Philippine Showbiz Today Vol 12 No 11 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
June 8 - 21 , 2017
PAHALANG : 1 . Uri ng bangka 6 . Puntos 11 . Inaaliw 10 . Palamig kapag inulit
14 . Tira sa ping-pong 15 . Marunong 17 . Gaba 19 . Likidong lumigwak 21 . Inang perlas 22 . Patay 23 . Lungsod sa Cebu 26 . Maliit na pamayanan 29 . Uri ng sakit 31 . Leksiyon 33 . Gawi pagkagising 34 . Porma 36 . Kasunduan 37 . Hinto
PABABA : 1 . Dokumento sa pag-aabroad
2 . Integrated National
Police 3 . Bayan sa Cavite 4 . Dating Tin 5 . Simbolo ng Aluminum 7 . Panlinis ng buhok 8 . Sampol ng pakwan 9 . Camp Simeon ...
Legazpi
10 . Kabisera ng Italya 12 . Bansa 16 . Bayan sa Nueva
Vizcaya 17 . Martial Arts 18 . Gamit ng estudyante 19 . Masaya kapag nahihirapan ang iba 20 . ‘ Oo ’ sa Hapon

Philippine Showbiz Today 25

24 . Nito 25 . Hikayat 26 . .... Election 27 . Tunay ( balbal ) 28 . Baliw 30 . Sabi ni 31 . .... - atihan 32 . Sapi 35 . Kalye ( daglat sa Ingles ) ●
Solution on PAGE 17

Y O U R W E E K L Y H O R O S C O P E

Gemini ( May 21 – June 20 ) Kung may duda ka sa isang tao , saliksikin mo ang kaniyang nakaraan . Huwag kang papasok sa anumang negosyo na kailangan moong maglagay ng malaking puhunan . Kung sobra ang ganda ng pangakong tubo , malamang ay hindi ito totoo . Dahan-dahan . OK ang ika-3 , 4 , 13 at 14 . Kuwidaw ka sa ika-1 , 2 , 8 , 9 at 15 .
Cancer ( June 21 – July 22 ) Kung masyado kang nakapaloob sa mga pangyayari , hindi mo nakikita ang mas malaking sitwasyon . Patahimikin mo ang iyong loob at magiging mapayapa ang iyong damdamin . Walang dahilan ang selos mo , tapat siya sa iyo . Kulay rosas ang pag-ibig . OK ka sa ika-5 , 6 , 7 at 15 . Stressful ang ika-3 , 4 , 10 , 11 at 12 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 ) Kung humahanga ka sa isang kaibigan , alalahanin mong siya ay tao rin . Hindi siya perfect . Huwag ka sanang manlulumo kung makita mong may kahinaan din pala siya . Kung hihingi siya ng payo , unawain mo . Hindi dahilan iyon upang layuan mo siya . Mapalad ka sa ika-8 at 9 . Bantay ka sa ika-5 , 6 , 7 , 13 at 14 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 ) Bago mo buksan ang iyong bibig . Isipin mo muna nang maraming beses ang iyong sasabihin sa kaniya . Ang pagsisisi ay laging nasa huli . Mahirap burahin sa isip at damdamin ang anumang sasabihin mo kapag ikaw ay galit . Buksan mo ang iyong mga mata . Ayos ang ika-1 , 2 , 10 , 11 at 12 . Alalay ka sa ika-8 , 9 at 15 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 ) Walang mangyyari sa karereklamo mo kung hindi mo aalamin ang puno ’ t dulo ng mga nangyari . Iwasan mo ang magbintang lalo na kung wala kang basehan sa mga akusasyon mong bibitiwan . Kung may nawala , maaaring nawaglit lang at hindi naman ninakaw . OK ang ika-3 , 4 , 13 at 14 . Ingat ka sa ika-10 , 11 at 12 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 ) May problemang namumuo sa relasyon ninyong dalawa – maaaring kaibigan o romantic partner mo siya . Pareho ninyong gustong malaman ang katotohanan . Pero , paano ninyo malulutas ang problema kung pareho kayong duda sa isa ’ t isa ? Imposible , di ba ? OK ang ika-5 , 6 , 7 at 15 . Bantay ka sa ika-13 at 14 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 ) Maaaring magulat ka dahil isang tao na malapit sa iyo ang magsasabi sa iyo ng isang lihim na matagal na niyang kinikimkim . Ano ang gawawin mo ? Kung malalim na ang inyong pagsasama , unawain mo siya . Kung bago pa lang , lumayo ka na ngayon din ! Masaya ang ika-8 at 9 . Kuwidaw ka sa ika-1 , 2 at 15 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 ) Maiistorbo ang takbo ng iyong buhay dahil ang personal na relasyon mo ay mangangailangan ng pansin . Matindi ang pagseselos niya na alam mo namang walang dahilan . Iba ang takbo ng isip niya dahil may iba siyang problema . Ipakita mong mahal mo siya . OK ang ika-1 , 2 , 10 , 11 at 12 . Stressful ka sa ika-3 at 4 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 ) May mga nangyayari sa pamilya mo na kailangan mong unawain . Hndi lahat ay nasa isang linya ng pag-iisip . Magiging abala ka sa tag-araw dahil maraming hihingi ng oras at atensyon mo . Ikaw na ang bahalang magbalanse dahil baka magkasakit ka sa pagod . Lucky ka sa ika-3 , 4 , 13 at 14 . Ingat ka sa ika-5 , 6 at 7 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Hindi ka nila puwedeng lokohin dahil noong umpisa pa lang ay nakita mo na ang motibo nila . Nasa sa iyo kung gusto mo pa rin silang kasama . Kung hindi mo naman ka-trabaho , iwasan mo na sila . Maari nilang gamitin ka dahil sa maganda mong repustasyon . OK ang ika-5 , 6 at 7 . Ingat ka sa ika-1 , 2 , 8 at 9 .
Aries ( March 21 – April 19 ) Masaya ang Hunyo para sa iyo . Marami kang makikilalang importanteng tao na matutulungan ka sa mga plano mo . Ayusin mo ang iyong schedule dahil magiging busy ka . Hindi mo dapat pagbigyan lahat dahil baka magkasakit ka at mawalan ng oras . Best days mo ang ika-8 at 9 . Alalay ka sa ika-3 , 4 , 10 , 11 at 12 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Mag-ingat ka sa iyong pera . Ang kikitain mo ay madali ring mawawala kung hindi ka magtitipid . Gamitin mo ang iyong utak , hindi ang emosyon , sa pagbili ng mga gamit . Huwag kang magpapaloko sa mga alok ng bolero at bolerang negosyante . Mag-ipon ka . OK ang ika-1 , 2 , 10 , 11 at 12 . Ingat ka sa ika-5 , 6 , 7 , 13 at 14 . ● - G . G .