Philippine Community Herald Online Edition May 2021 | Page 26

ENGLISH - TAGALOG ( FILIPINO ) BASIC VOCABULARY
ANG SAMAHAN NG MGA SENYOR
THE PHILIPPINE COMMUNITY HERALD NEWSPAPER

PITAK PILIPINO

ENGLISH - TAGALOG ( FILIPINO ) BASIC VOCABULARY

ni NENITA COLOMA
stupid
tanga ; gunggong ; hangal
stupidity
katangahan ; kahangalan
stupor
pagkatuliro ; pagkahilo
sturdiness
lakas ; kalakasan ; tibay
sturdy
malakas ; matipuno ; matibay ;
The boy called his friend stupid
Tinawag na tanga ng batang lalaki ang
because he could not understand
kanyang kaibigayndahil hindi nito
what he was saying .
maintindihan ang sinasabi niya .
The wood that was installed was sturdy
Matibay ang inilagay na kahoy kaya ito
that it will last long .
ay tatagal .
The old lady is stylish in the way she
Pusturyosa ang matandang babae sa
wears her dress and her manners , too .
kanyang pananamit at pati na ang
kanyang kilos .
The man is suave .
Pinong kumilos ang lalaki .
What are the subjects / topics do you think
Anong mga paksa ang palagay mo na
we have to tackle in our conference ?
dapat nating talakayin sa ating
comperensiya ?
stutter
umutal-utal
sty
koral ( kural )
kulungan ng baboy
style
uso ; moda
stylish
pusturyoso
suave
banayad ; pinong kumilos
subdivide
hatiing muli ; hatiin sa mas
maliit na parte
subdue
magpasuko ; pasukuin
subject
paksa
subjection
pagpapasuko ; paglupig
subjugate
sumupil ; supilin
subjugation
paglupig ; pagsupil
sublet
magpaupa ng isang bagay
na inuupahan
sublime
dakila ; marilag
submarine
submarino
submerge
maglubog ; ilubog ;
palubugin
submerged
lubog
submergence
paglulubog ;
pagkakalubog
ni Nards Purisima
Kung ang samahan ng mga Pilipino senyor ating paguusapan silang lahat ay masayang-masaya na sila dahil sa kanilang nababalitaan unti-unti nang nawawala ang COVID 19 sa kanilang mga lugar , kaya bumabalik na ang dati nilang ginagawa sa kanilang samahan . Gaya itong buwan ng Hunyo abalang-abala na naman sila sa paghahanda sa pagdiriwang Ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas , hindi lamang sa mga samahang senyor , kundi sa ibang samahang Pilipino dito sa Australia . Kaya ang mga senyor pagdating sa nasabing pagdiriwang ay mayroon silang natatanggap na mga paanyaya sa kanila galing sa iba ’ t-ibang samahang Pilipino at pinakikiusapan sila na silang magambag o magbigay sila ng isang parte sa programa ng nasabing pagdiriwang . Ang mga senyor basta kaya nila ay hindi sila tumatanggi

ANG SAMAHAN NG MGA SENYOR

lagi silang nakahandang tumulong at maglingkod sa ikabubuti at ikasasaya ng ating komunidad .
Kaya ang mga Pilipino senyor dito sa Australia ay laging masasaya lalo na ngayon mawawala na ang COVID19 . Gaya kamakailan lamang nakikita natin ang kanilang kasiglahan at kasiyahan sa kanilang pagdiriwang ng bawat samahan sa paggunita , Ang Araw ng mga Ina , Santacruzan at iba pang pagdiriwang ng bawat samahan tulad ng nakikita natin sa kanilang larawan . Ang unang nagdiwang itong buwan ng Mayo ay ang samahang AGAPI Rooty Hill pangulo Dorothy Del Villar , ipinagdiriwang nila Ang
PASSCI Fairfield Sta Cruzan Celebration ...................................,
Araw ng mga Ina , dahil ang araw na ito ay mahalaga sa kanila at ganon din sa atin lahat dahil ito ang nagpaala-ala sa atin lahat ang kahalagahan ng isang lna sa ating buhay . Kaya dito sa samahang AGAPI ay namili sila ng apat ( 4 ) na lnang miyembro na mayroon silang taglay o ugaling apat na 4 ( M ) sa kanilang buhay . gaya ng MADASALIN , MATU- LUNGIN , MASAYAHIN at MAPAGMAHAL sa kapwa lalong-lalo na sa pamilya . Ang mga napili ay sila Susing , Delia , Araceli at Patricia . At ang napiling Mother of the year ay si Susing , sumunod si Delia , Araceli at Patricia gaya ng nakikita natin sa larawan kasama ang kanilang pangulo at mga opisyales ng samahan .
Dito naman sa SAFSI Marayong pangulo Teresita Hermoso sabay nilang ipinagdiwang Ang Araw ng mga lna at Santacruzan at ang napiling Mother of the year ay si G . Edna Onato at sya rin ang Reyna Elena sa naganap na Santacruzan . at ang dalawang kasama na sila Aracelle at Edith gaya ng nakikita natin sa larawan kasama ang mga officiales ng samahan . At dito naman sa PASSCI Fairfield pangulo Jun Relunia jr . ang pinagdiwang nila ay ang Sta . Cruzan at ang napiling Reyna Elena ay si G . Jesusa Agcaoili na nakikita rin natin sa larawan .
Sa ibang dako naman hindi lamang sa samahang senyor ang nagdiwang Ang Araw ng mga lna , kahit dito rin sa samahan Kapitbahayan ay masaya rin silang ipinagdiwang Ang Araw ng mga lna gaya ang nakikita natin sa kanilang larawan ( pahina 36 ) ang kanilang pangulo Ruben Amores ay masayang nagbibigay ng mga bulaklak sa mga lna ng Kapitbahayan . Dito masayang nagtapos ang mga pagdiriwang ng bawat samahang Pilipino sa paggunita nila Ang Araw ng mga lna , Sta . Cruzan at iba pang pagdiriwang na ginagawa nating sa ating bansang Pilipinas
AGAPI mothers Day Celebration ..................................................
PASSCI Fairfield Sta Cruzan Celebration Reyna Elena Jesusa
SAFSI Mothers Day and Santacruzan Celebration .....................
Edna Onato Reyna Elena , kasama Aracelle at Edith .
( Kanan ) Mother of the Year Edna Onato at kanyang asawa Leo Onato kasama officiales ng SAFSI
More Photos on Page 36
26 -- THE PHILIPPINE COMMUNITY HERALD NEWSPAPER -- MAY 2021 -- 26