Philippine Asian News Today Vol 19 No 17 | Page 11
September 1 - 15, 2017
PHILIPPINE ASIAN NEWS TODAY
11
SSS for Filipinos in Canada
BY: JENNY LUMABI, Padalahan ng Bayan Coordinator (FilCo-op Iremit Partnership)
Pwede bang gamitin ang
dating Social Security System sa
Pilipinas kung tayo ay narito na sa
Canada? Halos lahat ng Filipinos
na nagmigrate sa Canada na dating
nagtrabaho sa pribadong sector sa
Pilipinas ay may kaalaman tungkol
sa Social Security System o SSS
ng Pilipinas. Ngunit hindi lahat
ay nakakaalam sa benepisyo ng
SSS para sa atin at ating mga
pamilya ngayong tayo ay narito
na sa Canada. Maaring mayroon
tayong mga benepisyo na pwede
na nating mapakikinabangan at
ng ating mga mahal sa buhay,
hindi lang natin nalalaman kung
ano at papaano.
Ang SSS or Social Security
System
ay
isang
social
insurance program
para
sa
mga Pilipinong empleyado, self
employed at voluntary members
sa Pilipinas. Sakop din nito ang
mga Pilipino na 1)nahire ng
isang foreign-based employer
for employment abroad; 2) mga
mayroong source of income sa
ibang bansa; at 3) mga permanent
residente ng isang foreign country.
Ito ay isang ahensya ng gobyerno
ng Pilipinas na ngbibigay ng
retirement and health benefits
sa lahat ng miyembro nito at sa
kanilang mga benepisyaryo.
Ang SSS ay nagbibigay
ng “replacement income”
sa
miyembro ng SSS kung hindi
sila makapag trabaho dahil sa
mga hindi inaasahang pangyayari
tulad ng untimely death, disability,
pagkakasakit, maternity at old
age. Mayroon ding final expenses
benefits para sa naiwang pamilya
upang magamit sa burial expenses
ng miyembro o pensioner. Maari
ding mag submit ng salary loans
depende sa monthly income
at calamity loans para sa mga
pagkakataon ng kalamidad katulad
ng pagbaha, lindol at iba pang
natural disasters sa Pilipinas.
Maaaring magparehistro sa SSS
o ipagpatuloy ang dati ng coverage
kung ikaw ay dati ng nakapaghulog
ng contribution upang makuha
ang mga benepisyong nabanggit.
Kailangang ikaw ay natural born
Filipino na hindi lalampas sa 60
years old at nasa ibang bansa,
maging ikaw man ay matagal
ng hindi naninirahan sa Pilipinas
o nakakuha na ng Canadian
Citizenship.
Akala ng ilan “pagka nahinto
na ang paghulog ay mababalewala
na ang mga nauna ng naihulog”
or “baka hindi na makuha ang
perang naihulog”. Taliwas nito,
lahat ng nakapagtrabaho sa
Pilipinas at nakapaghulog na ng
contributions sa SSS at ang lahat
ng miyembro nito sa ibang bansa
ay entitled sa dalawang retirement
options. Una, maaring magkaroon
ng lifetime monthly pension
sa edad na 60 (optional) o 65
(mandatory) kung sila ay nakaabot
sa minimum 120 months of total
number of contributions o higit
pa. Pangalawa, ang pagclaim ng
lump sum amount para naman sa
mga hindi nakaabot sa minimum
na 120 months of contributions
ang naihulog, entitled ang lahat ng
miyembro na maibalik ang lahat
ng contributions plus interest ng
kanilang pera sa edad na 65 gaano
man ito kaliit or kalaki.
Kung ang miyembro ay nasa
Canada o saan mang bansa,
maaring pa ring makuha ang
pension dahil ang SSS ay may
mga accredited banks kung
saan direktang dinedeposito ang
monthly pensions.
Ang
paghahanda
sa
kinabukasan ng pamilya ang
pangunahing rason kung bakit
karamihan ng mga Pilipino ay nag
mimigrate sa Canada. Ang SSS
ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mga Pilipino na mapaghandaan
ang kinabukas nila at ng kanilang
mga pamilya.
Para sa katanungan kung
papaano
makapagrehistro
o
makapagpatuloy ng contribution
at makakuha ng anumang
mahahalagang
impormasyon
tungkol sa SSS, maaring makipag-
ugnayan sa OneFil Co-op at
saan mang branches ng Iremit o
tumawag sa 778 384 8788. Pwede
ding irequest ang SSS number
at summary of contributions/
outstanding loans para sa mga
dati ng miyembro.
“The One Filipino Co-operative
of BC, the first ever Filipino Co-
operative Organization in BC
was launched on October 31,
2009. The Co-op’s objective is to
enhance the lives of the members,
our kababayans, and support
one another through cooperative
effort or bayanihan. It is founded
on the principles of self-help,
responsibility, equality, democratic
governance, focus on services to
members, equitable distribution
of benefits and earnings, and
commitment
for
community
growth and development.
FilCo-op’s Programs and
Services includes Pahiraman ng
Bayan Micro Lending Program,
Padalahan ng Bayan Money
Remittance Services, Pauwi sa
WWW.PHILIPPINEASIANNEWSTODAY.COM
Pinas Fly Now Later, Damayang
Pinoy Program, Job Posting/
Networking and Referral Services.
Open to all our kababayan to
join! Pre-Membership Seminar on
Sept. 23, 2017 9:30 am -1:00pm
at Vancity Victoria Drive Branch
(Victoria Drive and 40th Ave.,
Vancouver).
For more information and
inquiries, please call 604-780-
2061 or email filcoopbc@yahoo.
ca . You can visit the website www.
filcoopbc.com. Facebook: Filipino
Cooperative
“Matutulungan
ka
na,
Makakatulong ka pa.
Kayang-Kaya Kung Sama-
Sama!”