) Hindi lahat ay kaya mong ma-control. Tulad ng hindi inaasahang pagkasira ng computer, kotse, bahay o anumang importanteng gamit mo sa negosyo o hanapbuhay. Iwasan mong ma-stress dahil lalo lang lalala ang problema mo. Ipagawa mo o palitan mo na. Ayos sa ika-16, 24 at 25. Ingat sa ika-17, 18 at 31. Pisces (Feb. 19 – March 20) Marami kang bagong kaibigan ngayon. OK lang kung mahilig kang makipagsosyalan. Pero problema ito kung nais mo ng isang pribado at tahimik na buhay. Gawan mo na lang ng paraan para huwag ka nilang asahang laging kasama sa lahat ng lakaran. OK ang ika-21, 22, 23 at 31. Ingat sa ika-19, 20, 26 at 27. Virgo (Aug. 23 – Sept. 22) Maayos ang pasok ng pera para sa iyo. Magaan ang pakiramdam mo at handang-handa ka ngayon sa anumang pagsubok. Huwag mo lang pabayaan ang obligasyon mo sa mga bata sa pamilya. Bigyan mo sila ng mas maraming oras. Ipadama mo ang pagmamahal. OK ang ika-17, 18, 26 at 27. Ingat sa ika-19 at 30. ● - G.G.