Philippine Showbiz Today Vol 12 No 10 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
May 22 - June 8 , 2017

Philippine Showbiz Today 25

PAHALANG : 1 . Pusta 5 . Sakit sa balat 8 . Sapantaha 10 . Pandiwa 11 . Tunog ng sampal
12 . Los Angeles 13 . Simbolo ng arsenic 14 . Tatay 16 . Simbolo ng pilak 17 . Amerika 19 . Uso 20 . Katagang pang-ugnay 21 . Tamo 24 . Antas 27 . Pagbating Ingles 25 . Simbolo ng argon 30 . Hulapi 31 . Overtime 32 . Isa sa Zodiac sign 34 . Nagkakaisang bansa 35 . 3.1416 36 . Uncle ng Kano 39 . Tulad ng No . 30 40 . Lugar sa Japan 42 . Galaw ng ulo bilang pagtanggi 43 . Payag
PABABA : 1 . Bunton 2 . Huni ng malaking ibon 3 . Apelyidong Tsino 4 . Mistula
5 . Respeto 6 . Kayag 7 . Tawag sa kapatid na babae 9 . Alyas 13 . Dagli 15 . Nota 16 . Sakit sa balat 17 . Nakaw 18 . Pantukoy panao 22 . Pag-alis sa tubig 23 . Nunal
25 . Bathalang araw 26 . Relo 29 . Ikalawang nota 33 . Uri ng hayop 34 . Minsan pa 35 . Tinapay 37 . Bagay na gustong mangyari 38 . Nagtataglay 41 . Termino sa boksing ●
Solution on PAGE 20

Y O U R W E E K L Y H O R O S C O P E

Gemini ( May 21 – June 20 ) Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
Kaunting tiis na lang at makakamit mo na ang iyong pinakamimithi . Maaaring ito ay sa larangan ng negosyo , trabaho o pag-ibig . May kaguluhan ang paligid mo – pero wala kang kinalaman dito . Pabayaan mo sila , huwag kang makisahog . Mag-focus ka sa tama . OK ang ika-17 , 18 , 25 at 26 . Ingat sa ika-19 at 20 .
Cancer ( June 21 – July 22 )
Habaan mo ang iyong pasensya at lawakan mo ang pang-unawa . Kung kailangan ng kalahati , dagdagan mo pa . Ang susi ng katahimikan ng damdamin ay hawak mo , hindi ito hawak ng iba . Kung may nagseselos sa tagumpay ng hanapbuhay mo , pasan niya iyon . OK sa ika-19 , 20 , 27 at 28 . Stressful ang ika-21 at 22 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Tandaan mo , pakinggan mo ang iyong katawan . Kung pagod , magpahinga ka . Kung gutom , kumain ka . May dahilan kung bakit ka parang pagod at nahihilo . Mas mabuting magpatingin ka agad sa doctor . Mabuting maagapan , bago lumala iyan . Mapalad ka sa ika-21 , 22 , 29 at 30 . Ingat sa ika-17 , 18 , 23 at 24 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Masaya ang mga natitirang araw ng buwan na ito para sa iyo . Magpahinga ka muna at kung puwede , magbakasyon ka . Magaan ang dating ng pera at wala kang dapat alalahanin . Ang mga bituin ay naka-alalay sa magandang kaplaran mo . Buwenas ang negosyo . OK ang ika-23 at 24 . Ingat sa ika-19 , 20 , 25 at 26 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Walang masama kung pipiliin mong manatili lang sa bahay ng ilang araw at pabayaan mo lang na dumaloy ang agos ng buhay sa labas . Kung gusto mo , magpunta ka sa isang retreat na walang mang-aabala sa iyo . Kailangan ng utak at puso mo ang pahinga . OK ang ika-17 , 18 , 25 at 26 . Kuwidaw sa ika-21 , 22 , 27 at 28 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
May pangangailangan ka na hindi naibibigay ng tao na inaasahan mong magpapaligaya sa iyo . Kapag kinakausap mo siya , pakiramdam mo ’ y binabalewala ka niya . Sino ang may kasalanan ? Sino ang may pagkukulang ? Isipin mong mabuti . OK mo ang ika- 19 , 20 , 27 at 28 . Ingat sa ika-17 , 18 , 23 , 24 , 29 at 30 .
Huwag mong aksayahin ang panahon sa mga walang kuwentang bagay . Nauubos ang mahalagang oras mo sa hindi kapakipakinabang na pag-intindi sa tsismis o sabi-sabi . Hayaan mo silang mag-tsismis hanggang maubos ang laway nila . Ikaw pa rin ang panalo . OK ang ika-21 , 22 , 29 at 30 . Ingat sa ika-19 , 20 , 25 at 26 .
Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Kung mabilis kang magdamdam kahit walang malaking dahilan , baka kailangan mong maghinay-hinay muna sa mga ginagawa mo . Minsan , dahil lang sa sobrang pagod kung kaya ka nagiging maramdamin . Alam ng pamilya mo ang sakripisyo mo . Good days ang ika-23 at 24 . May tensyon sa ika-21 , 22 , 27 at 28 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
May oras na kailangan mo lang mag-isa at pakinggan ang nangyayari sa isipan at puso mo . Kailangan mong ipahinga ang damdamin dahil apektado nito ang kalusugan mo . Magpamasahe ka , mag-relax . Makikita mo ang panibagong lakas at saya . Lucky ka sa ika-17 , 18 , 25 at 26 . Careful sa ika-23 , 24 , 29 at 30 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Pakinggan mo ang kaibigan mo . Mas nakikita niya ang nangyayari dahil hindi siya sangkot sa mga naganap sa buhay mo . Kadalasan , ang solusyon sa problema ay nasa harapan mo lang pero hindi mo nakikita dahil masyadong malapit sa iyo . Matatapos din ang gulo . OK ang ika-19 , 20 , 27 at 28 . Ingat sa ika-25 at 26 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Sumama ka na lang muna sa agos . Iwasan mo ang maging kontrabida dahil hindi ka mananalo sa argumento . Subukan mong umayon sa kanila at makikita mong gagaan ang iyong pakiramdam . Maaaring sila pa ang maging daan sa tagumpay ng project mo . OK ang ika-21 , 22 , 29 at 30 . Alalay ka sa ika-27 at 28 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Hindi nakatago ang ligaya sa mga lugar na kailangan mong gumasta ng malaki para mapuntahan . Wala kang pondo para magbakasyon grande . Huwag mong ubusin ang ipon mo . Nadiskubre mo na ba ang sariling bayan mo ? Marami ka pang dapat makita . OK ang ika- 23 , 24 , 29 at 30 . Ingat sa ika-17 at 18 . ● - G . G .