Philippine Showbiz Today Vol 12 No 23 | Page 13

December 8 - 21 , 2017 Jan . 22-Feb . 7 , 2015 Philippine Showbiz Today 13

December 8 - 21 , 2017 Jan . 22-Feb . 7 , 2015 Philippine Showbiz Today 13

Special Feature

Pigs on the wing : Lechon – the all-time favourite of special occasions

Whenever Pinoys celebrate special occasions , like weddings , birthdays and Christmas reunions , all-time favorite food like lechon , pancit and kare-kare is always served .

“ Alam mo , napakasarap ang mag lechon kasi ang pakiramdam ko rin ay may nagagawa ako para sa mga Pilipino . Hindi ko lang hanap buhay ito kung hindi ipinagpatuloy ko ang tigagisnan kultura ng bawat Pilipino ng magkaroon ng simbolo ng kanilang pagkatao ,” said Ramon Ferreros , owner of Monchie ’ s Lechon of La Loma , Quezon City .
When asked about the history of lechon in La Loma , Ferreros explained that “ ang lechon sa La Loma ay nagsimula nung early 1950s daw ayon sa mga tinanong kong mga matatanda na lumaki dito . Pero tinanong ko rin ang mga ibang matatanda na hindi lahi ng mga unang nag lechon at ang sagot nila ay may mga nag lelechon sa harap ng sabungan ng La Loma . Nakita daw nila ito nung mga early 1940s pa .”
“ Ang lugar ng La Loma ay very strategic kasi nakasentro kami sa buong Metro Manila at nga karatig na bayan . Kasi ang mga karatig na bayan na iyan kahit malayo ang mga iyan , nagpupunta pa sila dito sa La Loma . Ang dahilan ay ang La Loma kasi ay lechon market . Kapag sinabi lechon market , tama ang presyo kasi may competition . Market nga eh , marami puwesto dito ang nagtitinda ng lechon . Siyempre pasarapan ng pagluluto ng lechon at pamurahan ng presyo .
“ Ito ang nakakatuwa sa La Loma kasi sa mga araw ng Sabado at Linggo , makikita mo sa bawat puwesto ng nagtitinda ng lechon , akala mo parang may bakod ng lechon ang nakasandal sa mga tindahan sa dami nila . Pagdating ng December 31 , halos walang espasyo ang harapan ng bawat tindahan dito . Halos tatlong kalye dito sa La Loma puro nakabakod ay lechon . Alam mo ba lahat iyan ay uubusin ng kada pamilya na nagseselebrate ng Bagong Taon ,” explained Ferreros .
“ Ang mga baboy na white breed ay binibili namin sa mga piggery farms . Ang mga runts or mga bansot na baboy , iyan ang mga linuluto ng mga litsunan dito sa La Loma . Masarap naman ang mga white breed na ito , kaya lang ang puting baboy pagkaraan ng apat o limang oras ay kumukunat ang balat at hindi na krispy . Pero ang karne nito ay perfect kasi napakanipis ng layer ng taba ,” said Ferreros .
When asked when and how he got into the business of roasting succulent pigs , Ferreros explained that , “ meron na ang nanguna sa amin na lechonan dito sa La Loma , ang Mang Tomas , nung early 1950s . Ang Monchie ’ s Lechon ay tinayo nung 1960s at ang mga iba namin mga kapit bahay ay nagtayo rin ng mga lechonan nung 1970s . Hanggang nag boom ang agribusiness at ang hanap buhay ng pag lelechon dito sa La Loma .”
How about the native breed of pigs ? Do they also roast them at La Loma and sell them to pig lovers ? What is the difference of the native swine from the socalled white pigs bred in piggery farms scattered in Bulacan and Pampanga ? by Jose K . Lirios PST Manila Correspondent
“ Ang mga native na baboy na linuluto namin ay galing pa sa Quezon province . Ang the best quality ng native na baboy ay dapat hindi kita sa likod ang spinal column niya . Ika nga , hindi dapat nakaalsa sa likod niya ang mga buto . Kapag nakaalsa ang mga buto sa likod ng baboy , ibig sabihin payat ang baboy na iyon ,” explained Ferreros .
“ Habang nagkakaisip ako noon , nakita ko ang hanap buhay ng paglelechon sa La Loma at ang nakita ko ay ang hanap buhay na ito ay napakaganda . Ang kurso ko sa college noon ay BS Psychology sa Far Eastern University ( FEU ). Pero nung makita ko ang hanap buhay ng paglelechon sa La Loma , maliit pa ako noon ay pinangarap ko na balang araw gusto ko gawin na Lechon Capital ng Pilipinas ang La Loma . Bata pa ako ay iniisip ko iyan kasi nga pinanganak ako dito sa La Loma . Siyempre ang pagmamalasakit at pagmamahal ko sa lugar na ito ay nandoon at buongbuo .
“ Bilang maglelechon nung unang araw ang kinakatay ko na baboy ay lima o sampu sa isang araw . Pero ang naisip ko noon , kapag lima lang na baboy ang
kinatay ko hindi ka mapapansin kasi lima lang na baboy ang naka display sa labas ng tindahan . Kapag nakabenta ka ng dalawang lechon tatlo na lang ang matitira na naka display sa labas ng tindahan . Ang mga kalaban mo na malalaking lechonan , 25 baboy ang nakadisplay sa labas ng tindahan nila . Tapos kapag nabenta ang lahat na iyan magpapakatay naman ng baboy . Ang naisip ko ngayon ay ang negosyo talaga , lalo na kung ang binebenta mo ay naka display , visibility counts . Kaya ang kinakatay ko ngayon ay 25 baboy sa simpleng araw at 50 sa weekends ,” said Ferreros .
“ Ang lechonan kaya nag succeed at ang maglelechon ay nagtagumpay ay dahil sa mga option . Halimbawa nagkatay ako ng 25 baboy at ang nabenta kong lechon na baboy ay lima , alam mo ba na may second approach itong hanap buhay na ito . Ito ang tinatawag na pangalawang pamamaraan . Kapag sinabi na paksiw na lechon binibili sa La Loma iyan . Ang natira naming lechon nung araw na ito , kapag linagay
namin sa freezer , binebenta namin iyon na frozen lechon
“ Kaya lang itong pagbenta namin ng frozen lechon ay walang kita at break even na lang . Ang point kasi ng second approach ay kinakailangan maging pera na iyan at bumalik sa amin ang kita . Kasi ang logic talaga ng agribusiness sa lechonan ay makapagbenta kami ng lechon . At ang tubo namin ay ang lamang loob ng baboy . Lahat ng small intestine dito sa La Loma ay kinukuha ng mga tiga Lucban , Quezon para gamitin sa ginagawa nilang Lucban longganisa .
“ At kapag tinanggal namin ang small intestine , ang natitira nito ay ginagawa namin na chicharon bulaklak . At ang natitira pa dito ay ginagawa pa namin na chicharon bituka . Ang mga ito kapag binenta namin sa mga palengke , yung halaga na kinita namin ang nag-ooffset ng mga ginastos namin sa charcoal , sa pasahod ng tauhan , sa kuryente , sa tubig . Iyan ang nag-ooffset ,” said Ferreros . ●