Philippine Showbiz Today PST Vol 13 NO 01 | Page 25

Philippine Showbiz Today 25
January 8 - 21 , 2018
PAHALANG : 1 . Bilis o bagal ng tunog 5 . Bahagyang tulog 10 . Highway 54 12 . Christian ....

Y O U R W E E K L Y

Capricorn ( Dec . 22 – Jan . 19 )
Maganda ang iyong kalusugan at magpapatuloy iyan sa mga darating na buwan basta alagaan mo lang ang sarili mo . Iwasan mo ang magpagod nang walang katuturan dahil dapat mong ilaan ang isip at lakas mo sa mga bagay na pakikinabangan mo . Mag-relax ka . OK ang ika-5 , 6 at 15 . Stressful sa ika-1 , 2 , 8 at 9 .
Aquarius ( Jan . 20 – Feb . 18 )
Ang mahalaga ay wala kang tinatapakan sa iyong paghahanap ng paraan kung paano mapapabuti ang iyong buhay . Kung ano man ang mangyari , wala kang puwedeng sisihin kundi ikaw lang . Siguraduhin mo lang na may matibay na basehan ang mga desisyon mo . Lucky ka sa ika-8 at 9 . Ingat ka sa ika-3 , 4 , 10 at 11 .
Pisces ( Feb . 19 – March 20 )
Makakaasa ka na ang mga kabutihan mong ginagawa ay nakikita ng marami . Sila ang magbibigay sa iyo ng mas magandang pagkakataon upang umasenso ka sa buhay . Mag-focus ka sa iyong negosyo o hanapbuhay . Ngayon ang panahon upang umunlad ka . OK ang ika-1 , 2 , 10 at 11 . Ingat ka sa ika-5 , 6 , 12 , 13 at 14 .
Aries ( March 21 – April 19 )
Maayos ang pasok ng 2018 sa iyo . Mag-focus ka sa iyong plano . Isa lang o dalawa ang piliin mo sa mga nakalinya mong proyekto . Mas magiging matagumpay ka kung hindi labu-labo ang mga ginagawa mo . Bigyanpansin mo ang kalusugan . Best days mo ang ika-3 , 4 , 12 , 13 at 14 . Alalay ka sa ika-1 , 2 , 8 , 9 at 15 .
Taurus ( April 20 – May 20 )
Matagal mo na ring pinalampas ang pagkakataon na sabihin ang totoo mong nararamdaman sa espesyal na tao sa iyong buhay . Maaaring ngayon na ang tamang panahon . Kung may kaba ka tungkol sa kalusugan , sundin mo lang ang sabi ng doctor at kakayanin mo iyan . OK ang ika-5 , 6 at 15 . Ingat sa ika-3 , 4 , 10 at 11 .
Gemini ( May 21 – June 20 )
13 . Simbolo ng Methyl 14 . Wala sa ayos 17 . Simbolo ng Tellurium 18 . Phil . News Agency 20 . Pub 21 . Tawag sa guro 22 . Ahas 25 . A sa ASAP 27 . Ipalamon 30 . Tagapangasiwa ng mundo 32 . Titulo ng mayaman 35 . Lugar sa aklat ng
Genesis 36 . Uri ng bulaklak 38 . “ Love of --- Life ” - Queen 39 . Tatak ng relos 41 . Walang saplot 43 . Puwang o pagitan 44 . Karne PABABA : 1 . Init o lamig
2 . Paraiso 3 . Manuscript 4 . Tunog ng sampal 6 . Pamuksa ng peste 7 . Simbolo ng Lithium
Hindi ka dapat magtaka kung bakit may mga gumagawa ng pabor para sa iyo . May nagawa ka na nakatulong sa iba . Hindi mo inisip ang sarili mo . Dahil sa iyo , naging mabuti ang kabuhayan ng tinulungan mo . Inaani mo na ang magandang bunga nito . OK ang ika-8 at 9 . Kuwidaw ka sa ika-5 , 6 , 12 , 13 at 14 .
8 . Alpabeting Griyego 9 . Pangitain 11 . Ilahas 15 . Mapagsamantala 16 . Uri ng isda 19 . Simbolo ng Gold 21 . Miligramo 23 . Yugto ng karera 24 . National Bureau of
Investigation

Philippine Showbiz Today 25

Solution on PAGE 26

H O R O S C O P E

Cancer ( June 21 – July 22 )
Panahon na upang bayaran mo ang mga utang . Maaaring pera o pabor ang kailangan mong ibayad . Anuman iyon , kung kaya mong gawin , tapusin mo na ngayong Enero at nang wala ka ng iniisip na dapat bayaran o tanawing utang na loob . Matatahimik na ang isip . OK ka sa ika-1 , 2 , 10 at 11 . Stressful sa ika-8 , 9 at 15 .
Leo ( July 23 – Aug . 22 )
Ihanda mo ang sarili sa isang madramang Enero . May mga tao na magiging mabigat sa iyo dahil puno sila ng hinanakit at panunumbat . Nakikita nilang umaasenso ka . Dahil dito , akala nila ay nakatulong sila sa pag-asenso mo . Iwasan mo na lang muna sila . Mapalad ka sa ika-3 , 4 , 12 , 13 at 14 . Bantay ka sa ika-10 at 11 .
Virgo ( Aug . 23 – Sept . 22 )
Ang pagkakaroon ng maraming pera ay isa lamang paraan upang maging maligaya ang isang tao . Hindi pera ang tanging makakapagpaligaya . Minsan , iyon pa ang nagiging daan sa kalungkutan at pagkabigo . Hanapin mo ang bagay na makakapagpaligaya sa iyo . OK ang ika-5 , 6 at 15 . Alalay ka sa ika-12 , 13 at 14 .
Libra ( Sept . 23 – Oct . 22 )
Buwenas ang pasok ng 2018 para sa iyo . Magaan ang pasok ng pera at maayos ang hanapbuhay . Kung single ka , may oportunidad na makikita mo na ngayon ang matagal mo nang hinhintay . Nasa iyo ang magagandang baraha ng buhay . Laruin mo nang maayos . OK ang ika-8 at 9 . Ingat ka sa ika-1 , 2 at 15 .
Scorpio ( Oct . 23 – Nov . 21 )
May mga pintuan na magbubukas para sa iyo . Ikaw na ang bahalang pumili kung alin ang mas magbibigay sa iyo ng kasiyahan . Huwag kang matakot dahil matagal mo na itong inaasam at ngayon na ang pagkakataon . Walang hahadlang sa iyo . Lucky days mo ang ika-1 , 2 , 10 at 11 . Bantay ka sa ika-3 at 4 .
Sagittarius ( Nov . 22 – Dec . 21 )
27 . Buwan ng Jupiter 28 . Tawagan sa kulungan 29 . Alpabeto 31 . Sentro ng solar system 34 . Asta 36 . Palayaw ni Ronald 37 . Palayaw ni Sharon 40 . Talak ‘ pag inulit 42 . University of Manila●
- E . Avendaño
Bago natapos ang nakaraang taon , mayroon kang gustong gawin . Hindi mo ito ginawa dahil may kulang pa sa iyong mga plano . Tapos na ang Pasko . Puwede mo na ulit balikan ang mga plano mo at kumpletohin mo na ang mga kulang . Tapusin mo na ngayon . Masaya ang ika-3 , 4 , 12 , 13 at 14 . Kuwidaw ka sa ika-5 at 6 . ●
G . G .