Philippine Showbiz Today Vol 12 No 6 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
March 22 - April 7 , 2017

Philippine Showbiz Today 25

12 . Una sa oras 13 . Titulo ng dalaga ( daglat ) 14 . Kagat ‘ pag inulit 15 . Uri ng sandata 16 . Ilista 17 . Sidhi ‘ pag inulit 18 . Uri ng damo 24 . Si Malakas kung sa mitong Pilipino 25 . Simbolo ng Protactinium 27 . Uri ng bato 31 . Tatak ng radyo 32 . 3.14 35 . Bangka ng Eskimo 37 . Jack sa baraha 38 . Talumpati ng presidente
8 . Amba 10 . Maluwag na kalye 16 . Iakyat 19 . Balat ng palay 21 . Istorbohin 22 . Hanapbuhay
23 . Daluyan ng tubig 26 . Lalawigan sa Region VI 27 . Likidong panggatong 28 . Himno 30 . Bubutas 36 . ‘ A ’ sa ASAP ●
Solution on PAGE 20
PAHALANG : 1 . Numero 5 . Sandata ng katutubo 9 . Karnabal 11 . Edema
PABABA : 1 . Ensayo sa boksing 2 . Lokal ng banda 3 . Tingnan ng masama 4 . Apelyidong Intsik 5 . Umbok sa balat 6 . Tanga ( pinaikli ) 7 . Naaliw

Y O U R W E E K L Y

Aries ( March 21 – April 19 )
Mag-ingat ka . Hindi lamang sa kilos kundi sa mga bibitawan mong salita . Walang tiyak sa buhay . Lalo na sa pakikisalamuha sa iba , may araw na mabait sila sa iyo , pero may araw naman na halos apak-apakan ka . Huwag kang magpapabaya sa anumang gagawin mo , OK ang ika-18 , 19 at 28 . Ingat sa ika-21 at 22 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
May mga bagay na hindi mo dapat ipagmalaki lalo na kung hindi pa nangyayari . Manahimik ka muna . Baka pag naikuwento mo sa iba ay masulot pa ang proyekto sa iyo . Saka mo na sabihin kapag nasa mga kamay mo na at hindi na puwedeng agawin sa iyo . OK ang ika-21 , 22 at 30 . Ingat sa ika-16 , 17 , 23 at 24 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Kung nakakarinig ka ng mga puna sa iyo o sa mahal mo , magtengang kawali ka na lang . Walang punto ang pagpatol mo dahil alam mo nang may mga tao na hindi ka gusto . Ayaw nilang makitang nagtatagumpay ka . Iwasan mo sila habang maaga pa . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-18 , 19 , 25 at 26 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Sa kabuuan , buwenas ang Marso para sa iyo . May mga maliligaw na pang-inis pero kaunti lang sila at kaya mong barahin . Talasan mo ang iyong mga mata at tenga dahil may darating na oportunidad pero maraming kompetisyon . Dahil buwenas ka , baka mapasaiyo . OK sa ika-16 , 17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-21 , 22 at 28 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Hangga ’ t maiiwasan mo , huwag kang papasok sa negosyong masyadong malaki ang pangakong tutubuin ng puhunan mo . Kailangan ay gamitin mo ang iyong common sense na imposible ang inilalahad nila sa iyo . Huwag ka sanang mabulag sa pangako nila . OK sa ika-18 , 19 at 28 . Ingat sa ika-16 , 17 , 23 , 24 at 30 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Alam mong maraming nagkakasira – pamilya man o magkaibigan – nang dahil sa pera . Kung may gusto kang salihan na negosyo , ikaw na lang muna . Kapag napatunayan mo nang matibay ang pundasyon , saka mo sila isama . Huwag kang magdamay sa umpisa . OK ang ika-21 , 22 at 30 . Ingat sa ika-18 , 19 , 25 at 26 .

H O R O S C O P E

Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Bantayan mo ang iyong harap , tagiliran at likod . May mga nakapaligid sa iyo na hindi mo dapat pagtiwalaan . Lalo na ngayong may linaw na ang balak mong pasuking negosyo o trabaho . Kahit sa romansa , may nagbabalak na sirain ang relasyon mo . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-21 , 22 at 28 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Mabilis kang maghanap ng pagkakamali kapag may nangyayaring taliwas sa inaasahan mo . Pero alam mo naman na walang kabutihang idudulot ang pananakit mo ng damdamin lalo na ’ t kung kasama mo araw-araw ang apektado . Sana ’ y isara mo ang iyong bibig . OK ang ika-16 , 17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-23 , 24 at 30 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Matagal ka nang walang minamahal at wala ring nagmamahal sa iyo nang tulad ng nakaraan mong relasyon . Oras na para magmove on ka . Hindi mo na siya maibabalik sa buhay mo dahil noon pa ma ’ y nag-move on na siya . Ibukas mo na ang puso mo . OK ang ika-18 , 19 at 28 . May tension sa ika-25 at 26 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Hindi ka palengkero / palengkera . Pinalaki kang may magandang asal . Galit ka . Pero , susugurin mo ba siya ? Huwag ! Isang maling kilos at ang buong reputasyon mo ang malalagay sa sangkalan . Magbakasyon ka muna . Lumayo ka sa kanila . Mahalin mo ang sarili mo . OK sa ika-21 , 22 at 30 . May tensyon sa ika-28 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Kailangan mo nang focus at balanse sa buhay . Para sa ngayon at kinabukasan , hindi uubrang ipagpasa-bukas dahil baka maubos ang iyong panahon at maging huli na ang lahat . Ang oras ay ginto . Huwag mong sayangin . Iwasan mo ang mga nagpapabigat sa buhay mo . OK sa ika-23 at 24 . Careful sa ika-16 , 17 at 30 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
May matatanggap kang balita na ikakagulat mo . Abangan mo ito at planuhin mo ang karapatdapat na reaksyon . Naghihintay lang ang ibang tao na makitang matataranta ka , huwag mo silang bigyan ng kasiyahan . Laruin mo nang maayos ang mga baraha mo . OK ang ika-16 , 17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-18 at 19 . ●
- G . G .