MATAGUMPAY na inilunsad ang Telecom Program sa ika- Siyam na Taunang Pagpupulong o Annual General Meeting ng mga kasapi ng One Filipino Cooperative of BC ( FilCo-opBC ). Ginanap ang pagdiriwang noong ika-5 ng Mayo 2018 sa Killarney Community Center , Vancouver .
Ang Telecom Program ay ekslusibong programa para sa mga kasapi ng FilCoopBC thru an agreement with the Cooperative Housing Federation of BC ( CHFBC ) and TELUS upang makapagbigay ng 50 % discount sa retail prices ng Optik TV at High Speed Internet . Ang paglulunsad ay dinaluhan nina Raymond Sang , CHFBC Telecom Program Director at Thalia Attal ang Coordinator ng programa .
Tampok din sa AGM ay ang taunang pag-uulat ng Pangulo at mga gawain ng samahan , ang paguulat sa operasyon ng negosyo at pang pinansiyal na nagkaroon ng positibong pagtaas sa kinita at pagdami ng mga kasapi pati ang mga sosyo nito sa kooperatiba . Iniulat din ang mga naisagawang pakikipag-ugnayan ng Fil Cooperative One Housing Society sa iba ’ t ibang ahensiya upang isulong ang affordable housing initiative ng FilCoopBC .
Panauhing pandangal si Vancouver Councillor Hector Bremner at ang kanyang Pinay na maybahay na si Virginia Bremner . Nagbigay si Councillor Bremner ng mensahe at inspirasyon tungkol sa samahang FilCo-opBC na malaki ang magagawa sa pagtulong sa mga kababayang Pinoy lalo na sa aspetong pabahay .
Nagbahagi din ng mga testimonials ang ilang kasapi tungkol sa mga karanasang
|
nagawa at naitulong sa kanila ng mga programa at serbisyo ng FilCo-opBC . Pangunahin dito ay ang Pahiraman ng Bayan at FilCoopBC / Iremit Padalahan money remittance service . Ibinahagi nila ang serbisyo ng pahiraman na kung saan ay natutugunan lalo na ang mga biglaang pangangailangan . Binahagi din ang kagandahan at |
kumbenyente sa paggamit ng padalahan service dahil kahit text or tawag lang ay napapadala na agad ang pera sa Pinas at maliban sa extended hours of operation .
Binigyan din ng parangal ang mga kasaping aktibo sa pagtangkilik sa serbisyo ng FilCo-opBC . Ito ay sina Felix Mejica , Maryjane Ballares , Sonia Mclaughlin , Ofelia Icatlo at Mila Blancia .
Lima sa siyam ang nahalal bilang mga bagong Board of Directors sa taong ito ay sina : Dominador Masakayan , Joy Sapiera , Marilyn Bajarias , Vivian Paule at Jody Flores . Ang apat na Board of Directors na may isang taong pang panunungkulan ay sina Tony Calderon , Marichu Celi Roel Gumboc at Felix Mejica .
Bahagi sa taunang pagpupulong ay ang pamamamahagi ng cheque ng Profit Share at Patronage Refund . Ang Profit Share ay bahagi ng kinita ng sosyo ng mga miyembro samantalang ang Patronage Refund ay ang pagbabalik ng kita dahil sa kanilang pagtangkilik sa mga programa at serbisyo ng kooperatiba .
Minsan pa ay napatunayan na kung sama-sama at tulongtulong sa anumang gawain , madali at matagumpay nitong maisasagawa ang adhikain ng
|
samahan .
Maligayang Pagdiriwang sa lahat ng bumubuo at kasapi ng OneFilCoop . Ang tagumpay mo ay tagumpay ng Pamayanang Pilipino !
Para sa mga interesadong maging bahagi o anumang katanungan tungkol sa FilCoopBC
|
, makipag-ugnayan lang sa email : filcoopbc @ yahoo . ca or tumawag sa 604-780-2061 ; website : www . filcoopbc . com ; facebook : Filipino Cooperative
“ Matutulungan ka na , Makakatulong ka pa ,
Kayang- Kaya Kung Sama- Sama !”
|