Philippine Showbiz Today Vol 12 No1 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
January 8 - 21 , 2017

Philippine Showbiz Today 25

14 . Payag 17 . Pangatnig 19 . Lutong-bigas 21 . Bugtong 22 . Lundag 23 . Silong 28 . Saka 30 . Bansa sa Middle
East 31 . Yeso 35 . Los Angeles 36 . Buti 37 . Supling 39 . Higaan 40 . Uri ng isda
9 . Akyat 15 . Bukas ang ilaw 16 . Kataga 18 . Tiklop 20 . Naknak 22 . Letra 24 . Simbolo ng bismuth 25 . Simbolo ng argon 26 . Antala 27 . Wari
29 . Lagay 32 . Nanay 33 . Uncle ng Kano 34 . Magulang na lalaki 37 . Asawa ni Gelli de Belen , inisyal 38 . Katagang pag-ugnay ●
Solution on PAGE 24
PAHALANG : 1 . Abyador 6 . Dusing 10 . Hablot 11 . Hanay 12 . Pang-ukol 13 . Hatid
PABABA : 1 . Takip sa butas 2 . Lugod 3 . Tulad ng No . 35 4 . Sabi ng nagdududa 5 . Yunit ng timbang 6 . Barkilyos 7 . Libo 8 . Pagbating Kastila

Y O U R W E E K L Y

Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Buwenas ang bagong taon para sa iyo . Gugulatin ka ng mga darating na buwan dahil magiging maayos ang takbo ng buhay . Romansa , negosyo , kalusugan , pamilya – lahat ay tatakbo ng ayon sa nais mo . Matuto ka lang sanang kumilatis sa mga lalapit sa iyo . OK ang ika-7 , 8 at 15 . Stressful ka sa ika-5 , 6 , 11 at 12 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Wala kang dapat asahang ibang tao kung nais mong magtagumpay . Ikaw ang may hawak ng susi ng iyong bukas . Buwenas ang bagong taon at sa kamay mo nakalagay ang mga baraha mong lalaruin . Patahimikin mo muna ang iyong puso at isip bago ka magdesisyon . OK sa ika-1 , 9 at 10 . Ingat sa ika-7 , 8 , 13 at 14 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Ang kakampi mo ? Sarili mo . Ang kalaban mo ? Sarili mo rin . Maayos ang takbo ng buhay pero may panganib na mapasama dahil sa kawalan mo ng pasensya . Madali kang mainip . Tandaan mo , walang nagtatagal lalo na kung sa madalian ito nakuha . OK ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Ingat ka sa ika-9 , 10 at 15 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Bantayan mo ang iyong kalusugan sa buwan na ito . Iwasan mo ang magalit dahil puso mo ang pinapahirapan mo . Kailangan mong umupo at tumayo nang deretso ang likod dahil iyan ang magpapahirap sa iyo pagdating ng araw . Alagaan mo ang puso mo . OK ang ika-5 , 6 , 13 at 14 . Alalay ka sa ika-11 at 12 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Huwag kang pipirma ng anumang kontrata o legal na kasulatan sa buwan na ito . Masaya at magaan ang pera para sa iyo ngayong Enero pero hindi mo puwedeng ipang-shopping o gastahin para sa luho . Ipunin mo ang sobrang pera dahil kakailanganin mo ito . Lucky ang ika-7 , 8 at 15 . Ingat ka sa ika-1 , 7 , 8 , 13 at 14 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Alamin mo sa mga propesyonal kung paano mo malilinis ang iyong utak at damdamin . Hindi ka ba nababahala ? Masaya ang nagdaang kapaskuhan pero bakit malungkot ka ? Kadalasan ay may gamot para sa nararamdaman mo . Huwag mo nang palalain pa . OK ang ika-1 , 9 at 10 . Kuwidaw ka sa ika-2 , 3 at 15 .

H O R O S C O P E

Cancer ( June 21 – July 22 )
Sa oras na maramdaman mong pagod ka , magpahinga ka agad . Minsan ay sintomas ng sakit ang pagod ka palagi . Mag-focus ka sa mahalaga at huwag mong bigyan ng atensyon ang walang kuwenta . Kulang ang oras ; gamitin mo nang maayos at nang sumaya ka . OK ka sa ika-2 , 3 , 11 at 12 . Stressful ka sa ika-5 at 6 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Alam siguro ng mga nakapaligid sa iyo na hindi ka mahirap hiraman ng pera . Napansin mo bang marami sa kanila ang dumadaing sa iyo ? Dapat ay nakikita mo ang motibo . Marami sa kanila ang hindi naman totoong nangangailangan . Matuto kang magsabi ng “ hindi .” OK ka sa ika-5 , 6 , 13 at 14 . Bantay ka sa ika-1 , 7 at 8 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Ibaling mo ang atensyon sa iba at mararamdaman mong gagaan ang iyong pasanin . Minsan kung laging sarili mo lang ang naiisip mo , pakiramdam mo ’ y tila pasan mo ang problema ng mundo . May mga kasama kang mas matindi ang dalahin pero hindi ito halata . OK ang ika-7 , 8 at 15 . Alalay ka sa ika-2 , 3 , 9 at 10 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Ang kabiguan sa pag-ibig ay nagiging dahilan din ng sakit , hindi lamang sa emosyon kundi maging sa pisikal na katawan . Wala kang magagawa kung ayaw na niya sa iyo . Nataon pang bagong taon . Makakabangon ka rin sa kalungkutan , asahan mo . OK ang ika-1 , 9 at 10 . Ingat ka sa ika-5 , 6 , 11 at 12 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Kung pakiramdam mo ’ y nawala ang balanse mo sa isip at katawan nitong mga nakaraang buwan , pilitin mong ibalik dahil magiging mabagal ang takbo ng negosyo at pati personal mong buhay . Iwasan mong maging kalat-kalat ang iyong isip . Lucky days mo ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Bantay ka sa ika-1 , 7 , 8 , 13 at 14 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Ngayon na ang panahon upang baguhin ang mga dapat palitan sa buhay mo . Walang mangyayari kung ipagpapabukas mo na naman dahil malamang ay hindi mo na ito gawin . Ikaw ang nagdurusa at hindi sila . Kung OK lang sa iyo , bahala ka . Masaya ang ika-5 , 6 , 13 at 14 . Kuwidaw ka sa ika-2 , 3 , 9 , 10 at 15 . ●
- G . G .