Philippine Showbiz Today Vol 12 No 18 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
September 22 - October 7 , 2017
12 . Nota 13 . Pangalan 14 . Sakit sa balat 17 . Tawag sa sorang arte 19 . Puga 21 . Pirma 22 . Testigo 23 . Kalinga 28 . Hindi , ibang anyo 30 . Panahon 31 . Sisidlan ng gatas 35 . Bathalang araw 36 . Bulong 37 . Luto na ang sinaing 39 . Pangilin 40 . Uri ng malaking lorong puti
8 . Balat ng palay 9 . Kalakal 15 . Huli ng malaking ibon 16 . Katagang pang-ugnay 18 . Angat 20 . Simot 22 . Liham 24 . Igsi ng lolo 25 . Simbolo ng argon 26 . Bulol 27 . Nara

Philippine Showbiz Today 25

29 . Gulok 32 . Gapas 33 . Tunog ng relo 34 . Bagay na gustong mangyari 37 . Sigaw sa taguan 38 . Tulad ng # 16 ●
- Nonie Nicasio , Abante
Solution on PAGE 26
PAHALANG : 1 . Bigay ng nanalo 6 . Nakaw 10 . Barya sa kasal 11 . Kopya
PABABA : 1 . Pala-tawad 2 . Pinagdarausan ng laban
3 . Los Angeles 4 . Simbolo ng arsenic 5 . Kapitolyo ng Norway 6 . Amerika 7 . Libo

Y O U R W E E K L Y

Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Kailangan mong unahin ang iyong tungkulin at responsibilidad bago ang iyong sariling kasiyahan . Ito ay isang bagay na kaya mong gawin . Tanggapin lamang ang sitwasyon , gawin ang dapat gawin . Kapag ang lahat nito ay natapos mo na , ikaw ay magiging masaya . OK ang ika-18 , 19 , 28 at 29 . Ingat sa ika-25 at 26 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Mayroong mga bagay na tila nagpapahirap sa iyo . Nararamdaman mong kailangan mong palayain ang sarili mo . Kailangan mong kumawala sa higpit ng pagkakatali nito sa iyo . Aburido ka . Pero , alam mo naman kung bakit ka nasasakal , di ba ? Nasa sa iyo ang desisyon . OK ang ika- 20 , 21 at 30 . Ingat sa ika-28 at 29 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
Ang pagharap sa mga kaibigan at mga kasama ay maaaring maging mahirap at isang hamon para sa iyo . May mga sasalungat sa iyong mga plano . May tumututol din sa nais mong mangyari . Papayag ka ba ? Ito ay isang bagay na kailangan mong harapin . OK mo ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-16 , 17 at 30 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Hindi madaling makitungo sa mga tao na may kapangyarihan : mga amo , magulang , guro , at pulisya . May mga araw na OK pero sa mga darating na araw , iwasan mo munang makipag-ugnayan sa kanila . Palipasin mo ang Setyembre at saka mo sila harapin . Masaya ang ika- 16 , 17 , 25 at 26 . May tension sa ika-18 at 19 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Iwasan mo ang ang mga kontrobersyal na paksa tulad ng pulitika , relihiyon at mga isyu tungkol sa racism . Walang mangyayari sa debate , mapapa-away ka lang . Iwasan mong ilantad ang iyong mga paniniwala kung gusto mong maaprubahan ang iyong plano . OK ang ika-18 , 19 , 28 at 29 . May tensyon sa ika-20 at 21 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Sa mga natitirang araw ng Setyembre , layuan mo muna ang talakayan tungkol sa mga mana , ari-arian o kung paano hatiin ang pakinabang dahil malamang ay hindi kayo magkakaroon ng kasunduan . Ipagpaliban ang mga usapan tungkol sa pera sa isang buwan . OK ang ika-20 , 21 at 30 . Careful sa ika-16 , 17 , 23 at 24 .

H O R O S C O P E

Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Dapat ay pigilan mo ang bibig sa iyong pagharap sa iba . Ang mga gusto mong sabihin ay maaaring makasakit ng kanilang damdamin . May mga tao na sensitibo lalo na kung ang pagpuna ay manggagaling sa iyo . Sa kabutihang palad , kaya mong mag-preno . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-18 , 19 , 25 at 26 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Mag-ingat nang mabuti sa trabaho , lalo na kapag nakikitungo sa mga boss , magulang at mga nakatataas sa iyo . Makakaranas ka ng mga hadlang sa mga gusto mong gawin . Maaaring may kaugnayan ito sa sa paglalakbay o ibang regulasyon . OK ang ika-16 , 17 , 25 at 26 . Alalay ka sa ika-20 , 21 , 28 at 29 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Ang mga bata ay maaaring maging pasaway . Maaaring magkasagutan kayo ng iyong anak . Gayundin , ang mga plano mong makipag-sosyalan at pang-romansa ay malamang na maantala o ma-cancel dahil sa hindi inaasahang pangyayari . Lucky days mo ang ika-18 , 19 , 28 at 29 . Ingat sa ika-16 , 17 , 23 , 24 at 30 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
Isang mas matanda o tao sa isang posisyon ng awtoridad ang sisira ng iyong mga plano ; maaari silang lumikha ng mga pagkaantala o problema para sa iyo . Mukhang kailangan mo munang bayaran ang iyong utang na loob para makuha mo ang iyong nais . OK ang ika-20 , 21 at 30 . Ingat sa ika-18 , 19 . 25 at 26 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Maaaring may mga ideya kang tututulan ng iyong pamilya , lalo na ng mga kabataan . Hayaan mong sabihin nila sa iyo ang kanilang dahilan . Huwag mong isiping binabalewala nila ang mga sakripisyo mo . OK lang magmalasakit pero iwasan mong manumbat . OK sa ika-23 at 24 . Stressful ang ika-20 , 21 , 28 at 29 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Ang mga isyu sa pananalapi ay maaaring maging problema ngayon . Marahil ang mga bagong patakaran ang sanhi ng sakit ng ulo mo sa mga bagay na kailangan ng puhunan . Ihanda mo ang sarili dahil sa iyong cash flow . Kailangan mo lang harapin ito . Mapalad ka sa ika-16 , 17 , 25 at 26 . Ingat sa ika-23 , 24 at 30 . ● - G . G .