Philippine Showbiz Today Vol 12 No 5 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
March 8 - 21 , 2017

Philippine Showbiz Today 25

13 . Simbolo ng Methyl 14 . Wala sa ayos 17 . Simbolo ng Tellerium 18 . Philippine News Academy 20 . Pub 21 . Tawag sa guro 22 . Ahas 25 . ‘ A ’ sa ASAP 27 . Ipalamon 30 . Tagapangasiwa ng mundo 32 . Titulo ng mayaman 33 . Likido sa gasera 35 . Lugar sa aklat ng Genesis 36 . Uri ng bulaklak 38 . “ Love of ... Life ” - Queen 39 . Tatak ng relo 41 . Walang saplot 43 . Puwang o pagitan 44 . Karne
7 . Simbolo ng Lithium 8 . Alpabetong Griyego 9 . Pangitain 11 . Ilahas 15 . Mapagsamantala 16 . Uri ng isda 19 . Simbolo ng Gold 21 . Miligramo 23 . Yugto ng karera 24 . National Bureau of
Investigation
27 . Buwan ng Jupiter 28 . Tawagan sa kulungan 29 . Alpabeto 31 . Sentro ng solar system 34 . Asta 36 . Palayaw ni Ronald 37 . Palayaw ni Sharon 40 . Talak ‘ pag inulit 42 . University of Manila ●
Solution on PAGE 20
PAHALANG : 1 . Bilis o bagal ng tunog 5 . Bahagyang tulog 10 . Highway 54 12 . Christian ....
PABABA : 1 . Init o lamig 2 . Paraiso 3 . Manuscript 4 . Tunog ng sampal 5 . Pamuksa ng peste

Y O U R W E E K L Y

Aries ( March 21 – April 19 )
Halo-halo ang mga karanasan na darating sa buhay mo sa buwan ng Marso . May masaya , malungkot at nakakainis . Nasa sa iyo na kung paano mo dadalhin ang mga ito . Buti na lang , malakas at malusog ka , at madali kang maka-recover anuman ang dumating sa iyo . OK ang ika-1 , 9 at 10 . Alalay sa ika-6 , 7 , 13 at 14 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
May mga araw na hindi mo tiyak kung ano ang mangyayari kahit na matagal mo nang napagplanuhan ang mga iyon . Alam mo ang mga posibleng kalalabasan kaya dapat ay handa na ang kalooban mo . Huwag kang mag-alala . Makalampas lang ang Marso , OK ka na . Ayos ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Ingat ka sa ika-9 at 10 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
May mga oras na nagiging “ bossy ” ka kahit wala kang instensyon na gawin iyon . Dahil dito , may mga kasama ka sa trabaho o sa organisasyon ( na kasali ka ) na umiiwas na sa iyo . Kung may napapansin kang parang kakaiba sa ugali nila , iyon ang dahilan . OK ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Kuwidaw ka sa ika-11 at 12 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Parang sa pagbabago ng klima , gayon din ang emosyon mo . May oras na malungkot ka pero may mga oras naman na ang saya saya mo . Pag-aralan mong kontrolin ang taas-baba ng emosyon dahil nahihirapang makisama sa iyo ang mga mahal mo sa buhay . Maayos ka sa ika-6 at 7 . Stressful sa iyo ang ika-1 , 3 at 14 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Kahit matagal nang nakaplano ang biyahe mo sa unang kalahatian ng taon , posibleng magkaroon ng pangyayaring makakapigil sa biyahe . Huwag mong piliting makaalis dahil baka pagsisihan mo ito . Alalahanin mong ang pagsisisi ay laging nasa huli . OK ka sa ika-1 , 9 at 10 . Bantay sa ika-2 at 3 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Mukhang may linaw na ang inaasahan mong pera mula sa trabaho o sa pamilya mo . Alagaan mo kung paano mo ito ilalaan para sa mas mahahalagang gastusin at para sa mga oras na mahina ang kita mo . Napakadaling maubos ng pera lalo na sa panahong ito . Suwerte ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Alalay sa ika-4 at 5 .

H O R O S C O P E

Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Hangga ’ t maaari ay umiiwas ka sa gulo o sa mga intrigang sangkot ang mga kaibigan mo . Tama iyon . Pero may darating na problema ang isang tao na malapit sa iyo at mapipilitan kang magpahayag ng iyong opinion . Pag-aralan mo muna bago ka magbitiw ng salita . OK ang ika-4 , 5 , 13 at 14 . Ingat sa ika-1 , 6 at 7 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Pilitin mong isara ang bibig mo kahit na gustong-gusto mo nang makialam . May mga bagay-bagay na hindi mo pa alam at malalagay ka lang sa hindi maayos na posisyon kung sasali ka ngayon . Pakinggan mo muna ang kabilang panig . Baka magulat ka . Lucky days mo ang ika-6 at 7 . Bantay ka sa ika-2 , 3 , 9 at 10 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Napakaraming imbitasyon . Pupuntahan mo ba lahat ? Sapat ba ang pera mo ? Alam mong kasabay ng good time ay gastos . Isakripisyo mo muna ang mga party at paglabas-labas . Pag-ipunan mo ang darating na pangangailangan ng pamilya mo . Mas importante sila . OK ang ika-1 , 9 at 10 . Ingat sa ika-4 , 5 , 11 at 12 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Tao o man o makina , dumarating ang oras na masisira ang mga ito . May masisira sa mga gamit ninyo sa bahay at makakaapekto iyon sa budget ng pamilya . Huwag mong sisihin ang mga kasambahay , normal lang na masira ang mga lumang gamit . Good ang ika-2 , 3 , 11 at 12 . Stressful ka sa ika-1 , 6 , 7 , 13 at 14 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Mag-ingat ka sa paglabas-labas . Iwasan mong magmadali , di bale nang ma-late ka kaysa maaksidente ka . Sa pakikipag-usap , lalo na sa mga bago mo pa lang nakikilala , iwasan mong magbigay ng personal na impormasyon . Hindi ka pa nakakasiguro sa kaniya . OK sa ika-4 , 5 , 13 at 14 . Ingat sa ika-2 , 3 , 9 at 10 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Bantayan mo kung saan mo ginagasta ang pera mo . Magaan nga ang dating ng pera sa iyo ngayon pero sa pagpasok ng Marso , baka maging mabagal ang dating ng pera sa iyo . Palagi mong ibukas ang mga mata at tenga mo . Hindi lahat ng kaibigan mo ’ y tapat sa iyo . OK ang ika-6 at 7 . Ingat ka sa ika-4 , 5 , 11 at 12 . ●