Philippine Showbiz Today Vol 13 No 02 | Page 11

Jan . 22-Feb . 7 , 2015 11
January 22 - February 7 , 2018
Philippine Showbiz Today

Jan . 22-Feb . 7 , 2015 11

Special Feature

Pancit Malabon will add years to your life

henever there are special

Woccasions , like birthdays , fiestas and weddings , all-time favorite food like lechon baboy , kare-kare and pancit malabon are always served to the guests .

“ When I graduated from college , wala pa ako makuha trabaho noon . So ako ang runner at pumupunta sa palengke para bumili ng mga ingredients para sa karenderia namin . Nung tinayo ng tiyahin ko yung Nanay ’ s Pancit Malabon , ako rin nakasama niya kasi wala pa rin ako trabaho noon . So through the years na hindi ako nakapasok at hindi nakapaghanap ng trabaho , nandito ako everyday sa pancitan namin and I learned to love the craft of making pancit malabon ,” said Bernardita Cruz , General Manager of Nanay ’ s Pancit Malabon .
When asked why their valued customers still troop to their humble panciteria , Bernardita explained that “ siguro kaya palagi binabalikan ng mga suki ang pancit malabon na linuluto namin ay timplado na yung kalamansi , patis at ready to eat na . Hindi tulad ng mga ibang pancit na ibinebeta na ikaw pa ang magtitimpla pa . Ready to eat siya talaga . Ang pinaka nagustuhan ng suki namin ay ang pagka mix lahat ng mga recados ng pancit malabon namin at yung price namin na hindi masyado mahal . Kung baga pang masa yung presyo ng Nanay ’ s pancit malabon .”
“ Pansinin mo ang pancit malabon at makikita mo na kumpletong pagkain iyan . Kumpletong pagkain iyan kasi yung rice noodles ay carbohydrates , tapos mayroon siyang egg na protein , ang pork , ang shrimp at ang gulay or veggies . Iyan ang mga sangkap ng pancit malabon . Para kang kumain ng isang meal kapag kumain ka ng pancit malabon kaya gustonggusto kainin ng mga Pinoy ito ,” explained Bernardita .
“ Ang pancit malabon ay palaging kasama sa mga handaan ng Pinoy kaya ako ay natutuwa na naging hanap buhay namin ito . Kaya lagi ko sinasabi na ang tao kapag maghahanda sasabihin niya na samahan natin ng pancit malabon kahit marami siyang handang pagkain sa menu . Samahan natin ng pancit malabon kasi mainam na may handa tayong pancit . Kapag budget mo ay maliit , bumili ka na lang ng pancit para kompleto kasi ang katapat lang ng pancit ay tinapay o kaya puto at soft drinks . Ibig sabihin ko ay sa mga nagbubudget at hindi nagbubudget palagi kasama ang pancit sa handaan .
“ Hindi kami nagdedeliver ng pancit sa mga bahay o opisina at ang mga customer namin ay talagang pumupunta at dumadayo dito sa aming tindahan para bumili
by Jose K . Lirios PST Manila Correspondent
ng pancit malabon na linuluto namin . Kasi hindi pa namin kaya magpadeliver at wala kami gaanong tao dito sa tindahan . Ika nga kami ang naghihintay ng mga customer na pumunta dito .
“ Yung mga kasama ko na nagtratrabaho dito sa pancitan ay nagtatagal dito sa amin kasi ang kinukuha ko ay tiga dito rin sa paligid namin . Wala sila masyado magastusan tulad ng gastos ng transportation na papunta dito sa pancitan kasi malapit lang sila dito sa pinagtratrabaho nila . Kapag kailangan nila pumunta dito ng maaga siguradong makakapunta sila , kung kailangan mag overtime at umuwi sa kanilang bahay ng late , pwede pa rin . Siyempre gusto rin namin na yung industria ng pancit malabon ay umangat at kasama ng pagangat ng industria ay ang employment ,” said Bernardita .
“ Bukod sa pancit malabon may tindang rin kaming ibang pagkain tulad ng pang lunch .
Everyday mayroon kaming fresh lumpiang ubod , kikiam , at mga kakanin na pang dessert .
“ Ang sabi ng tiyahin ko , kung hindi natin kaya na mag tayo ng isa o dalawa pang branch ng Nanay ’ s Pancit Malabon ay huwag na . Kasi itong isang tindahan natin ay dapat nakatutok ka dito . Kasi kung magtatayo ka pa ng ibang branch ng Nanay ’ s Pancit Malabon , sino pa ang magaalaga ng branch na iyon . Kaunti naman tayo sa pamilya at hindi mo pwede ipagkatiwala sa ibang tao na hindi mo kilala . Kasi ang pagmamahal ng ibang tao sa trabaho o business ay hindi tulad ng pagmamahal ng kasama sa pamilya ,” explained Bernardita .
“ Ang talagang iniisip ko ay dapat may sumuunod sa akin at naumpisahan na namin ito . Nakaka 30 years na kami at hindi biro ang naka 30 years sa hanap buhay . Kaya gusto namin ay may sumunod sa yapak ko at gusto ko talaga na may sumunod sa akin . Masaya talaga ako dito sa pancitan namin . Ganoon talaga , kung saan ka masaya at maligaya doon ka pumunta at manatili . Through the years na tumatagal ang Nanay ’ s Pancit Malabon , ito na nga ang aking graduate school kasi dito ako maraming natutunan . Ang ibig kong sabihin ay natutunan ko makipagusap ng mabuti sa customer , pagkikipagtungo sa mga supplier . Ika nga ang mga academics matutunan mo sa school pero ang experience matutunan mo dito sa negosyo o trabaho . Ang payo ko sa mga gustong magumpisa sa isang business tulad ng pancitan , ang una dapat meron ka ay may puso ka sa ginagawa mo . Kasi pag nandoon ang puso nandoon na rin ang tiyaga at sipag sa ginagawa mo , ” said Bernardita . ●